"Absent ngayon si Marquessa. Bakit mo nga pala hinahanap?"
[Ang swerte naman ni Marquessa kung totoo nga yung tsismis na boyfriend niya si Joker! Kainggit.]
I smiled charmingly at Marquessa's classmate. "Is that so? Sige. Kapag nakita mo siya, sabihin mo hinahanap siya ng mga pulis. Hindi mo ba alam na isang wanted criminal ang kaklase mo?"
"H-HA?! S-Si Marquessa?!"
"Yes."
"A-Anong kaso niya?"
Napalingon ako sa magkabilang bahagi ng pasilyo. Nang makasigurado akong wala nang ibang tsismosa sa paligid, I leaned closer to the girl and whispered. Halatang kabado siya sa anumang sikretong impormasyong ibubulong ko.
"Arestado siya sa pagnanakaw ng puso ko."
"Huh?"
"HAHAHAHAHA!"
Napanganga ang dalaga sinabi ko. Humagalpak ako nang tawa at iniwan siyang nakatulala sa tapat ng kanilang classroom. Nagpasipul-sipol ako habang tinatapik ang tungkod sa tiles ng mga pasilyo ng College of Music. Ngumisi ako nang mabulabog ang ilang mga classroom dahil sa ingay.
"SINONG NAG-IINGAY DIYAN?!"
Oops. Mukhang nagalit ko ang bugnutin at kalbong propesor nina Marquessa! Nang sumilip siya sa labas ng pinto, naningkit ang kanyang mga mata nang makita ako. Sumiklab ang galit sa kanyang mukha. Mabilis kong kinuha ang rubber duck mula sa bulsa ko at ipinatong ulit ito sa kanyang ulo.
"A rubber ducky a day keeps the bad hairdays away! Oops! Wala ka nga palang buhok."
"A-Anong...?"
Napanganga ang galit na prof sa ginawa ko. He was speechless! Poor fellow. Siguro dapat akong humingi nang pasensya sa kalokohang ginawa ko. Hindi naman kasi pwedeng lagi akong nagbibiro, hindi ba? May oras rin na dapat respetuhin ko ang mga mortal. Napayuko ako at lumapit sa kanya. In a serious tone, I said...
"QUACK! QUACK! HAHAHA!"
I laughed and ran down the hallways.
Rinig na rinig ko ang malakas niyang pagmumura. Mukhang nagwawala na si prof. "Frabjous! Siya pala ang maingay eh. Hahahaha!"
Hindi ko na namalayang dinala na pala ako ng mga paa ko sa auditorium ng kolehiyo. Some students were busy playing the violin. Ibang music instructor na rin ang namamahala sa kanila. Mukhang natuklasan nilang patay na si Ms. Pavene Numagos a.k.a. "Poison Ivy". Ano kayang kasinungalingan ang sinabi sa kanila ng Elite Killing Tournament?
You see, whenever a participant dies, the tournament makes it look like an accident. Pagtatakpan nila ang totoong nangyari sa namatay na killer para pangalagaan ang reputasyon ng tournament.
And of course, they always get away with it. Paano?
P-E-R-A.
"Disgustingly rich pigs."
Huminga ako nang malalim. 'Pero bakit kaya absent si Miss Fake?' Hindi naman sa pinapansin ko, pero hindi ko sinasadyang mapansin kanina na hindi siya dumaan sa gates ng Eastwood Central University. And no, I am not fucking waiting for her so don't get any funny ideas. Nagkataon lang na nakatambay ako sa punong kalapit ng gate.
I sighed.
"Maybe she's sick?"
Sa nabasa ko noong libro sa China, posibleng magkasakit ang isang tao kapag masyado mong pinapeke ang sarili mo. I like to call it the "ka-plastikan virus"! Scary as shit, I know. Sarili mo na nga lang, pinaplastik mo pa? Ah, yes. Mortals and their fake smiles make me want to stitch their lips permenantly.
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...