"Beware of humans, Joker. Hindi sila palaging masaya."
Parang naririnig ko pa rin ang huling bilin ni Evillois sa'kin bago kami nagkanya-kanya ng "station" sa bayan na ito. Parang gusto ko na ngang maniwala sa sinabi niya...
"HAHAHAHAHAHAHA!"
Nabulabog 'yong mga estudyanteng dumaan sa harapan ko. Tumawa lang ako nang tumawa. Bakit walang nakikitawa? Killjoys! The annoying thing about mortals is that they claim to be funny but they don't know how to laugh.
'Frabjous! It should be a criminal offense to wear a smile upside-down. Hindi ba nila naiintindihan na panira ng araw ang nakabusangot nilang mga mukha? Ugly creatures, indeed.' Napabuntong-hininga na lang ako sa iniisip ko.
Mabilis na humupa ang tawa ko.
"Being an immortal sucks."
Ilang minuto na akong nakaupo rito pero wala pa ring masayang nangyayari. Nothing to make me laugh or entertain me. Naaawa na talaga ako sa sarili ko...
Bukod sa pagkabagot, kanina pa rin ako hindi mapakali sa mga naririnig ko.
[May kabit daw 'yong nanay niya, tapos drug addict pa 'yong tatay. Kawawa. Baka 'di na makapagtapos ng pag-aaral 'yan.]
[Yuck, siya 'yon? Mas gwapo pa pala siya sa mga pictures eh.]
[Ang landi naman nitong kasama ko! Lahat na lang...]
Huminga ako nang malalim at pinagtuunan na lang ng pansin ang mga batong nasa malapit. Mas masaya pang titigan ang mga bato kaysa sa mga taong nakapaligid sa'kin. I can read (hear) their thoughts, and it's boring. Seriously.
Don't blame me! I just don't understand sane people...
Ngingitian nila ang isa't isa at aaktong masaya, pero mamaya-maya, maririnig mong iba na pala ang gustong sabihin ng mga isipan nila. What my other brother, Everick, said was true: "Thoughts are words that they can't say, whether it's for good or bad."
At inaamin ko, nakakabaliw pakinggan ang mga iniisip nila. Privacy be damned.
Just like my brothers, I tend to lose my sanity most of the times. Lalo na ngayon. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang bench malapit sa auditorium ng Eastwood Central University. Kalaunan, naagaw ang atensyon ko ng magkakaibigang nagpi-picnic sa isang gilid. Tumatawa sila nang wala namang nakakatawa. Nakangiti sila pero kitang-kita mo ang iritasyon sa mga mata nila.
"Grabe yun ah! Hahaha!"
[Ang daming alam. Tsk!]
"Hahahaha! Oo, tapos alam mo ba..."
[Wala na akong masabi.]
I cringed at how humorless their laughter is. Paano nila natatagalan ang kaplastikan?
"Frabjous! Sila yata ang nababaliw, hindi ako. Kung wala lang akong klase, malamang kanina pa ako pumunta ng London at sinakop ang buong mundo habang nagsisintas ng sapatos."
Humans, humans, humans... They disgust me. They all do.
Habang nakatingin ako sa kanila, hindi ko na naman maawat ang imahinasyon ko. I started having fantasies of how I can stitch up a smile on their faces for good and torture them while I play my parlor tricks. Oh, la-la!
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...