Kendra POV's
Kakayari lang naming kumain.
Nandito ako ngayon sa kusina naghuhugas ng pinagkainan namin.
Nagprisinta ako kay mama na ako nalang ang maghuhugas ng plato.
Oh diba!
Napakabait kong bata! HAHAHA
Nasa sala ngayon sila mama kasama yung pinsan ko pati si Xian.
Hindi ko alam kung ano na pinag uusapan nila doon.
Baka akalain ni mama boyfriend ko yung dragon na yun.
Kaya kailangan ko ng bilisan dito, dahil baka kung ano ano na pinagsasabi ng lalaking yun.
Pagkatapos kong maghugas, nagpunas muna ako ng kamay saka ako nagtungo sa sala.
"Ikaw ba eh boyfriend ng anak ko?"rinig kong tanong ni mama ng palapit na ako.
"Hindi po per---"
"Ma! Hindi ko po boyfriend yan"saad ko ng makalapit sakanila.
Tumingin silang lahat saakin.
"What?"saad ko.
"Eh tinatanong ko lang naman itong si Xian anak"mama said.
I rolled my eyes!
Umupo ako sa tabi ni daisy tapos ay tumingin ng deretso kay Xian.
"So, ano pang ginagawa mo dito?"tanong ko.
"Anak naman bisita mo yan bakit mo pinapaalis agad"mama.
"Tch.. hindi ko naman bisita yan kundi bwisita"bulong ko.
"Ahh hindi po ok lang po tita"Xian said.
I rolled my eyes again.
Tita ha!
"May gusto rin po sana akong sabihin sainyo"saad ni Xian.
Wow ano yun close sila para may sabihin sya kay mama.
"Ano iyon iho?"
"Ahm"tipid na saad niya saka sumulyap muna saakin. "liligawan ko ho kasi si kend---?"
"What!"sigaw ko.
Gulat naman silang lahat na tumingin saakin.
Ano nanaman bang trip toh!
Anong pinagsasabi nito!
"Anak bakit ka naman sumisigaw ng ganyan?"
Ha?
Anong bakit?
"Ma---"
"Ate kendra patapusin mo munang magsalita si kuya pogi"kapagkuwan ay sagot ni daisy.
Pogi?
Tignan mo nga naman oh!
Pati mga pinsan ko nabudol niya!
Haysss..
"Ano ulit yung sinasabi mo iho"saad ni mama.
Wala nalang akong nagawa kundi ang manahimik.
"Nililigawan ko ho kasi si kendra eh tutal nandito narin ho ako sainyo magpapaalam ho sana ako sainyo na kung pwede ho manligaw kay kendra"tuloy tuloy na saad ni Xian sa sasabihin niya kanina.
Tumayo ako agad saka hinarap sya.
Hindi ko talaga kayang manahimik noh!
Syempre ganun talaga!
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Teen FictionKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...
