Lumipas ang mga araw na halos literal na yatang hindi makahinga si Marquessa. Her parents are keeping her trapped inside their house, and it's slowly killing her!
"Kesa, time for violin practice." Pagtawag sa kanya ng mommy niya. Bago pa man tuluyang makalabas ng kanyang silid si Mrs. Legazpi, pahabol niyang ibinilin, "Oh, and don't even think of escaping again. Pinalagyan na namin ng rehas ang mga bintana mo kahapon."
'Great. Ramdam na ramdam ko talaga ang pagmamahal nila sa'kin. Gosh!'
"Wow. Sana ikinadena niyo na lang din ako rito. That way, you'll make sure that I have nowhere to go." Sarkastiko niyang sagot.
Napabuntong-hininga si Mrs. Legazpi, "Balang-araw, mauunawaan mo rin kung bakit namin ito ginagawa. We are keeping you safe---"
"No. You are keeping me locked up inside this shitty house! Pinahinto niyo ako sa pag-aaral at nakabantay kayo sa'kin oras-oras na para bang isa akong preso! Anak pa ba ang turing niyo sa'kin?"
Her mother's eyes sharpened.
"Ito na nga ba ang sinasabi ni Joshua sa'min. You're being rude, even to your own parents! Hindi kita pinalaking ganyan kabastos ang bunganga mo, Kesa! That Evarius boy is bad influence. Mabuti nang ilayo ka namin sa kanya at sa sinumang may kinalaman sa EKT para matauhan ka na."
Ngumiti nang mapait si Marquessa. Kalaunan, hindi na niya napigilan ang paghagalpak niya ng tawa. Soon, she found herself crying while laughing. Dumausdos ang mainit niyang luha sa kanyang mga pisngi, smudging her black mascara.
"Ilayo sa mga taong may kinalaman sa EKT? AHAHAHAHA! Good idea, mommy. Dahil gusto ko nang lumayo sa inyo!"
SLAP!
'Bullshit.'
Humadpi ang pisngi ng dalaga sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ng ina. Ramdam niya ang galit sa sampal na 'yon. 'Siguro kaya nila akong patayin. Mga dati silang killers, hindi ba?' Mapait niyang isip. Mukhang may pinagmanahan nga naman siya. The apple doesn't really fall too far from the tree.
Hindi na nag-angat ng tingin si Marquessa. She doesn't need to. She can feel her mother's anger sizzling on the surface of her fake personality. Ilang taon na nga ba nilang pinepeke ang pagiging perpekto nila?
Yup. Mukhang namana niya rin ang kaplastikang 'yon.
"For the next few days, we expect you to behave, Marquessa. Kapag hindi ka pa rin nagbago, ipapa-check up ka namin sa psychiatrist."
After that, she left a frustrated Marquessa sitting on her bed. Umalunig sa katahimikan ng kanilang tahanan ang yabag ng kanyang mga sapatos. Galit na sinipa ni Marquessa ang kanyang mga gamit at inis na tinitigan ang sarili sa salamin.
Dark circles under her eyes. Bahagya rin siyang pumayat at kapansin-pansin ang magulo niyang buhok. She almost wanted to scream and break the mirror, but she stopped herself. Huminga siya nang malalim at kinuha ang violin sa ibabaw ng kanyang kama.
"I need to behave. Itatakas ako ni Joker mamaya para sa laban namin ni Puppet Man."
Panghahawakan niya ang pangakong 'yon. Evarius Neverwood's promise is the only thing that keeps her sane. Nakakatawa mang isipin, pero mas may tiwala siya sa baliw na 'yon kaysa sa normal na mga taong nakapaligid sa kanya. She smiled a little.. "Weirdo."
Akmang lalabas na sana siya ng kanyang silid para mag-practice ng kanyang violin nang makarinig siya ng mahihinang pagkatok.
She spun around and saw a black crow at the window.
Lumawak ang ngiti ni Marquessa. Her heart skipped a beat. She had never been this happy to see a black crow in her life! Mabilis siyang tumakbo papunta roon at binuksan ang bintana. "What took you so long? Anong oras na! Hahaha!"
Madaling nakalusot sa pagitan ng rehas ang uwak at dumapo sa kanyang kama. Soon enough, the black crow transformed into a man.
Pero agad na nawala ang ngiti ni Marquessa nang makilala ang lalaking nakaupo na ngayon sa kanyang kama.
"Everick? Anong ginagawa mo rito?" Hindi na niya maitago ang dismaya sa kanyang boses. "Nasaan si Joker?"
Everick Neverwood sighed and ran a hand through his dark locks. "Hay. Bakit ba ako nasasangkot sa mga ganitong kadramahan? Psh. Anyway, my crazy ass brother asked me to give you this." May kinuha siyang bagay mula sa loob ng kanyang black coat at ibinato ito kay Marquessa. Agad niya itong nasalo, pero lalo lang siyang naguluhan. "A rubber duck? What the heck?" Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis. 'At ano naman ang gagawin ko rito?'
Inilapag ni Marquessa ang laruan sa kanyang study table.
"I don't need this stupid rubber duck. I need your brother to get me out of here! Ilang minuto na lang at magsisimula na ang laban namin ni Puppet Man!" Sinubukan niyang hinaan ang kanyang boses. Lalong magagalit ang kanyang mga magulang kapag nalaman niyang may imortal sa silid ng kanilang unica hija.
Eventually, Everick sighed and stood up. His eyes were almost apologetic. Almost, but not quite.
"That's why I'm here, babe. Pinapasabi rin ng kapatid ko na hindi ka na niya maitatakas. Sa mga sandaling ito, kinakalaban na niya si Puppet Man."
Napanganga si Marquessa sa sinabi ng binata. It's like his words somehow broke her fragile little heart. 'No. H-Hindi ito magagawa sa'kin ni Joker. He fucking made a promise!' Naikuyom ni Marquessa ang kanyang mga kamao. Tumalim ang kanyang mga mata kay Everick. Soon, a sadistic smile graced her pale lips.
"So, you're telling me that Evarius is breaking his promise?"
Nagkibit ng balikat si Everick na tila ba walang pakialam sa mundo. "Yeah, something like that."
Natahimik si Marquessa. Gusto niyang magwala o pumatay--or just do both! Buong akala niya ay itatakas siya ni Joker ngayong gabi...pero mukhang nasayang lang ang paghihintay niya.
"Tsk! Look, I know I shouldn't give a damn about what's happening between you two, but let me give you a piece of advice, Ms. Legazpi."
"Ano naman 'yon?"
Everick smirked. "Evarius Neverwood is the Joker of Insanity, so you should never take his words seriously."
Tapos 'non ay muling nagbagong-anyo si Everick. The man clad in a black coat transformed into an equally black crow. Lumusot ito sa pagitan ng mga rehas ng kanyang bintana at tuluyan nang lumipad papalayo.
Marquessa was left behind, still hurting from Joker's betrayal.
'Ano bang ginagawa niya? H-He promised me...' She sat weakly on her bedroom's floor. Tuluyan na niyang kinalimutan ang violin practice. To say that it hurts is probably an understatement. Sa labimpitong taon niyang pamumuhay sa mundo, unti-unti nang nasanay sa sakit si Marquessa. Unti-unti niyang natutunan na hindi lahat ng mga ngiti ay totoo. That's why she faked her own smile, para "makasabay" naman siya sa agos ng buhay. Kaplastikan.
Ito mismo ang rason kung bakit ayaw na niyang dumepende sa ibang tao. Dahil tuwing magtitiwala siya sa mga ito, it always ends up the same---either she disappoints them or they disappoint her.
At mukhang walang ipinagkaiba si Evarius sa kanila.
"Heto ang napapala ng mga tanga, Kesa.. mga tangang umaasa."
Maya-maya pa, umalingawngaw ang pagtawag sa kanya ni Mr. Legazpi mula sa sala.
"Kesa, may bisita ka!"
She frowned. 'Sino naman kayang manggugulo sa'kin ng ganitong oras?'
---
"Nothing is permanent
Things always change
Whether you like it or not
Nothing stays the same."---Evarius Neverwood
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...