Kendra's POV
"Anak nandito na si Franco" dinig kong sigaw ni mama mula sa baba.
"Nandyan napo" binilisan kona ang pag aayos ng mukha ko, liptint nalang ang kulang then boom, okay na.
Bago ko kunin ang pouch na dadalin ko isang sulyap pa sa salamin ang ginawa ko. Then I smiled when I saw myself in the mirror, nakasuot ako ng simple gray dress with a silver necklace, piercing and bracelet.
1 inch na takong lang ang sinuot ko ngayon , baka kasi mamaya sumakit ang paa ko. Sanay naman na ako pero minsan ayoko lang nagsusuot ng matataas.
Habang pababa ako nasulyapan ko si mama at Franco sa baba.
"Heyy" Sabi ko ng makababa. Sabay silang lumingon saakin. Ngumiti ako sakanila ng hindi sila magsalita.
"Haynako anak parang hindi ikaw yan" pangbobola pa ni mama.
"Ano kaba ma, nagsuot lang ako ng ganitong damit hindi na ako" natatawa kong sabi.
"Oh sige na, baka malate kayo sa party"
"Sige po" hinalikan kona sa pisngi si mama, saka lumabas na kami.
"Enjoy kayo ha, mag ingat" sigaw ni mama ng makasakay kami.
Tumango at nag flying kiss ako sakanya, pinaandar na ni Franco ang makina saka pinaharurot.
Habang nilalakbay namin ang daan patungo sa bahay nila Mr. Winston kung saan gaganapin ang party, napansin ko na kanina pa lingon ng lingon saakin si Franco.
"Baka malusaw ako" biro ko sakanya.
"Ha?" Tanong nya saka lumingon saakin.
"Sus ikaw ha, yang mga tingin mo" natatawa ko pang Sabi.
"Nagagandahan lang ako sayo"
"HAHAHA ilang taon tayong nagsama sa america ngayon mo lang napansin"
"Syempre iba parin yung ganda mo ngayon"
"Naku ewan ko sayo" napangisi nalang ako.
Maya maya lang nakarating din kami. Inalalayan nya akong bumaba.
"Grabe sa tagal ng taon ngayon nalang ulit ako dadalo ng party dito sa pilipinas" humawak na ako sa braso nya tapos sabay kaming pumasok sa loob. Iba talaga pag mayaman.
"Hey Mr. Mercado nice meeting you again" agad na salubong saamin ni Mr. Winston. Kung sya nga si Mr. Winston.
"Nice meeting you too Mr. Winston" ow tama nga ako. Pagkatapos nilang magkamayan, biglang lumingon saakin itong si Mr. Winston.
"Hindi ko alam na may girlfriend kana pala, at isang sikat na modela sa magazine" biglang sabi nya kaya nahiya ako, ng konti, konti lang naman.
"She's not my girlfriend" Sabi ni Franco na sumulyap sakin.
"I'm sorry"
"It's okay, by the way, she's Kendra Zamo--"
"I know her, good evening Ms. Zamora, napakaganda mo" tapos inilahad ang kamay sa harap ko. Kinuha ko iyon para makipag kamay pero nagulat ako ng halikan nya iyon. "Come on" Sabi nya matapos halikan ang likod ng palad ko.
Ngumiti lang ako at pumasok na kami sa loob. Pagpasok namin sa loob may nag abot na agad saamin ng wine. Umupo kami sa isa sa mga upuan dito.
Pagkaupo namin lumingon lingon lang ako sa mga dumarating at sa mga nakaupo dito. Wala manlang akong kakilala.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Novela JuvenilKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...
