Two days.
Marquessa was never good with keeping track of time, pero mukhang tuluyan nang nagbago ang pananaw niya sa oras mula nang mapunta siya sa lugar na 'to. Marami nang nagbago sa loob ng dalawang araw---dalawang araw mula nang iwan siya sa ere ni Evarius Neverwood. Marquessa Legazpi smiled bitterly and stared at the white ceilings again.
'Two days since you broke your promise, Joker. Hindi ka na nakakatawa.'
But of course, it's not like she hates him. She can't. Kung anuman ang rason ni Evarius kung bakit hindi siya nito itinakas noong gabi ng laban dapat nila ni Puppet Man, Marquessa could only wish that his reason is valid. Inis na napabuntong-hininga ang dalaga at sinamaan ng tingin ang rubber duck sa kanyang metal na kama.
"Alam mo, hindi naman ako galit sa'yo---well, yes. I want to fucking drown you in the Altantic Ocean, pero nakakatampo lang kasing ni wala kang paliwanag! Argh. Naglaho ka na lang na parang bula! Damn it, Evarius."
Pero ano pa nga bang aasahan niya? Of course the innocent rubber ducky won't talk to her. Nobody wants to anymore.
Pagak na natawa ang dalaga at ibinato sa pader ang laruan.
Quack!
Walang emosyon niya itong tinitigan. "Don't give me that look. Tsk! Ako ang biktima dito. Kung kakausapin pa kita, baka akalain nilang nababagay ako sa lugar na 'to." Mahinang bulong ni Marquessa at binalingan ang maliit na bintana sa kanyang pinto. Nang sumilip doon ang isang nurse, agad itong natakot at naglakad papalayo. Umirap si Marquessa. "Craziness isn't contagious, bitch."
Naiinis siyang naupo sa gilid ng kanyang kama at ipinalibot ang mga mata sa walang lamang silid. Nothing changed, of course. The walls were still bare and white. It had nothing but a metal bed and a cold atmosphere. Pero sa dalawang araw niyang pananatili rito, ngayon naramdaman ni Marquessa na para siyang isang preso, hindi isang pasyente.
Eastwood Asylum.
She laughed and laid her back agaisnt the metallic surface.
"HAHAHAHAHA! Ganito pala ang pakiramdam na ma-admit sa isang mental institution."
Hindi na namalayan ni Marquessa na tumulo na pala ang mga luha niya. She tried to hold back the pain, but it was no use. Masyadong mabigat ang nararamdaman niya ngayon, at wala na siyang ibang magawa kundi umiyak. Reality is, no matter how shitty it sounds, crying somehow eases the pain. It relieves the pain, but it can't do anything to remove it.
Marquessa feels so vulnerable and worthless right now. Baka nga matagal na dapat siyang nandito. Baka nga likha lang ng malikot niyang imahinasyon ang lahat---si Evarius, ang Elite Killing Tournament, ang pagkakasangkot ng mga magulang niya---lahat.
Was it all just a figment of a lonely girl's imagination?
"Maybe, maybe not."
Hindi natatakot masiraan ng bait si Marquessa; dahil mas natatakot siyang magising sa katotohanang walang naging totoo sa buhay niya.
Her memories took her back two days ago--kung kailan bumisita sa kanya si Joshua...
"Kesa, may bisita ka!"
'Sino naman kaya ang manggugulo sa'kin ng ganitong oras?' Huminga nang malalim si Marquessa at inis na pinunasan ang kanyang mga luha. She lazily walked out of her bedroom and into the living room. Sa lahat ng taong inaasahan niyang dadalaw sa kanya, "he" was the last on her list.
Agad siyang humalukipkip.
"Nagkamali ka yata ng pinuntahang address. Walang nakatirang Lovely dito, so just get your ass out. Now."
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...