"So, aside from transforming into a crow, you can also transform into an angel with black wings? Ano pa bang hindi ko nalalaman? Baka kasi kaya mo ring mag-transform bilang tikbalang o pusa. Sabihin mo na."
Naiinis na tanong sa'kin ni Marquessa nang makabawi na siya sa pagkabigla.
Tumawa ako nang malakas. I adjust my smiley printed necktie and smirked. "Aw. Pero hindi ako isang anghel, Miss Fake. So don't get your hopes up. I'm nowhere near being 'good'." Huminga ako nang malalim at nauna na sa paglalakad.
'A joker can't be an angel.'
Naramdamdaman ko naman ang pagsunod niya sa'kin. Hindi na muling umimik si Marquessa hanggang sa marating namin ang marketplace ng Eastwood. Walang katao-tao sa lugar na 'to at binabalutan ng kadiliman ang paligid. Perfect!
"Anong ginagawa natin dito? Akala ko ba tuturuan mo akong pumatay?"
"Oh, but that's the plot twist! Hindi 'yon natuturo. You have to learn it on your own.."
"Ha?! Pero anong gagawin mo?"
"I've organized everything!"
Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa sinabi ko. Kahit na nagtatapang-tapangan siya, nakikita ko ang bahagyang panginginig ng mga kamay niya. Lalong lumawak ang ngiti ko at itinuro ang madilim na pamilihan.
"Nasa loob na ang biktima mo. That market is like a maze, and I've shut every possible entrance and exit earlier. Kung tama ang kalkulasyon ko..." Sumilip ako sa relo kong hindi gumagana at natawa, "malamang nawala na ang epekto ng drugs sa katawan niya. He'll be trapped inside that maze, and all you have to do is to hunt him down and kill him. Simple, right?"
Napalunok si Marquessa. Mukhang unti-unti nang nawawasak ang maskarang binubuo niya. Tingnan na lang natin kung hanggang saan siya tatagal.
Ilang sandali pa, matapang na sinalubong ni Marquessa ang mga mata ko. Shs gripped on the knives and nodded. "I'm ready."
I smirked and grabbed my top hat. Ipinasok ko ang kamay ko sa loob nito at kinapa ang hinahanap ko. Tsk! Why do I always forget to fucking clean this mess?
"AHA! There you are..."
Marquessa Legazpi blinked as I showed her the white bunny. Ngumiti ako't inilapag si Señor Fluffy sa lupa. Mabilis siyang tumalon-talon papunta sa marketplace. Mukha talaga siyang bulak na nilagyan ng mata. Cute but deadly!
"Señor Fluffy will show you the only entrance I left open. Pagkapasok mo roon, agad itong magsasara at hindi ka makakalabas hangga't hindi mo napapatay ang biktima mo."
Tumango si Marquessa at huminga nang malalim. She had this cold look in her eyes. One that can freeze hell over. "Naiintindihan ko. I'll make this quick." At tumakbo na siya papasok sa market.
Naupo ako sa sementadong sahig at ngumiti. I shouted after her. "HAHAHA! You don't need to rush, sweetheart! We have all the time in the world!" Pero kasabay nito, nasira ang relo ko. Nakalas ang mga piyesa nito. I frowned. "...or maybe not."
Mukhang matagal-tagal pa akong maghihintay dito. I should've brought some popcorn!
* * *
'What's taking her so long?'Kanina pa ako magpapalakad-lakad sa bayan. Nakatatlong ikot na yata ako sa perimeter ng Eastwood, pero hindi pa rin lumalabas si Marquessa. Malapit nang mag-umaga at paniguradong babalik na naman ang mga tindera para ayusin ang mga paninda nila.
Just then, Señor Fluffy came hopping back to me.
Napabuntong-hininga ako't dinampot ang muting hayop. I stared at him, eye to eye. "Frabjous! Hulaan ko.. ang hindi ko gustong mangyari ang nangyayari ngayon kay Marquessa dahil sa nangyari kanina?"
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...