Kendra POV
Pagdating ko sa room, agad akong sinalubong ni Yara.
"Ikaw"turo nya saakin"hindi mopa natatapos yung kwento mo kahapon tapos bigla kana lang aalis ha"
"Kailangan mo pa bang alamin ang buong storya Yara?"
"Syempre, baka mamaya tanungin ako ni tita kung ano ano yung mga pinaggagawa mo dito, tapos wala akong maisagot"
"Hindi ka tatanungin ni mama dahil alam naman nyang wala akong gagawing kaguluhan dito"
"Ah basta, sasabihin mo parin saakin laha-"naputol ang sasabihin ni Yara. Dahil may biglang nagsalita sa likuran ko.
"Pwede bang wag kayo sa pinto mag usap, hinaharangan nyo ang daan"sabi ng boses lalaki.
Lumingon ako sa likuran tsaka nakita na si Xian pala ang nagsalita.
"Tabi nga"sabi nya tapos bigla akong binunggo sa balikat.
"Ano ba yan kuya Xian, pwede mo naman syang hindi bunggoin eh"sabi ni Yara sa pinsan nya dahil na out balance ako bigla.
"Paharang harang kasi sa daan"sagot nya.
Magsasalita pa sana si Yara pero pinigilan kona.
"Hayaan mona Yara, ok lang ako"sabi ko saka dumiretso na sa upuan ko.
Tinignan ko pa si Xian, pero hindi sya nakatingin saakin dahil nakikipag usap sya sa mga kaibigan nya. Nakakainis talaga tong lalaking to.
Pagkaupo namin saktong dumating na si Ms. Dizon ang guro namin sa english.
"Good morning class"bati nya
"Good morning ma'am"bati naman
namin.Bigla syang tumingin saakin, parang gulat pa na makita nya ako dito.
"Ms. Zamora, buti naman at hindi kana late, natakot ka sigurong ma kick out hano"sabi nya sa pang aasar na boses habang may ngiti sa mga labi.
Hindi ko na lang sya pinansin dahil alam kong inaasar nya lang ako. Biglang pumasok sa pintuan si Charlie.
"I'm sorry ma'am, I'm late"sabi ni Charlie
"Oh! Mukhang may papalit na sayo Ms. Zamora"sabi ni ma'am.
Tatayo sana ako para sagutin sya, pero bigla akong pinigilan ni Yara. Tumingin ako sakanya habang magkasalubong ang mga kilay. Umiling lang sya.
"Go back to your seat Mr. Storm"ma'am
Naglakad na pabalik sa upuan nya si Charlie. Tumingin muna siya saakin bago maupo sa tabi ko. Nagsimula na ring mag klase si Ms. Dizon.
~~~
After ng ilang subjects namin ay sa wakas, lunch break na rin.
Papunta kami ngayon ni Yara sa canteen para kumain. Nang malapit na kami sa canteen, nakita namin na nagkukumpulan ang mga estudyante. Lumapit kami ni Yara para alamin kung ano ang nangyayari doon. Nakita kong tinutulak ni Xian yung babae.
"Tanga kaba, apat na nga yang mata mo hindi mo pa rin ako nakita, baka gusto mong gawin kong anim yan para makita mo yang dinadaanan mo"sigaw ni Xian sa nerdy na babae.
"P-pasensya n-na h-hindi ko s-sinasadya"utal na sagot ng babae.
"Maaalis ba ng pasensya mo yung dumi sa damit ko ha"sigaw ulit ni Xian.
Tsk..Para talagang bata.
Tinulak nya ulit yung babae kaya napa upo ito sa sahig, lumapit ako sakanya para tulungan syang makatayo.
"Para kang bata, dumi lang yan oh!"I said.
"Ikaw nanaman, ano bang pakelam mo, eh kasalanan naman ng babaeng yan, bakit ba nangengealam ka ha"sabi nya sa naiinis na boses."tumabi ka nga dyan"tinulak nya ako, sa sobrang lakas ng pagkatulak nya saakin napaupo ako sa sahig.
Tinulungan akong tumayo ni Yara. Nang makatayo ay hinila ko ulit ang babae.
"Sabi ng wag kang mangealam eh, ang tigas din pala ng ulo mo"sabi nya.
"Parang konting dumi lang yan, tapos sasaktan mo na sya"sabi ko sakanya.
"Ano bang pakialam mo, tumabi ka nga dyan" itutulak nya sana ulit ako pero bigla akong umiwas kaya napasubsob sya sa sahig.
Mukhang nasaktan sya dahil ng makatayo ay hinawakan nya ako sa leeg.
"Ang lakas ng loob mong ipahiya ako ng ganun"pabulong na pagkasabi nya. Isang dangkal nalang ang layo ng mga mukha namin. Diniin nya pa ang pagkakahawak sa leeg ko kaya napa ubo na lang ako.
"Kuya Xian bitawan mo nga sya"sabi ni Yara habang hawak ang kamay ni Xian na nakahawak sa leeg ko.
"Pare, babae yan tama na"sabi din ni kian, kaibigan ni Xian.
Binitawan ni Xian ang leeg ko, sa higpit ng pagkakahawak nya saakin napaubo ako saka hinabol ang hininga.
"Pasalamat ka may pumigil saakin, kundi baka napatay na kita dyan"sabi nya saka sila umalis ng mga kaibigan nya.
"Ayus ka lang ba kendra?"tanong saakin ni Yara habang hinahagod ang likod ko. Tumango lang ako.
Nagsi-alisan na rin ang mga nanonood kanina saamin. Lumapit saamin yung babaeng tinulungan ko saka nya ako inabutan ng tubig.
"Salamat"sabi ko
"Salamat din sa pagtulong saakin. Ako nga pala si Ishi"pagpapakilala nya saakin.
"Wala yon Ishi, pag may ginawa ulit yun sayo tawagin mo lang ako ha"sabi ko.
"Salamat talaga, ano nga palang pangalan mo?"tanong nya
"Kendra, Kendra Syl Zamora"
"Thank you ulit kendra, sge mauna na ako"pagkasabi nya ay umalis na sya.
Umupo na ako sa upuan dito sa canteen, nagprisinta si Yara na sya na raw ang kukuha ng pagkain namin.
*after a few minutes*
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso muna kami ni Yara sa library.
"Good afternoon Ms. Vuela"bati ko sa librarian.
"Good afternoon din sayo kendra"nakangiting bati nya saakin.
Kakilala nya ako dahil halos araw araw kaming nandito ni Yara. Dito rin ang tambayan namin minsan.
Tumuloy na kami, saka ko tinulungang maghanap ng libro si Yara.
Sya rin ang nakanap, nagpaalam na kami saka dumitetso na sa room.
Buti at wala pa yung teacher namin sa history.
Habang pabalik sa upuan, nakatingin silang lahat saakin, sinulyapan ko si Xian, ang sama ng tingin nya saakin.
Nag iwas na ako ng tingin saka dumiretso na sa upuan ko, nakita ko namang busy sa kakabutingting ng cellphone nya si Charlie.
Umupo na ako at hindi na lang sila pinansin.
______________________________________
♡♡♡♡♡God bless us all♡♡♡♡♡
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Ficção AdolescenteKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...