QUATTOUR

1.5K 142 8
                                    

This chapter is dedicated to Ms. @HareGazellian

---

Taking a midnight bath is frabjous! Nasabi ko na ba 'yon sa inyo dati? Ah, yes! There's just something about the way the cold night breeze of the mortal world chills your pale skin.

It is very... addicting.

"Do you know the muffin man~?
The muffin man, the muffin man~?"

Mahina kong kanta habang unti-unting inilulubog ang sarili ko sa marble bathtub. The liquid felt cold on my skin. It makes me happy. Walang emosyon kong kinanta ang nursery rhyme na 'yon. Tanging boses ko lang ang umaalingawngaw sa buong cabin. Dapat lang.

Tonight, I am the king of my own crazy world.

"Do you know the muffin man?
Who lives on Drury lane?"

I hummed the next tune as my body slowly submerged deeper into the tub.

Napabuntong-hininga ako.

"Feels fucking better than laughter!"

Oh, who am I kidding?! Walang makakapantay sa pagtawa!

"Do you know the muffin man?"

Sa gitna ng kadiliman at nakamamatay na katahimikan, unti-unting naglaho ang boses ko nang tuluyan ko nang nailubog ang sarili ko sa dugo.

Yes, a bath tub of blood.

Isn't it frabjous?

Ah, but this is the problem when you're an immortal! Whatever you do, wherever you go... The ugly past haunts you. Bumabalik na naman ang mga boses na hindi ko alam kung saang parte ng utak ko nagmumula.

'Oh my, oh my! A Neverwood never dies.'

Hindi ko na namalayang lumalakas na pala ang mga boses sa isipan ko. And no, these are not like the voices I hear whenever I mind-read. Pamilyar ang mga boses na ito, pero sigurado akong hindi ko pa sila naririnig noon. Fucking twisted, isn't it?

"Lock him up."

"Shhh. Evarius might hear you.."

"Make him laugh... Torture him."

Mula sa ilalim ng bathtub ng dugo, hindi ko na napigilang matawa nang malakas. Mabilis akong umahon sa likido at pinunasan ang mga mata ko. I laughed until my heart's content.

Nakakabingi na ang mga boses na 'to. Nakakairita.

It makes me want to kill someone again.

"HAHAHAHA! THE FUCKING WORLD IS CRAZY!" Agad ring humupa ang pagtawa ko.. "Everyone is crazy. They can't even laugh or smile anymore. Everything is fake. Poor humans..."

Huminga ako nang malalim at kinuha ang blade sa ibabaw ng drawer. Sandali kong pinagmasdan ang sarili kong repleksyon dito.

Isang nakapangingilabot na ngiti na naman ang pumuhit sa bibig ko.

"You're gonna hurt yourself again, brother? Interesting. Sana mas malaking blade ang gamitin mo. Pa-vertical dapat ang hiwa para mas maraming dugo."

Hindi na ako nagulat nang marinig ko ang boses ng isa sa mga kapatid ko. Pinitik ko ang mga daliri ko, just in time as the candles lit up. Napuno ng lumulutang na mga kandila ang cabin. Sa liwanag ng mga ito, my sadistic brother Everick smirked.

He still wore that awful black coat of his. Hindi ko matandaan kung "hiniram" niya lang ba 'yan sa patay o ninakaw niya 'yan sa France. He's been wearing that coat for a few centuries now and it's getting irritating. Irritating, yet entertaining.

✔The Joker's InsanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon