That afternoon, Marquessa couldn't help but be paranoid. Maya't maya siyang lumingon sa mga hallways, expecting to see the Joker pop out of nowhere again. 'Baliw talaga 'yong isang iyon!' Sinubukan niyang i-report sa librarian ang pagtalon nito sa bintana, pero tinawanan lang siya ng matanda. "Hija, ayos ka lang? Baka dahil sa init lang 'yan. Gusto mo doon ka muna sa clinic?"
'Mukha ba ako nagha-hallucinate?!'
Sabagay, kahit sino naman yata ay iisiping nasisiraan siya ng bait. Sino nga naman kasing maniniwalang may tumalon mula sa bintana kung wala namang bangkay sa ibaba?
"Pero sigurado talaga ako sa nakita ko! Tsk."
Mabilis siyang nagtungo sa susunod niyang klase. Tuwing ganitong oras, napupuno ng mga estudyante ang hallway ng College of Music kaya't mabilis siyang lumiko ng pasilyo. Makakahinga na sana nang maluwag si Marquessa kung hindi lang sumulpot sa harapan niya ang isang lalaki. He slung a backpack over his shoulder and blocked her path.
Was it fate? No. I was plain bullshit.
'Gosh! Not now...'
"Hello, Kesa. Kamusta na?"
Napalunok si Marquessa Legazpi at halos hindi mapakali. Agad siyang nagkunwaring abala sa pagsisintas ng sapatos. "Okay lang. Ikaw?" Ni hindi siya tumitingin sa mga mata ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Nang tumingala siya ulit, napansin niyang nakatitig pa rin sa kanya si Joshua.
'Wag mo akong tingnan ng ganyan! Nakakagigil ka na ah!'
"That's great.. Heto, hinihintay ko pa si Lovely."
Aray.
Sumakit yata ang puso ni Marquessa sa narinig. Pinilit niyang ngumiti, "Ah, oo. M-Medyo madalas kasing mag-overtime si Prof San Roque. B-Baka mainip ka lang." She laughed dryly, wishing that this man would just vanish like Evarius. Baka nga mas matuwa pa si Marquessa kung lilitaw ngayon bigla 'yong weirdo na iyon.
Joshua smiled charmingly, "Ayos lang. Willing to wait naman ako para sa kanya."
Kamuntikan nang mabilaukan sa hangin si Marquessa. 'Oo, tapos ako ginawa mo lang waiting shed.' Kaya't imbes na makahalata pa si Joshua na bitter pa siya, huminga nang malalim si Marquessa at nagkunwaring may binabati sa kabilang dulo ng hallway.
"Ay! Yuhoo! EVARIUS, BEBE KO~!" Kumaway-kaway pa siya kahit na wala naman siyang kinakawayan sa mga estudyanteng dumaraan.
'Bahala na talaga!'
She fake an apologetic smile at Joshua, "Uy, alis na ako ha? Hinahanap na ako ng boyfriend ko." She giggled like a high school girl---para mas kapani-paniwala ang acting niya. Agad namang kumunot ang noo ni Joshua sa ex niya. "May boyfriend ka na?"
"Oo naman. Sige, bye! Baka magselos pa siya eh." Asa.
At mabilis nang tumakbo papalayo si Marquessa. She ran towards the group of students and vanished around a corner. Ilang sandali pa, hinihingal na niyang narating ang classroom nila. Kumunot ang noo ni Faye sa eskpresyon ng kaibigan. "Nakita mo na naman si 'he-who-must-not-be-named'?"
Napabuntong-hininga si Marquessa at naupo sa tabi ng matalik niyang kaibigan. Agad siyang napasandal sa backrest at tumango.
Umirap na lang si Faye. "Naku, hanggang kailan ka ba magiging bitter? Three months na kayong wala ah!" Napalingon ang ibang estudyante sa direksyon ng dalawa. Marquessa ignored them, "Oo, three months na kaming wala pero masakit pa ring isipin na ipinagpalit niya 'yong three years naming pinagsamahan para sa babaeng three weeks niya lang nakilala noon."
"Nami-miss mo pa rin ba?"
"Tsk."
"Okay lang 'yan, bessy. Makaka-move on ka rin kapag may kunehong nagpakita sa harapan mo ngayon. Hahahaha!"
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...