Xian's POVKaagad akong tumayo ng makita kong nawalan ng balanse si Kendra.
Inalalayan ko ito papunta sa kinaroroonan ni Tita Kaycee.
Matagal niya muna itong tinitigan bago buksan ang puting telang nakatakip.
Habang naka alalay ako sakanya nasa likod ko si Yara na kasama si Kian, si Franco na nasa labas lang.
Nanginginig na hinawakan ni Yara ang puting tela saka dahan dahang tinanggal ito.
Nang tuluyan ng matanggal, biglang humagulgol si Kendra.
"No, no mama, mama please gumising kana" malakas nyang sigaw habang walang tigil sa pag iyak.
Niyakap nya si tita Kaycee tsaka inalog alog ito.
"Sabi mo one week lang mama, please ma, wag ganito, ma ayoko, gumising kana" Wala paring tigil ito hanggang sa lumapit na sakanya si Yara. "Buhay si mama diba, please buhay sya, please, please, ma wag mokong iwan, diko kaya ma" hindi kona kayang nakikita si Kendra ng ganyan kaya lumabas muna ako.
Bakit kay Kendra pa nangyari yung ganito? Ang dami namang taong hindi maganda yung ginagawa dyan.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Alam ko naging gago ako kay Kendra, niloko, sinaktan ko sya.
Pinagsisihan ko yun. Hindi ko alam kung bakit tuwing nakikita ko syang nasasaktan pati ako nasasaktan din.
Rinig ko parin mula dito sa labas ang paghagulgol ni Kendra.
*Kinabukasan*
Hapon na ng makapunta ako dito sa burol ni Tita Kaycee. Nagkaroon kasi ako ng meeting sa manila kaya ngayon lang ako nakapunta.
"Kuya Xian" pagtawag sakin ni Yara ng makita ko.
"Nasan si Kendra?" Agad na tanong ko. Malungkot na yumuko si Yara.
"Naaawa nako kay Kendra, kaninang umaga pa sya hindi kumakain, wala rin syang tigil sa pag iyak" she said.
"Nasan sya?"
"Nandon" saby turo sa kinaroroonan ni Kendra. Tinapik ko sa balikat si Yara saka nagtungo kay Kendra.
Nang makita ko kung anong kalagayan nya, lalapitan kona sana sya ng biglang lumapit si Franco.
Pilit nitong binibigyan ng pagkain si Kendra pero tumatanggi ito.
Naikuyom ko ang mga kamao ko ng yakapin nya si Kendra.
Diko alam pero bigla nalang akong umalis.
"Bro san ka pupunta?" Tanong ni kian pero nilagpasan ko lang ito at hindi pinansin.
Pagsakay ko sa kotse pinaharurot ko agad ito. Wala namang kami, bakit nasasaktan ako ng ganito sa tuwing nakikita ko na may kasama syang iba.
Nalilito na nga siguro ko. Hindi ko namalayang napunta ako sa isang bar.
Pagbaba ko kaagad akong pumasok sa loob at umorder ng alak. Habang umiinom, nagvivibrate ang phone ko.
Kunaha ko ito mula sa bulsa saka tinignan kung bakit nagvibrate.
Ara calling.....
Pinatay ko ito saka nagpatuloy sa pag inom.
Itong babae nato ang may kasalanan kung bakit nagkasira kami ni Kendra.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Teen FictionKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...