Chapter 32

555 12 1
                                    

Kendra POV's

Nandito kami ngayon sa canteen para maglunch. "Kailan daw lalabas si kuya Xian?" Tanong ni Yara saakin. Kanina pato tanong ng tanong tungkol sa nangyari kagabi. Kailangan talaga lagi mong kasama toh para wala ka nang ikwekwento sakanya. Hay naku Yara.

"Huyyy kendra what?" Saad niya ulit.

"Hindi ko alam wala namang sinasabi saakin si Xian" sambit ko. Hindi nako nakatapos kumain dahil sa dami ng tanong.

"Kayo naba?" Bigla akong nabilaukan sa tanong niya. "Ayos kalang ba eto tubig oh" sabay abot niya sa isang basong tubig. Huuu muntik nakong mamatay! "Ayos kana ba?"

"Ano bang klaseng tanong yun?" Saad ko.

"Eh kasi naman napapansin ko lang na parang hindi na kayo ilang sa isa't isa kaya parang kayo na"

"Hindi pa kami okay, issue ka Yara ha"

"Sorry naman"

"Kumain kana nga lang malalate na tayo" saad ko tapos ay nagpatuloy na ulit sa pagkain.

Habang kumakain kami biglang dumating yung mga kaibigan ni Xian tsaka umupo sa table namin.

"Totoo ba yung balita na nasa hospital si Xian?" bungad na tanong kaagad ni margo.

"Ahmm yes" tugon ko.

"Ano nangyari?" Tanong pa nito.

"Mahabang kwento eh"

"Mahabang kwento so, ibig sabihin alam mo at magkasama kayo kagabi" biglang singit ni kian kaya napatingin kaming lahat sakanya. "Bakit? Tama bako kendra?" Tapos ay sakin naman sila nagsitingin.

Dahan dahan lang ako tumango. "Yessssss" biglang sigaw ni kian na nagtatalon pa kaya halos lahat ng estudyanteng kumakain dito sa canteen ay samin nakatuon ang paningin.

"Bro nakakahiya" biglang saad ni margo na tinapik sa balikat si kian para tumigil ito. Tumigil naman na si kian at huminging pasensya.

"Bakit kaba sumisigaw?" Biglang tanong ni Yara. Umupo naman na si kian at humarap saakin ng deretso.

"So kendra" bitin na saad niya. "Kayo naba ni Xian?" Deretsong tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Bakit ba ganyan yung mga tanungan niyo" saad ko sakanila.

"Napapansin kasi namin na hindi na kayo ganung nag aaway, tapos diba nililigawan ka ni Xian, sinagot mona ba?"

"Alam nyo malalate na tayo kaya hali na kayo pumasok na tayo" saad ko na tumayo na at naunang maglakad.

Bakit ba ganun yung mga tanungan nila? Hay naku. Nauna na akong pumasok sa room at buti nalang kasabayan lang naming dumating yung prof namin.

Mabilis ang naging oras. At tapos na ang afternoon class namin. Sabay sabay kaming uuwi ngayon dahil dadaan kami sa hospital para dalawin si Xian.

Nakasakay kami ni Yara kay kian, magka ibang kotse naman ang sinakyan ni margo at kerby. Iba talaga pag mayaman. Pagdating namin dumiretso kami kaagad kung saan siya naka kwarto at nadatnan naming kumakain ng prutas. Kasama niya si tita cindy na nakaupo sa sofa at nanonood ng tv.

Falling for Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon