DUODEQUADRAGINTA

791 90 2
                                    

"J-Joshua...?"

Marquessa Legazpi gaped in horror as she stared at the man standing in front of her. Hindi niya mapagtagpi-tagpi ang reyalidad na ibinibigay sa kanya. Baka naman namamalikmata lang siya? Pagak siyang natawa. 'Baka nga nawala na ako sa katinuan. Sabi na nga ba, dapat bumalik na lang ako sa Eastwood Asylum.'

"T- This isn't real.. imposible 'to. Hahahaha! Maybe I should take those anti-psychotic pills again."

Hinintay niyang mawala ang ilusyon. This was a trick, it has to be. Dahil kahit ilang ulit niyang isipin, hindi niya maintindihan kung paano napunta ang ex-boyfriend niya sa lugar na 'to. Sa pagkakatanda niya, Joshua is a jerk, a cheater, and an arrogant bastard.. but he's not a killer.

But Joshua only smiled sadly at her.

"I'm sorry, Kesa. Matagal ko na itong itinatago sa'yo."

Para bang lalong nahirapang huminga si Marquessa. Ngayon niya nararamdaman ang pagbaon ng mga kadena sa balat niya. She was sure that the cold metal chains will leave a bruise. Namuo ang pawis sa gilid ng kanyang sentido. Sinubukang pakawalan ni Marquessa ang kanyang mga kamay, but it was no use. When her eyes met his, a nasty look crossed her face.

Ngumisi si Marquessa sa likod ng kanyang maskara.

"Kailan pa?"

Nag-iwas ng tingin si Joshua. "I-I joined the tournament a few months ago, but I've been a regular audience since last year."

'Kaya pala nakita ko siya sa Nigtingale Royalé noong hinahanap ko si Faye.' Marquessa remembered that time all too well. Iyon ang araw na nakita niya ang bracelet ni Faye sa parking lot ng restaurant. She sneaked inside the restaurant and tried to look for Evarius, pero nakasalubong niya rin doon si Joshua. Mukhang noon pa man, alam na ng dati niyang nobyo ang kababalaghang nangyayari sa ilalim ng restaurant na 'to.

"Hindi pala coincidence na ito rin ang favorite restaurant mo noong tayo pa. How stupid am I to not notice that?"

Hindi umimik si Joshua.

Mula sa kadiliman, naririnig na ni Marquessa ang bulungan ng audience. Mukhang nagtataka at naiinip na sila sa mangyayari sa laban. It's understandable---they paid to watch bloodshed, not a drama show.

Pero wala na ring pakialam doon si Marquessa.

"Kaya ba nakipag-break ka sa'kin noon?"

He nodded.

"Hindi ko gustong masangkot ka sa tournament, Marquessa.. hindi ko alam ang magiging reaksyon mo kapag nalaman mong isang killer ang boyfriend mo. At sa sandaling malaman ng ibang tao ang identity ko, they might use you to blackmail me. I had to break up with you because I don't want to ruin your life."

"Do you regret it?"

"No."

Huminga nang malalim si Marquessa. Mukhang nauunawaan na rin niya kung bakit pilit siyang inilalayo ni Joshua kay Joker. Ayaw lang niyang masayang ang "sakripisyo" niya para maging ligtas si Marquessa.

It disgusts her.

"You tried to save me from insanity, but you forgot to save me from the pain." Walang emosyong tinitigan ni Marquessa ang dating kasintahan. She appreciates the effort, pero hindi na siya katulad ng dati. Marquessa changed since Faye's death, and it left her a permanent scar. "Nailayo mo ako noon sa tournament, pero hindi mo ako mailalayo sa kapalaran ko, Joshua. And it's my fate to feel the pain of Faye's death. It's my fate to destroy myself, because it's the only way I can survive."

Sa huli, balewala rin ang pagpapaka-martyr ni Joshua para iligtas si Marquessa. How can someone save a princess from her on demons?

They can't.

✔The Joker's InsanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon