TRIGINTA DUO

903 98 19
                                    

It feels good to step inside this arena again.

"JOKER! JOKER! JOKER!"

Nang masinagan ako ng spotlight, agad kong kinawayan ang mga fans ko. Maybe I should call them "Jokernatics"? Ngumiti ako sa likod ng maskara ko't pumunta sa sentro ng arena kung saan naghihintay ang referee at ang makakalaban ko ngayong gabi, si Puppet Man.

With every step I took, I couldn't help but wonder what she's doing right now. Natanggap na kaya niya ang ipinapabigay ko kay Everick? Pagak akong natawa. 'She'll be disappointed, I know.'

But "promises are meant to be broken", right?

Gagamitin ko na muna bilang excuse ang quotation na 'yan ng mga taong hindi kayang panindigan ang mga ipinangako nila. Huminga ako nang malalim. Sa ngayon, kailangan ko munang kalabanin si Puppet Man. Malakas ang kutob kong may itinatago pa sa'kin ang isang 'to. The way his dangerous eyes stared at me in amusement should be enough to make any mortal terrified.

Too bad I'm not a mortal.

"Late ka yata, Mr. Joker." Bungad sa'kin ng referee.

I laughed and tilted my top hat to him (yes, I included a top hat for my costume tonight). "Sorry, 'bout that! Kinailangan ko lang kausapin ang mga karpintero. Nagtatanong sila kung may naligaw bang kahoy sa arena.."

Puppet Man glared at me.

Natawa naman ang audience sa sinabi ko. I stared at their direction. Nakapalibot sila sa amin---isang kadilamang hindi nasisinagan ng mga ilaw. You can't really see them, but you can feel their presence. Mga mayayamang nakasuot ng eleganteng mga maskara't umiinom ng champagne. Their eyes watched us hungrily. They want to see us kill each other, of course.

Disgusting creatures.

"Let's start then," tumikhim ang referee at sa isang iglap, nagbago ang paligid. Naglaho ang madilim na stadium at napalitan ng nakasisilaw na liwanag. The smell of the salty sea breeze caught my attention as I realized what this new setting is.

Nang silipin ko ang kinatatayuan ko, napansin kong nakatapak lang ako sa isang malapad na bato. The rest of the arena was submerged in water. When I scanned the area, I almost laughed upon seeing the vast ocean around us. May mangilan-ngilang batong nakalutang sa tubig, pero sa kabuuan, nasa kalagitnaan kami ng karagatan.

"This is entertaining."

The giant screens appeared in the sky above us. Nakakabit sa isang malaking hot air balloon ang mga screen na kung saan nakadisplay ang mukha namin ni Puppet Man. Sa kawalan, narinig kong nagpapakpakan ang audience.

See? You can't literally see them, pero alam mong nakasubaybay lang sila sa bawat kilos mo.

Creepy.

"THE JOKER VS. THE PUPPET MAN! LET THE KILLING BEGIN!"

Mabilis kong binasa ang rules na posibleng magamit ko bilang advantage.

Rules:
1. Kill.

'Obviously. Hindi naman magbabago ang rule na 'yan. Tsk!'

2. Beware of the giant squid.
3. No use of poisonous gas.

"Break the rules and we'll break your bones!" Pahabol na sabi ng referee. Mukhang tuwang-tuwa talaga sila sa catch-phrase na 'yon.

"Aw! Then this means I can't use my laughing gas. This is unfair!" Sumimangot ako't kinuha ang mga lobong nakatago sa loob ng sumbrero ko. Blue balloons with smiley faces---all filled with poisonous laughing gas. Akala ko talaga magagamit ko ang mga ito ngayong gabi. Such a disappointment! I let them drift up the sky and sighed.

✔The Joker's InsanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon