VIGINTI QUINQUE

927 99 11
                                    

Nagising si Marquessa sa tunog ng pambabato sa bintana niya. Naiinis siyang bumangon at sinilip ang orasan sa pader. "Who the duck would disturb me at 5:00 AM?!"

Thud!

'Ah, hindi ka titigil ha?'

Huminga siya nang malalim at kinuha ang ukalele sa sulok ng kanyang silid. Nagtungo siya sa may bintana, binuksan ito, at hinagis ang ukalele sa kung sinumang baliw na gigising sa kanya ng ganitong oras. Ilang sandali pa, nakarinig siya ng mahinang 'aray' mula sa lalaking tinamaan niya.

Marquessa laughed like a witch and leaned on the window pane. Nakahalukipkip siya't walang-emosyong dumungaw sa labas ng kanyang bintana. "Buti nga sa'yo! Look, I can have you arrested for disturbing my fucking beauty slee---"

"Aw. Hindi ka naman gaganda kahit matulog ka pa ng ilang siglo, sweetheart. Tanggapin mo na lang. It's as pointless as buying chicken with no meat! HAHAHA!"

Nanlaki ang mga mata ni Marquessa at inaninag ang nasa labas ng kanyang silid. "JOKER?"

Nagpakurap-kurap siya. 'Bakit ba nanggugulo na naman ang isang 'to? Tsk!' Halos hindi na nga siya nakatulog kagabi dahil sa kulay itim na barahang ipinakita sa kanya ni Evarius.

The Joker's card.

Iniisip pa lang niyang kakalabanin niya ang lahat ng natirang killers, hindi maiwasang kabahan ni Marquessa. All of them are deadly.. at kung tama ang hinala niya, lalong magiging mahirap ang mga susunod niyang kalaban. That's why instead of sleeping, she did some research on the rest of the killers---pero sa kasamaang-palad, wala siyang makuhang impormasyon.

Not even the Elite Killing Tournament has access to their personal data.

'Mapanganib ang mga sikreto.'

She sighed and stared at Evarius who was grinning at her again. Bilang lang talaga ni Marquessa ang mga beses na nawala ang ngiti niyang iyan. It's like his smile is the only thing that never changes in her temporary life.

"Bakit ka nandito? At bakit... Bakit ka may timba ng rubber ducks?"

"I figured that throwing rocks at your window is for those shitty cliché mortal movies. Napaka-unoriginal naman kung gagayahin ko! I therefore conclude, mas exciting kung ganito ang ibabato ko sa bintana mo! Tutal, pareho naman tayong abnormal, Miss Fake." At humagalpak siya ng tawa bago nambato ulit ng rubber duck.

Sinalo ito ni Marquessa. Napasimangot siya sa laruan.

QUACK!

Huminga siya nang malalim at bumaling kay Evarius. "Ngayong nakuha mo na ang atensyon ko, anong gusto mo? Bakit mo ba ako pinuntahan dito?"

She'll be dead if her parents find out about this. Hanggang ngayon mainit ang dugo sa kanya ng kanyang mga magulang. And Marquessa is a hundred percent sure that Mr. and Mrs. Legazpi will be furious to find out that a clown is throwing rubber ducks at their only child's window.

Ngumisi si Evarius. "May pasok ka mamaya, 'di ba?"

"Yes."

"Mag-cutting ka! I got bored, so I decided to make some chaos in the city today! Wanna join me?"

Chaos?

Napangiti si Marquess. All her life, she followed the rules. Pinilit niyang maging mabuting anak, at mabuting estudyante. Kahit kailan, hindi siya nasangkot sa gulo o bumagsak sa kanyang mga klase. 'Minsan, masaya ring lumabag sa batas.. break the rules and be reckless, just for today.'

Lalong lumawak ang kanyang ngiti. "Fine! Pero bibilhan mo 'ko ng kape mamaya! Hahaha!" At walang katakot-takot siyang tumalon mula sa bintana.

"SHIT!"

✔The Joker's InsanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon