Huminga nang malalim si Marquessa Legazpi at hinayaang tangayin siya ng musika. With all the madness happening in her life, she needed to calm her nerves down.
'And what better way to do it than to listen to music?'
Ngumiti ang dalaga at sumandal sa bench sa tapat ng College of Music. Dalawang oras pa bago ang susunod niyang klase kaya't napagdesisyunan niyang tumambay muna rito.
Uminom siya mula sa tumbler niya't ipinikit ang mga mata. The sun kissed her skin and sent shivers down her spine. The warmth of day is an intoxicating break from the horrors of night...
Pero mabilis ring naudlot ang pagre-relax ng dalaga nang may humarang sa araw. Nang magmulat ng mga mata si Marquessa, saka niya lang napansin ang binatang nakatayo sa kanyang harapan.
Isang pamilyar na binata.
Napasimangot siya. "What the fuck are you doing here blocking my sunshine?" Tinanggal ni Marquessa ang earphones niya't sinamaan ng tingin ang bagong-dating.
"Gusto ko lang mangamusta."
Umirap si Marquessa. "Sa susunod na magbibiro ka, subukan mo namang maging nakakatawa, Joshua." She smirked when her ex-boyfriend flinched at her words. Mahinang natawa si Marquessa at akmang iinom ulit mula sa kanyang tumbler nang agawin ito ni Joshua.
"Darn it! Give it back!"
He glanced suspiciously at the container and sniffed. Napabuntong-hininga ito nang maamoy ito. Tumalim ang mga mata niya kay Marquessa. "At kailan ka pa natutong magpuslit ng alak sa tumbler?! This is against the school rules!"
"Oo. And it's against the three-month rule to ignore your ex and flirt with another girl."
Marquessa smirked wickedly. Natahimik si Joshua. 'Oops! Did I hit a nerve?' Walang-gana siyang tumayo at kinuha ang tumbler mula sa kamay ni Joshua. Sa totoo lang, hindi niya alam kung saan nagmumula ang tapang na ito.
Weeks ago, she wouldn't dare imagine talking back to Joshua and calling him a jerk. Pero ngayon, unti-unti nang nawalan ng filter ang kanyang bibig sa mga taong nanakit sa kanya. Marquessa feels like she can say what's on her mind, and own it.
She likes it.
She likes being a little braver.
Hinawakan ni Joshua ang kamay niya. Seryoso siyang nakatitig kay Marquessa. "You should stay out of danger. Hindi ka dapat pumupunta sa lugar na 'yon. Baka mapahamak ka!"
Kinabig niya ang kamay ng binata na para bang may nakakahawa itong sakit. Marquessa Legazpi crossed her arms over her chest. "Nakakapanibago. Nakainom ka rin ba? Sa pagkakaalala ko, wala ka nang pakialam sa'kin. We broke up a long time ago, so why should you give a damn about me?"
"Alam kong pumupunta ka roon kasama ni Evarius.." Huminga nang malalim si Joshua na para bang nahihirapan siyang sabihin kay Marquessa. "Just stop. Lumayo ka sa lalaking 'yon. Wala kang mapapala sa kanya. He's insane!"
"And what if I like insane boys?" Pagak na natawa si Marquessa. Sa lakas ng tawa niya, napalingon na rin sa kanya ang ibang mga estudyante. She grinned like a Chesire cat---a deadly one. "Matagal ka nang nawalan ng karapatang pakialaman ako sa mga desisyon ko, Josh. Kaya't 'wag mo akong diktahan sa kung sino ang dapat at hindi ko dapat pakisamahan."
Mula sa kanyang bag, kinuha ni Marquessa ang isang rubber duck. She smirked and squeezed the toy.
"QUACK! QUACK!"
Tumawa ulit siya at ipinatong sa ulo ni Joshua ang rubber duck. Kumunot ang noo ng binata. He was staring at her as if she were the queen of insanity---and maybe she is. 'Queen of Insanity? I like the sound of that.'
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
МистикаNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...