Hindi na matandaan ni Marquessa kung kailan siya huling napadpad sa lugar na 'to. How long has it been since she last set foot inside his cabin?
'Sa dami ng nangyari, nawalan na rin ako ng pakialam sa oras.'
Nang magkaroon ng malay si Marquessa, agad niyang napansin ang mga "koleksyon" ni Evarius. A hundred heads displayed on a shelf---all with stitched up smiles. Ngayon lang narealize ni Marquessa na malaki ang pagkakatulad niya sa mga ulong 'to. Nakangiti, kahit na patay ka na. 'A fake smile to conceal the empty feeling in your heart,' isip-isip niya't napabuntong-hininga.
Nang bumalik sa mga alaala niya ang nangyari noong laban nila ni Slender Man, agad na nagwala si Marquessa. To her disappointment, Joker wasn't at home.
She trapped inside this cabin.
Ilang ulit na niyang tinangkang sirain ang mga harang na inilagay ni Joker sa mga bintana, pero hindi nita ito makalas. She tried to search for something useful, pero mukhang sinigurado rin niyang walang anumang patalim o kagamitan sa paligid. Nothing to smash the windows or saw the wood. Sinubukan niyang buksan ang pinto, pero nakakandado ito mula sa labas.
"Fuck this! Gusto ba niya akong patayin?! Argh!" Naiinis niyang ibinato ang isang ulo sa shelf.
Hindi na alam ni Marquessa kung gaano katagal na siyang nandito. Madilim na sa labas at naririnig na niya ang mga kuliglig. Her stomach grumbled in hunger, but she paid no attention to it. Kailangan niyang makalabas dito bago pa man maisipan ni Evarius na sunugin ang bahay na 'to.
He's a heartless devil, of course he'll do it. Tuluyan nang nawalan ng tiwala si Marquessa sa baliw na 'yon.
Kapag nagkaroon na ng lamat ang tiwala, mahirap nang ibalik sa dati. And Marquessa isn't stupid enough to fall for the same trick twice.
"Hahahaha! Burn me alive? So dramatic.. I bet he wants that to happen."
Sinipa niya ang pinto at naiinis na umupo sa isang sulok. Nang sandaling 'yon, bumalik na naman ang mga alaalang gusto na niyang kalimutan---isa na rito ang alaala ng pagkamatay ni Joshua. It still pains her to figure out that what he said was true.
He broke up with her so that she won't be used against him in the tournament.
Ninanakaw niya ang CD sa gamit ni Evarius para ibigay ito sa kanya.
Siya pa mismo ang nag-block ng mind-reading ability ni Evarius para hindi nito mabasa ang kanyang iniisip!
All this time, he was trying to protect her. Napayuko si Marquessa. Ilang sandali pa, tumatawa na siya nang mag-isa. Her laughter escalated into a loud cry for help. Nabasag ang kanyang boses.
"It's a shame he can't save me from destroying myself."
Nananatili pa rin ang ilang katanungan sa isipan ni Marquessa. Paano nga ba nalaman ni Joshua ang tungkol sa CD? At dahil siya si Slender Man, paniguradong naroon din siya noong Massacre Night. Pero bakit hindi nito iniligtas si Faye mula kay Joker?
Napasimangot si Marquessa. 'Mukhang hindi pa tapos ang mga misteryo sa kwento ko.'
Some pieces of the puzzle are still missing.
Namayani ang katahimikan sa loob ng cabin habang malalim na nag-iisip si Marquessa. First thing's first, of course. She needs to get out of here!
Agad siyang napalingon sa bintana nang mapansin ang uwak na nakasilip mula rito. She glared at the bird and almost threw her shoes at it when it suddenly landed inside the house and transformed into a man.
Natigil sa akmang pambabato si Marquessa nang makilala ang lalaki. Mabuti na lang at hindi ito si Joker.
Evillois Neverwood's bored eyes stared back at her.
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...