Chapter 33

561 17 1
                                        

Kendra POV's

Nandito kami ngayon sa canteen dahil lunch na. Kasabay namin si Xian at mga kaibigan niya. Nakaupo lang kami ni Yara dito dahil sila na ang kumuha ng pagkain namin.

"Bakit pumasok agad si kuya Xian? Magaling naba siya?" Tanong ni Yara.

"Makulit lang yan, pero hindi pa magaling yan" sambit ko.

"Ganun, buti pinayagan siya ni tita" saad niya pa, dumating na din sila Xian na may dalang mga pagkain. Isa isa nila itong ibinaba.

"Ang dami naman nyan, may ano?" Tanong ni Yara.

Umupo na sila "Libre lahat yan ni Xian" nakangiting sambit ni margo sabay tingin kay Xian na tumabi ng upo saakin.

Yara: "Anong nakain mo kuya Xian?"

Kian: "Mukhang may maganda kang ibabalita ngayon ha"

Margo: "Hindi pa magaling pero pumasok agad, namiss ba?"

Nahihiya akong nagbaba ng tingin ng bigla akong tignan ni Margo.

"Aysss kumain na nga lang kayo" saad ni Xian.

Nagsimula na silang kumain at binigyan din ako ni Xian. Habang kumakain kami nagtatawanan lang sila. Nakikitawa nalang din ako kahit diko alam kung ano yung kinukwento ni kian.

Pagkatapos naming kumain nagpaalam si Xian at kerby dahil may puluntahan lang daw sila, papasok na kami sa room ng may mga estudyante na parang may tinitignan sa bulitin board.

"Ano kayang tinitignan nila dun?" Tanong ni Yara.

"Eh kung lumapit ka kaya tsaka mo tignan, baka masagot mo yang tanong mo" sarkastikong sagot ni kian.

"Alam mo kanina kapa eh, panira ka talaga ng araw ko hano" naiinis pang tugon ni Yara.

"Ikaw nga tong sinisira ang araw ko"

"Arghh kainis tabi nga" Yara said sabay pumunta sa may bulitin board.

"Hayyy ang init talaga ng ulo sakin ng babaeng yun, kala mo kung sinong maganda" tinapik ni margo sa balikat si kian then he looked at Yara na nakikipag siksikan.

"Ganyan talaga mga babae bro, alam mo imbis na awayin mo tutunan mong mahalin" rinig kong bulong ni margo kay Kian.

"Siraulo kaba? Alam mo namang may iba kong mahal" tugon ni kian. Nagkibit balikat lang si margo tapos naki gulo na din.

Nilapitan ko si kian na parang naiinis. "Halika na" saad ko.

"Sige susunod ako" tugon niya pa. Tumango lang ako then pumunta na din kila Yara

Hinatak ako bigla ni Yara "Tignan moto kendra, sumali ka malay mo manalo ka" she said.

"Ayoko nga, di ako sumasali sa mga ganyan" saad ko.

"Ang kj mo naman, look makakalaban mo dito si Ara, malay mo matalo mo siya"

"Wala akong pakialam kahit kalabanin ko siya, ayokong sumali sa mga ganyan"

"Ano ba chance mo nato, diba gusto mong tumaas pa lalo yung mga grades mo para makapasok ka sa mga sikat na University, eto na yun kendra kaya go na"

Falling for Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon