VIGINTI QUATTOUR

897 95 5
                                    

Nanghihinang naglakad palabas ng arena si Marquessa, still wearing her Joker's clothes. Pinilit niyang iwasan ang sinumang staff na babati sa kanya. After that fight with Black Sheep, she's too damn tired to disguise her voice.

'I need to enhance my stamina. Kung ganito kabilis ako mapagod, baka hindi na ako makaabot sa final match.' Napabuntong-hininga siya't lumiko sa isang pasilyo.

"D-Damn it.."

Her wounds hurt like hell. Tila ba pinapaalala sa kanya ng mga ito na hindi siya isang imortal. Wala siyang healing abilities at lalong hindi kayang mag-regenerate ng kanyang katawan kung sakali mang matanggalan siya ng braso o binti. She's not a Neverwood.

Ilang sandali pa, tuluyan na siyang nakalabas ng venue. She stumbled in an alley, the same one where she followed Evarius before. Ayaw nang alalahanin ni Marquessa ang tungkol sa pagtatago niya sa sako. 'Nakakahiya talaga 'yon. Gosh!'

Silence greeted her.

Agad niyang tinanggal ang kanyang maskara. Umirap ang dalaga. "Joker, wala akong panahon para makipaglaro sa'yo. Bullshit! Kung hindi mo pa napapansin, halos madurog na ang kamay ko!"

Makalipas ang ilang sandali, lumipad pababa ang isang uwak mula sa ibabaw ng lamp post. Sa gitna ng dilim, nagbagong-anyo si Evarius at humakbang papalapit sa kanya kung saan siya nasisinagan ng ilaw. He had this silly grin on his face. Suot pa rin niya ang kulay asul niyang suit (partnered with that ridiculous blue smiley-face necktie) at kulay itim na maskara. With a snap of his fingers, he was holding two glasses of red wine.

"That was frabjous, sweetheart! Frabjous, indeed. Akala ko talaga kailangan ko nang maghanda ng kabaong mo kanina. HAHAHAHA!" Humagalpak siya ng tawa at inabot kay Marquessa ang isang wineglass na agad naman nitong tinabig. The glass shattered on the cemented floor as her eyes glared daggers at the Joker. "Not funny. Look, I'm not like you. Hindi ako isang imortal at lalong hindi naghihilom ang mga sugat ko. Bullshit, I need---"

"Medical attention? No, no, no! Hospitals are useless and their concern is fake. Fake, fake, fake. They're all effin' boooooring~! HAHAHA! No offense, Miss Fake."

Walang emosyong nagtaas ng kilay ang dalaga. Ano pa nga bang aasahan niya? Evarius Neverwood always makes a joke out of everything.

Joker raised his hands up in defense and smiled charmingly. "No worries, my insane little sweetheart! May kakilala akong magaling gumamot. Kahit sugatang puso, kaya niyang gamutin. Actually, he's waiting for us outside this alley!"

Napabuntong-hininga si Marquessa. 'Bakit ba parang kilala ko na ang tinutukoy niya?' Walang imik na niyang sinundang maglakad si Evarius. Pero agad rin siyang napahinto nang makaramdam siya ng tila ba may nakamasid sa kanya. Nanindig ang kanyang balahibo.

Marquessa scanned the dark alley. Ganito rin ang pakiramdam niya noong may nag-iwan ng champagne sa tabi niya. A stranger lurking in the dark. Agad siyang napalunok.

"Miss Fake? Is everything all right?"

She stepped closer to him, pulled his necktie and whispered.

"Bukod ba sa'tin, may ibang tao bang nandito ngayon? Can you hear any human thoughts?"

Kumunot ang noo ni Evarius at pinakiramdaman ang paligid. Kung mayroon mang tao rito, maririnig ni Joker panigurado ang iniisip nito. But after a few seconds, Evarius Neverwood shook his head. "I can't hear anything. Baka nagha-hallucinate ka lang. Mukhang malala ang mga sugat na natamo mo kay Black Sheep. Let's get you treated," at hinawakan na ng binata ang kanyang kamay.

Evarius led her out of the alley. Pero hindi pa rin kumbinsido si Marquessa na walang nakamasid sa kanya mula sa kadiliman nito.

* * *

✔The Joker's InsanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon