Nakita ko ang gulat sa ekspresyon ni Marquessa nang buksan ko ang pinto. She blinked at me in disbelief. Nakakairita lang na hindi ko na kayang basahin ng iniisip niya. It wound have been entertaining!
"This is a theatre!"
"Frabjous, isn't it?"
Ngayong abala ang lahat sa pag-aaral, we'll have this amazing place to ourselves! Lumawak ang ngiti ko at iminuwestra ang lugar. "This is perfect! We can break anything we want here!" Kating-kati na rin akong makasira ng kagamitan. I'm bored, so you can't blame me!
Isa pa, nakakasawa na ring maglaslas kung mabilis rin namang naghihilom ang mga sugat. Para kang uminom ng tubig nang may butas ang baso mo. Useless.
Sometimes, immortality is boring as hell.
"Pero kailangan kong magpractice mamaya. Bukas na ang concert."
"Then we'll play Paganini's voilin concertos while training! See? Nothing to worry about, silly sweetheart!"
But Miss Fake didn't look convinced though. "At paano ka naman nakapuslit dito? We'd get in trouble if somebody catches us!"
My poor insane little sweetheart! Mukhang nahahawaan na rin siya ng nakamamatay na virus na ipinapalaganap ng mga pesteng killjoy! She's now infected with what I'd like to call as "killjoyness". Sa katunayan, kay Evillois nagsimula ang sakit na 'yon.
"Fear not, my fair maiden! We have someone here to help us!"
At kasabay nito, lumapit sa'min ang isang babae. Kapansin-pansin ang pamumula ng kanyang mga pisngi nang makita ako.
[Shit! Bakit ba ang cute ni Evarius? Kalma, heart!]
Lalong lumawak ang ngisi ko nang mapakinggan ko ang iniisip niya. I gave her my most charming smile. "Wala namang gagamit nitong theatre bukod sa'min, hindi ba, Ms. Perez?"
Mabilis siyang tumango. "W-Wala naman. Nasabihan ko na ang ibang estudyante na off-limits muna ang lugar na 'to, E-Evarius!"
"Good."
"N-Nga pala Evarius, pwede bang papicture ako mamaya kasama ka?"
"Oo naman."
I waved her goodbye as she hurried back to the classroom. Mahina akong natawa. 'Bakit ba ang daling manipulahin ng mga tao?' Binalingan ko si Marquessa na nakasimangot sa'kin. Umirap siya.. okay? Mukhang bigla siyang nawala sa mood.
"What?"
"Wala! Tara na. Baka hindi tayo makatapos ng training dahil sa kalandian mo."
"Akala ko ba ayaw mo dahil may practice ka sa---"
"TARA NA NGA!"
At nauna na siyang pumasok sa loob. Kumunot ang noo ko sa inasal niya. Kalaunan, natawa na lang ako't sinundan siya sa may stage. Mukhang excited na siyang mag-training. That's good, right? "Frabjous! That's the spirit, Miss Fake!"
There's something about theatres that makes me feel very happy.
The term "theatre" came from the Latin word "theatrum" which literally means "a place for viewing". Ang pag-usbong ng mga disenyo nito ay nakatatak na sa kasaysayan ng mga mortal mula pa noong 6th Century BCE. Mula noon, unti-unti nang niyakap ng mga tao mula sa iba't ibang panig ng mundo ang tradisyon ng pagtatampok ng mga "theatre play" upang maging libangan ng masa.
The theatre inside the College of Performing Arts here in ECU is designed in a proscenium arch. May limang hilera ng mga upuang nakapalibot sa stage. Matataas ang mga kisame nito't may nakasalambitin pang chandelier. The semi-circle platform is made out of polished wood. Red velvet curtains were pulled back and an eerie silence remained.
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormálníNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...