"Dahil minsan na kaming sumali roon."
Hindi matandaan ni Marquessa kung naapektuhan ba ng laban nila ni Poison Ivy ang pandinig niya, but she was pretty sure her mind is having a hard time comprehending what she just heard. Matagal niyang tinitigan ang mga magulang. Kalaunan, napahagalpak nang tawa ang dalaga. Marquessa Legazpi found herself gasping in laughter. Halos gumulong na siya sa sahig sa kakatawa.
"HAHAHAHAHA! May sense of humor rin pala kayo minsan. Try to make a better joke next time, okay?"
Pero seryoso pa rin ang ekspresyon ng kanyang mga magulang. Mr. and Mrs. Legazpi exchange meaningful looks. Napabuntong-hininga si Mr. Legazpi at nilapitan ang anak. Sa labimpitong taon ng buhay ni Marquessa, ngayon niya lang nakitang malumanay ang ama.
Tila ba nahihirapan itong ipaliwanag sa kanya ang sitwasyon..
"This isn't a joke."
'Shit.'
"Kesa, the Elite Killing Tournament almost killed us before. Kabataan pa namin noon, and we met inside the tournament. Nang mabuntis ko ang mommy mo, we've decided to withdraw before the second round of the game.." His eyes were speaking to her. Trying to reach out to his daughter. Huminga nang malalim si Mr. Legazpi. "That's why we're protecting you. Hindi mo alam ang ginagawa mo. Kahit ang mga manonood ay naaaksidente sa larong 'yon."
"Hindi ka na dapat pumupunta doon, Kesa.. it's too dangerous." Mrs. Legazpi added.
Humakbang papalayo si Marquessa. Hindi na niya namalayang nanginginig na pala ang kanyang mga kamay. Bahagyang bumukas ang kanyang bibig, pero agad din niya itong itinikom. She couldn't form any words. Ano bang dapat sabihin kapag nalaman mong ang perpekto mong mga magulang ay mga participants pala sa isang killing tournament noon?
Nobody prepared her for this plot twist.
Nobody.
Napapailing na lang si Marquessa. "Y-You're lying..."
"Sana nga, anak. Pero hindi namin mababago ang nakaraan."
Mahinang sabi ng kanyang mommy. She forced a smile but it only made Marquessa even more uncomfortable. Bago pa man makapagsalita ulit si Mr. Legazpi, nanghihinang tumakbo sa kanyang silid si Marquessa. Nang makapasok siya sa loob, she immediately locked the doors. Kabado siyang sumalampak sa sahig at pilit ina-absorb ang kanyang mga narinig.
Alam nila.
Alam na nilang pumupunta siya sa lugar na 'yon.
Naikuyom ni Marquessa ang kanyang mga kamao. Her heart pounded nervously inside her chest as she tried to calm down. "Pero hindi pa nila alam na kasali ako mismo sa tournament.. I can still get away with this." Pagkumbinsi niya sa sarili.
Dahil hindi susuko si Marquessa Legazpi hangga't hindi niya naipaghihiganti si Faye. She's so close to finding out the truth about her death. And even if it kills her, Marquessa would risk anything. Hindi siya magpapakadena sa kanyang mga magulang.
Still, something else is bothering her.
'Si Joshua daw ang nagsabi sa kanila?'
It looks like her ex-boyfriend is more mysterious than she thought he is.
*
Napahinto sa paglalakad si Evarius Neverwood. The sound of his footsteps stopped as he stood in the middle of a sidewalk. Ilang kanto na ang layo niya mula sa bahay nina Marquessa. It's past midnight, but he has no plans of going home yet.
Hindi man niya ipinahalata, ngunit nabagabag ang binata sa sinabi ni Marquessa.
'The Puppet Man knows my identity, eh? I need to pay him a visit.'
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...