EPILOGUS

1.6K 152 69
                                    

I closed my eyes and savored the sweet melody of her music.

"Niccolo Paganini, Caprice No. 24."

Ngumiti ako't uminom ng champagne mula sa hawak kong baso. I hated music concerts, but this is a frabjous one! Para akong tinatangay ng musika.

Inside the College of Music's auditorium, every mortal enjoyed listening to her violin piece. Lahat ay namangha sa ipinapakita niyang kahusayan sa pagtugtog ng instrumentong ito, and I couldn't help but let out a proud smile on my lips. Gusto ko sanang mag-knock-knock joke, pero pinigilan ko ang sarili ko.

I can't ruin this moment.

"She's doing well, even after you erased her memories." Mahinang sabi ng lalaking katabi ko.

I grinned at Evillois. Walang emosyon siyang nakatingin kay Marquessa na patuloy pa rin sa pagtugtog.

"She's doing well, even after you killed her bestfriend and used her ex-boyfriend, brother."

Agad na napalingon sa'kin ang kapatid ko. His eyes shot daggers at me. "Paano mo nalamang ginamit ko si Joshua?"

Nagkibit ako ng balikat. "I did some investigation. Alam kong ikaw ang nag-aya kay Joshua para sumali sa EKT bilang si Slender Man. Matagal ka nang kasali sa tournament at nang matuklasan mo ang abilidad ni Joshua na i-block ang mind-readers na kagaya ko, you blackmailed him into joining the tournament---or else you kill his girlfriend, Marquessa. Kaya nakipaghiwalay si Joshua kay Marquessa ay dahil sa pagbabanta mo."

I'm a joker, not an idiot. Like the always say, "Wise men are those who know how to play the fool". Noon pa man, planado na ni Evillois ang lahat ng ito. Planado na niya ang paghihirap ni Marquessa Legazpi. Of course, I wanted to chop his head off and add it to my collection---pero kahit gawin ko iyon, balewala pa rin dahil isa siyang imortal. He'll probably attach his head again and sew it back on like nothing happened. Tsk!

Ngumisi ang bunso kong kapatid. "Sa tingin mo, bakit si Marquessa Legazpi ang ginamit ko?"

Easy.

"Dahil sa mga magulang niya." I leaned back on my chair and tried to calm down, "Katulad ng sinabi mo noong gabing 'yon, matagal ka nang nagmomonitor sa tournament na 'yon bago pa man tayo lumipat dito. And in one point in time, after the first round, tumakas ang dalawang killers na makakalaban mo sana.. sina Mr. and Mrs. Legazpi. You were looking forward to fight them, but they ran away and hid themselves. Kaya nga't ang bahay ng mga Legazpi at malapit sa kagubatan. They chose that location to be as far away from EKT as possible."Huminga ako nang malalim at nagpatuloy.

"Nang mapag-alaman mong si Marquessa ang anak nila, you started planning to use her. Sinadya mong magkatagpo kami ni Marquessa dito sa Eastwood Central University, dahil alam mong kaya ko siyang tinurang yakapin ang kabaliwan niya. You used us both to kill the audience of the Elite Killing Tournament this year, to collect the souls of all those sinners. Dadagdag na naman ito sa taon ng imortalidad natin.. tsk."

You see, Evillois can hypnotize people, but he can't hypnotize them to kill themselves. Hindi niya pwedeng iutos sa hypnotized audience ng EKT na patayin nila ang isa't isa. That's his limitation.

At dahil hari-harian na naman ang gagong ito at mahilig rin siya sa "dramatics", ginamit niya kami ni Marquessa para maisakatuparan ang kanyang plano.

He's a killjoy, but let me tell you this..

Evillois Neverwood is the most dangerous of us three.

Mahinang natawa si Evil at ibinalik ang mga mata sa stage. The dim light of the place gave him a mischievous look.

✔The Joker's InsanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon