This chapter is dedicated to Ms. @Lucinario Joy Apple
---Marquessa Legazpi tried to call her bestfriend for the nth time this morning. Hindi ugali ni Faye ang ma-late sa klase nila, lalo't alam niyang mahilig magbigay ng detention slip ang matanda nilang prof.
"Damn it, Faye! Saan ka na naman ba gumala?"
Ang huling naaalala ni Marquessa ay noong nagpaalam sa kanya ang kaibigan na pupunta sa isang gig kahapon. Matapos 'non, wala na siyang nabalitaan sa kanya. She tried to text her to ask about an assignment last night, but like this morning, Faye never answered her calls.
Sa hindi malamang dahilan, biglang kinabahan si Marquessa.
'This isn't like her at all!'
Hindi siya mapakali.
Pero baka naman napaparanoid lang siya? Sabagay, hindi naman ito ang unang beses na nawala sa klase nila si Faye. Last year, sinadya nitong umabsent ng isang buong araw dahil naging abala ito sa pamimili ng susuoting damit sa concert ng EXO kinagabihan. Ang sabi pa ni Faye "emergency" daw, pero nang bisitahin siya ni Marquessa sa bahay nila, natisod pa siya sa dami ng shopping bags.
Marquessa glared at her bestfriend that day. "Ang sabi mo emergency?! Akala ko naman nagkaroon ka na ng kanser!"
Pero tinawanan lang siya ng kaibigan. "Bessy! Emergency nga. Kita mo namang wala akong mapiling damit kanina! I just bought everything. Baka mabighani ko pa si Sehun mamaya! Hahahaha! Magkaka-jowa na ako, bessy, ramdam ko na!"
Napasapo na lang si Marquessa sa noo niya. 'Minsan talaga napapaisip ako kung nasa tamang pag-iisip pa ba ang kaibigan ko..' Nonetheless, sinamahan niya pa itong pumili ng damit. Wala namang magagawa si Marquessa kundi suportahan ang kalokohan niya, 'di ba?
Ganoon talaga ang pagkakaibigan. Mag-aaway kayo't magkakatampuhan. Darating ang panahong hindi kayo magkakaintindihan. But at the end of the day, your bestfriend will be the one to laugh with you about the craziest things in life.
Huminga nang malalim si Marquessa. 'Pero iba talaga ang kutob ko ngayon..' kaya't bago pa man pumasok ang professor nilang parang laging pinagsakluban ng langit at lupa, mabilis niyang kinuha ang kanyang gamit at tumakbo papalabas ng classroom. Ni hindi man lang siya pinansin ng iba pang mga estudyante. 'I guess being invisible has its advantages. Hindi ka kapansin-pansin, kaya walang papansin sa'yo kahit mawala ka,' she thought.
Marquessa Legazpi ran through the empty hallways of ECU's College of Music. Huminto siya sa tapat ng auditorium nila kung saan naririnig pa rin niyang mag-practice ang ilang mga kaklase niyang kasama sa gaganaping concert. Umalingawngaw sa paligid ang tunog ng violin. It was a lovely sound, almost making her smile.
"Allegro."
Isa ito sa pinaka-basic na kantang pinag-aaralan sa violin. It highlights dynamic markings by changing volume levels and styles. Marquessa mastered that at the age of eight.
Under different circumstances, Marquessa would probably sit down and enjoy the music.
Pero kailangan na muna niyang alamin kung nasaan ang bestfriend niya ngayon. Nang kontakin kanina ni Marquessa ang magulang ni Faye, nalaman niyang hindi umuwi kagabi ang anak nila. Rinig na rinig ng dalaga ang pag-aalala sa boses nila.
["Kesa, alam mo ba kung nasaan si Faye?"]
"H-Hindi po tita.. pero aalamin ko po," Marquessa forced a smile even though Faye's mother can't see it. "Wag po kayong mag-alala. I'll call you back later."
Matapos 'non, sinubukan niyang tawagan ang kaibigan ni Faye. Makalipas lang ng ilang ring, sumagot na si Hare.
"Hello, Hare? Si Marquessa 'to."
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormálníNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...