This chapter is dedicated to Ms. @Glaiza Araquel Senorio.
---
Pamilyar ang musika.
'Chopin, Nocturne in E-flat Major, Op. 9, No. 2.' She smiled at the thought. The piano piece was all too familiar.
Sa kanilang dalawa ni Faye, si Marquessa ang mahilig sa mga classical music. Whether she was forced to love it because of her parents, or she had simply been influenced by her former teachers, hindi na maalala ni Marquessa Legazpi kung kailan at paano niya nakahiligan ang ganitong klase ng musika.
Pero malinaw sa kanyang alaala na ang piano music na tumutugtog ngayon ay ang paborito nilang pareho ni Faye. She can feel every fiber in her body relax. The music is enough to make her feel emotions.
Kaya nang magmulat ng mga mata si Marquessa, hindi na niya alam kung anong emosyon ang mararamdaman niya sa sitwasyong ito. Simply because 1.) Nakatali siya sa isang upuan 2.) Natatanaw pa rin niya ang shelf ng mga ulo ng mga taong nakangiti sa kanya at 3.) Nakaupo sa tabi niya si Evarius Neverwood na abala sa paglalaslas sa sarili.
Nagising ang diwa ni Marquessa at natatarantang naghanap ng anumang bagay na pwede niyang gamitin para makatakas siya. She needed to get out of here! Kung matatanggal niya lang ang pagkakatali ng mga kamay niya nang hindi napapansin ng Joker, Marquessa would be able to---
"Don't even think about it, Miss Fake. Mas matibay pa kaysa sa relasyon niyo ng ex-boyfriend mo ang mga lubid na 'yan. Oh, and don't get me started with your little escape plan," mahina siyang natawa, "You can only get out through the window, but unfortunately, sinara ko na 'yon kanina habang wala kang malay. Look! Tadah!"
Dumako ang mga mata ni Marquessa sa binata kung saan lumabas 'yong dalawang lalaki kanina.
May nakaharang nang plywood doon.
Lalong kinabahan ang dalaga. 'Paano na ako makakatakas ngayon?'
"Hindi ka na makakatakas, Miss Fake. Don't even try. Okay?"
Sinamaan ng tingin ni Marquessa si Evarius. Nang tanggalin ng Joker ang nakabusal na tela sa bibig niya, halos magsisisigaw na ang dalaga. "STOP READING MY MIND! GOSH! NAKAKAINIS KA NA!"
"HAHAHAHA! I'm a mind-reader, Miss Fake! I can't help it." Kumindat si Evarius sa kanya at itinaas ang dumudugo nitong braso. Napangiwi si Marquessa nang mapansing sariwang-sariwa pa ang malalalim na sugat. His blood dripped on the cabin's wooden floor.
Ngayon lang nakaramdam ng ganitong klaseng takot si Marquessa.
'Walang mangyayari kung matataranta ka, Kesa.'
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. She needs to get out of here. She needs to find Faye. She needs to get away from the Joker! Nang kumalma na si Marquessa, naglakas-loob na siyang nagtanong. Alam niyang wala siyang makukuhang matinong sagot sa binatang ito, but Evarius is probably her only link to find her bestfriend. "Evarius, please.. kung alam mo kung nasaan si Faye, sabihin mo na. I-I'm begging you."
Napasimangot si Joker.
"Knock! Knock!"
Gustuhin mang lunurin ni Marquessa ang baliw na 'to sa kalapit na lawa ng cabin, hindi niya ito magawa. How the fuck can he make a knock-knock joke in a situation like this?
"Knock! Knock!"
Mukhang hindi siya tatantanan nito. Napilitang sumagot si Marquessa.
"W-Who's there?"
Evarius Neverwood grinned mischievously. "Faye."
"Faye who?"
Tumayo sa kanyang silya si Evarius. Ilang sandali pa, umalingawngaw sa katahimikan ng cabin ang kanyang pagtawa. Nang bumaling ulit siya kay Marquessa, Evarius' eyes had an evil glint in them. A dark and deadly humor. Halos mapunit ang kanyang bibig sa lawak ng kanyang ngiti.
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...