This chapter is dedicated to Ms. @Debby Labitad.
---
"Aw. Now, I'm two minutes late!"
Mabuti na lang talaga at mukhang hindi pa naman ako kailangan sa arena. Mula dito sa dressing room, rinig na rinig ko na ang hiyawan ng mga manonood.
"Crazy humans. Ooh, la-la~!"
I hate humans, but I love craziness.
Napabuntong-hininga ako't inayos ang pagkakasuot ng maskara sa mukha ko. I grinned from ear to ear when I saw my reflection. Naka-imprinta sa kulay puting maskara ang kaparehong black teardrop tattoo sa ilalim ng kanang mata ko.
I made those boring humans design this awesome mask especially for me! Isn't it bloody frabjous?
Habang pinupunasan ko ang tungkod ko, narinig ko ang iniisip ng mga taong paparating.
[Nakakagago naman. Bakit kasi kami tinawagan ni Boss? Hindi naman ako naka-schedule ngayong gabi eh!]
[Mukhang may magsisimula na ang sorpresa ng Elite Killing Tournament. Sisigiraduhin kong ako ang mananalo.]
A surprise?
What the duck are they talking about?
Hindi na lang ako umimik hanggang sa pumasok ang dalawang lalaking nakasuot na ng kanilang costumes. Napatingin ako sa kanila mula sa repleksyon sa salamin. I know these people... Sila ang iba pang killers na sumali sa elimination round ng tournament. Ano bang ginagawa nila rito?
I haven't met them formally (ni hindi ko nga alam kung uso pa ba ang pormalidad sa lugar na 'to), pero kung tama ang pagkakaalala ko, nasa higher ranks sila.
This is entertaining! I smirked.
"Hoy! Anong tinitingin-tingin mo diyan?"
The skinny man in a painter's costume asked me. He had this funny mustache and sharp eyes. Hindi ko na namalayang nakalapit na pala sila sa'kin. Bahagya kong inangat ang maskara ko para makita nila ang ngiti ko. I gave them a creepy smile. "Nice meeting you too. Isn't it a frabjous night to die? Kapag namatay ako, gusto ko may skeleton marching band at tutugtog sa burol ko si Elvis Presley. Kayo ba?"
"You're insane, man. Hahaha!"
The snake man laughed. Parang balat ng ahas ang balat niya. Naaaliw ako dahil kulay dilaw rin pala ang mga mata niya. He hissed at me, "Wala ka ba talagang kaalam-alam sa taunang 'Massacre Night' ng EKT?"
Umiling ako. 'Massacre? Sounds fun.'
"Nah. Doesn't ring a bell."
Nagkatinginan sina snakeman at artist. Parehong mabigat ang aura nila't mukhang mga hindi gagawa ng mabuti. Nagulat ako nang akbayan ako ng artist. Hindi ako maaaring magkamali. Dugo ng tao ang naaamoy ko sa kanya. Mukhang may mantsa pa nito ang damit niya.
"Mukhang baguhan ka lang dito ah," His eyes glinted with pure evil. "Let me give you some history lesson... Taon-taon, pagkatapos salain ni Boss ang mga killers na nakapasa sa screening at nakitaan ng potensyal sa elimination round, the real Elite Killing Tournament begins. Isang hudyat ng pagsisimula ng totoong paligsahan ang 'Massacre Night'. A stroke of insanity before the real masterpiece is presented to our lovely audience."
Napasimangot ako nang mapansin kong sinugatan na pala ako ng pintor at inilagaya sa isang paint tube ang dugo ko. The snakeman hissed at me and continued, "Every year, the Boss changes the rules of Massacre Night, man. Pero may isang rule na hindi nagbabago..."
"At ano naman iyon?" I pretended to be clueless.
Kumawala ang malalim na pagtawa ng taong ahas. Kung normal na tao lang siguro ako, malalamang kanina pa nanindig ang balahibo ko. He laughed darkly with wild eyes.
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...