Katulad ng laging sinasabi ng kanyang music instructor, "concentration is the key to the success of every performance."
'That's just plain bullshit.'
Kanina pa hindi mapakali si Marquessa Legazpi. Ilang ulit niyang siniguradong mahigpit ang pagkakatali ng maskara sa kanyang mukha para hindi ito "aksidenteng" mahulog mamaya. She has to be careful, especially now that she has to fight Ms. Pevene.. Poison Ivy.
Noong una ay ayaw pang paniwalaan ni Marquessa ang impormasyong 'yon. Baka naman nagkakamali lang si Joker? Baka naman may kakambal pala si Ms. Pavene at ang evil twin niya ang Poison Ivy?
It's crazy. When our mind doesn't want to believe in things, we tend to have a hard time accepting the truth. Gumagawa ng mga "excuses" ang utak natin para iwasan ang katotohanan. Mas madali kasi minsang tanggapin ang mga matatamis na kasinungalingan kaysa harapin ang mapapait na katotohanan.
'This is just a mistake... imposibleng si Ms. Pavene ay si Poison Ivy!'
But when Marquessa finally stepped into the arena, doon na niya nakumpirma ang kanyang kinatatakutan. Tinitigan niyang maigi ang babae na para bang unang beses niya pa lang itong nakita---even though she already encountered Poison Ivy many times before.
Lime green eyes and fiery red hair.
Sa kabila ng mga baging at halamang nakapulupot sa katawan ng babae, unti-unting nakilala ni Marquessa ang music instructor niya.
'Shit.'
Napalunok siya't pilit pinakalma ang kanyang sarili. 'Bakit naman siya nandito sa tournament?' Nahihirapan siyang tanggapin ito. How did her sweet and innocent music instructor became a plant-controling bitch?
Mukhang matagal na itong itinatago ni Ms. Pavene mula sa mundo.
At daytime, she's a music instructor at ECU's College of Music.. but at night, she's a heartless killer.
Natauhan lang si Marquessa nang sumigaw ang referee.
"THE JOKER VS. POISON IVY! LET THE KILLING BEGIN!"
Dumagundong ang hiwayan ng mga mayayamang nakamasid sa kanila. 'Disgusting rich people.' Bago pa man maihanda ni Marquessa ang kanyang sarili, nagbagong-anyo na ang buong arena. To her surprise, trees grew out of the floor and the scenery morphed into a forest. Halos matakpan ng mga puno ang liwanag na nagmumula sa artipisyal na langit at nagmistulang damuhan ang kinatatayuan nina Marquessa.
Poison Ivy smirked. "Mukhang mabilis na matatapos ang laban na 'to."
Sa isang kisapmata, pumulupot kay Marquessa ang ilang mga ugat ng puno. She cursed under her breath as the air slowly left her lungs.
'Bakit ba sa lahat ng setting, kagubatan pa ang natapat ngayon?!'
Poison Ivy is at a deadly advantage.
"What's the matter, Joker? You're making it too easy for me. Hahaha!" Tumawa na parang mangkukulam si Poison Ivy at naglakad papalapit sa dalaga. Marquessa glared at her behind the Joker's mask. Nanlaki ang kanyang mga mata nang kumuha ng isang syringe si Ivy. From the looks of it, nahuhulaan na ni Marquessa na lason ang laman nito.
Sinubukan niyang magpumiglas sa pagkakagapos sa kanya, but the roots where wrapped around her too tightly.
'Shit! Kung hindi ako makakaalis dito, paniguradong katapusan ko na..'
"Mas naaaliw talaga ako kapag lalaki ang pinapatay ko.. it feels like I am saving women from demons like you."
Natararantang binalingan ni Marquessa ang malalaking screens na nakasabit sa isang puno. She smirked when she finally read the rules.
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...