'Bakit ba parang wala nang normal na nangyari sa buhay ko?'
Marquessa Legazpi sighed. Sinubukan niyang kumilos, pero agad rin siyang napadaing nang higpitan ni Evarius ang mga lubid sa kanya. Wala na siyang lakas para sitahin ang binata. He was tying her to a tree, for duck's sake!
"Madali lang naman ang kailangan mong gawin, Miss Fake. I'm sure you can handle it!"
She can hear the amusement in his voice. Huminga nang malalim si Marquessa at ipinaalala sa sarili ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa. 'Para ito kay Faye.. kailangan kong patayin ang taong tumapos sa buhay niya. At hindi ko magagawa 'yon kung magiging mahina ako.'
Lalong bumigat ang dibdib ni Marquessa sa katotohanang 'yon.
Sawang-sawa na siyang maging mahina. Sawa na siyang maging iyakin at laging kinakaawaan ng iba. Everytime people laugh at her mistakes, her confidence shrinks, and her smile disappears a little more each day.
Kaya siguro matagal nang na-extinct ang mga totoong ngiti niya.
Habang tinatapos ni Evarius ang mga tali, napatingin ang dalaga sa buwan. Amidst the gray clouds floating in the dark ink of night, the moon shone elegantly. Unti-unti niyang napansin ang pag-iiba ng kulay nito. Like blood staining a white shirt, the moon above them started turning to crimson.
The blood moon.
Ano naman kayang kababalaghan ang mararanasan ni Marquessa?
"All you need to do is survive the night, Miss Fake. Iiwanan kita rito at hahayaan kong abutan ka ng blood moon. By the time the moon turns red, the ghosts of this forest will start to attack you. Kailangan mong kumawala sa mga taling ito at tumakbo papalabas ng gubat bago pa man bumalik sa dati niyang kulay ang buwan. Understood? Frabjous! Let the fun begin~!"
Ngumisi si Evarius at tumayo sa kanyang harapan. Marquessa craned her neck and shot a side glare at the two crows perched on a nearby tree branch.
"Manonood ba talaga ang mga kapatid mo? They're starting to creep me out." Asik nito.
Mukha kasing may front row seats pa ang dalawang uwak. Ang inaabangan nila?
"Ang Pagdurusa Ni Marquessa Legazpi."
'Everyone wants to watch that. Ganoon ka-walang puso ang mga tao sa panahong ito.'
But Evarius Neverwood tapped his cane on her forehead and laughed. "Hahaha! Believe me, Miss Fake.. mas maraming misteryo ang kagubatang ito na mas nakakatakot pa kaysa sa mga kapatid ko. You shouldn't worry your pretty little head about it, sweetheart."
'Weirdo.'
"Tsk! Basta hindi mo kakalimutan ang kasunduan natin. Kapag nakaligtas ako ngayong gabi, kailangan mo akong tulungang makapasok sa Elite Killing Tournament." Paalala ni Marquessa. Mahirap na at baka hindi pa tumupad sa usapan nila ang baliw na 'to.
Pero mukha namang narinig na ni Joker ang kanyang iniisip at napabuntong-hininga ito. "Aye. Don't worry, Miss Fake. Sa sandaling makalabas ka ng kagubatang ito, I'll have a contract ready for you. Just don't get too insane, okay? Baka sa Eastwood Asylum na ang bagsak mo. HAHAHAHA!"
Evarius Neverwood started walking away in delight. Nanlaki ang mga mata ni Marquessa nang may maalala pa. "Teka! Paano ko malalaman kung saan ang daan palabas ng gubat? Where the fuck will I go if madness attacks me?"
Itinapat ni Evarius ang oil lamp sa gilid ng kanyang mukha at ngumisi kay Marquessa.
"Follow the lights, my insane sweetheart. The lights will take you to where you should be. Quack! Quack!"
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...