Since I'm an immortal, I'm not good with memories. Pero tandang-tanda ko pa ang nangyari noong Massacre Night...
Nakatayo ako sa harapan ni Faye, ang bestfriend ni Marquessa. The crowd cheered for me to kill the girl. Agad kong napansing umiiyak na siya't nanginginig sa takot. Behind my mask, I smirked and stepped closer to her.
"KILL HER! KILL HER! KILL HER!"
Inangat ko ang matalim kong tungkod at itinarak ito. Napasigaw sa gulat ang dalaga, pero agad rin siyang nagmulat ng mga mata nang mapansing hindi ko ito pinatamaan sa kanya. My cane burried itself on the ground beside her as our faces were only inches apart.
She almost screamed in fear, but what I said stopped her.
"Your bestfriend wouldn't like me if I killed you, miss. Hindi ko ugaling kaawaan ang mga katulad niyo, but I'll give you a fucking chance. I'm gonna spare your life, so just play dead."
Nanlaki ang mga mata ni Faye. Tumulo ang pawis sa gilid ng kanyang mukha at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"A-Anong...?"
"Play dead. Mas delikado kung tatakbo ka papalayo dahil sa dami ng killers dito. Just pretend you died, and wait until the staff takes your body out of here. Kapag nakalabas ka na sa arena, run straight to the elevator, and take the left hallway once you've reached the restaurant. May eskinita roon kung saan ka pwedeng tumakas."
What the duck am I doing this? I shouldn't be saving this girl. Pero sa naoobserbahan ko, tuwing kasama ni Miss Fake ang babaeng 'to, nagiging totoo ang mga ngiti niya. She smiles genuinely around her bestfriend. Hindi ko na kailangang basahin ang isipan niya para malamang si Faye lang ang kaibigan niya sa malupit na mundong ito.
Marquessa's fake smiles bothered me the moment I saw her. I guess, I just want that to change.
Kapag pinatay ko ang bestfriend niya, lalong magiging malungkot ang buhay ng mortal na 'yon.
'It's a Joker's job to make everyone smile.'
"S-Salamat."
Sinunod naman ni Faye ang sinabi ko. Nagpatay-patayan siya't humiga sa gilid. Ngumisi ako't akmang lalayo na sana nang mapansin ko ang presensiya ng isa pang killer sa gilid ko.
It was Jack the Ripper.
He just stayed there and watched me.
Sa hindi malamang dahilan, para bang hindi ko na kontrolado ang katawan ko. A chill ran up my spine as my body started moving on its own. 'No.. anong nangyayari?!' Sinubukan kong pigilan ang sarili ko, pero para bang sinapian ako ng kung anumang pwersa.
I grabbed a knife from my pocket and turned to the girl.
I stabbed her.
"AAAAAAAAHHHHHH!"
Again and again.
Hindi ko maalala kung paano ko siya pinatay o kung paano natuwa ang mga manonood sa nangyari. Ang tanging naaalala ko lang ay ang pakiramdam ng pagtalsik ng sariwang dugo sa maskara ko't mga kamay.
Naglaho ang kanyang pagsigaw nang tuluyan na siyang malagutan nang hininga. Pero bago pa man niya ipinikit ang kanyang mga mata, she stared at me. A look of betrayal and disgust.
"H-Hindi ka patatahimikin ni K-Kesa, Evarius.."
Mahina niyang bulong bago siya kinuha ni kamatayan. I dropped the knife and cursed under my breath. 'Kilala niya ako..' Nang kontrolado ko na ang katawan ko, mabilis kong hinanap si Jack the Ripper.
But he vanished as quickly as he appeared.
He controlled me.
He made me kill Faye.
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...