"J-Joker?"
Marquessa Legazpi stared at him in shock. Literal na yatang nalaglag ang panga niya nang makilala ang "nurse" na kasama niya. She almost laughed at the thought of him crossdressing as a girl, pero agad niya ring pinigilan ang pagtawa niya. She reminded herself that she's still mad at him. Agad siyang nag-iwas ng tingin at pinakalma ang sarili. Hindi niya pwedeng ipahalatang natutuwa siyang makita ang nakakaasar niyang ngiti.
"Ang alam ko hindi qualified maging nurse ng mental hospital ang isang takas sa mental. What the duck are you doing here, Neverwood?" Malamig niyang tanong bago tumayo mula sa nakakagagong wheelchair. Bakit mga ba may wheelchair pa silang nalalam? Baliw siya, hindi pilay. Tsk! Stupid asylum. Crazy rules.
Tumawa nang malakas si Joker at nilamukos ang peke niyang dibdib.
"Frabjous, sweetheart! Hindi ka ba natutuwang makitang nakapaglagay pa ako ng patatas dito sa loob ng bra? I did it for you! HAHAHAHA! I'm the king of disguises!"
Mukha ngang aliw na aliw ito sa suot na damit pambabae. Pero hindi pa rin nagpakita ng reaksyon ang dalaga. She crossed her arms over her chest.
'Joker or not, he still broke his promise.'
"Sino ka nga ba ulit? Sorry, but I don't talk to assholes who can't keep promises."
But the silly grin on Evarius' lips didn't vanish. Lalong lumawak ang ngiti niya't tinapik ang wheelchair. "Sit down, little lady! Kaya nga't itatakas kita rito, 'di ba? Let's make a fabulous escape together, Marquessa!" Napabuntong-hininga si Evarius, "As much as I like insanity, hindi ka nababagay sa lugar na 'to. You want to get out of here too, right?" He challenged.
Marquessa glared at him. Pero kalaunan, siya na mismo ang unang nag-iwas ng tingin. Huminga siya nang malalim. 'Mamaya ko na siya aawayin kapag nakalabas na kami dito sa asylum.' Because as much as Marquessa hates to admit it, hindi siya kumportable sa lugar na ito. Oo, aminado naman siyang may maliit na bahagi sa utak niyang sumasang-ayon na nababaliw na siya, but she's pretty sure it's more fun outside of her room's plain white walls.
One more day inside this asylum, and Marquessa thinks she'll really be a lunatic.
"Fine."
Evarius Neverwood smirked. "Good! Now, sit down and enjoy the ride!"
Hindi na nakipag-away pa ang dalaga. Mabilis na siyang bumalik sa pagkakaupo niya sa wheelchair at hinayaan na si Joker. The insane immortal laughed and whispered in her ear. Mahina siyang nagbilang...
"One.. Two.. Three."
Nagulat si Marquessa nang umalingawngaw sa buong asylum ang malalakas na tunog ng alarms. Red lights flashed and the nurses started running back and forth. Natataranta ang lahat, maging ang mga gwardiya. Hindi na nila napapansing iginigiya na ni Evarius si Marquessa sa exit ng gusali. Joker whistled and pretended that this is nothing to worry about. Ni wala itong reaksyon nang mapuno na ng sigawan ang asylum.
Nanlaki ang mga mata ni Marquessa at kabadong nilingon ang paligid.
"A-Anong nangyayari?!"
Nagkibit ng balikat si Evarius, "I told you, I'm getting you out of here. At para magawa 'yon, I need some..distraction. HAHAHAHA!" Kitang-kita ng dalaga ang pagkislap ng tuwa't panganib sa mga mata ni Joker. She frowned.
"At paano mo naman sila na-'distract'?"
Kumalansing ang mga susi nang inangat ito ni Evarius. She stared at the suspicious set of keys in front of her.
"Simple! Pinakawalan ko 'yong ibang mga pasyente!"
"WHAT?! P-Pero paano---"
"I told them that they're invited to a mad tea party. I'm sure they're having fun now. HAHAHAHA!"
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...