VIGINTI SEX

902 102 3
                                    

For someone who can't die, school is the least of my problem. Don't get me wrong, sinubukan na rin namin noon mag-aral. Me and my brothers attended Harvard a few decades back. Nang sinawaan na kami sa mga tao roon, lumipat kami ng Paris para mag-aral ng fashion design---kaso pinalayas rin kami dahil kamuntikan kong nang drowingan ng pentel pen ang Mona Lisa.

Hindi ko naman sisirain! I just wanted to fix her smile. Dapat nakangiti siya nang malawak na parang Chesire cat. Pero hindi siguro mahilig sa Chesire cat si Da Vinci kaya naging pabebe ang ngiti ni Ms. Mona Lisa.

To sum it all up: school is boring.

They teach you to read, write, memorize, then repeat! Parang naka-automatic ang mga mortal. Paulit-ulit... Iyon siguro ang dahilan kaya't hindi ako nagtatagal sa mga paaralan. I am just too frabjous for school!

Tap.

Tap.

Tap.

I leaned on my cane and started walking through gardens of Eastwood Central University. Pasipul-sipol pa ako habang pinagmamasdan ang ilang mga estudyanteng babad sa pagbabasa at paggawa ng assignments. I sighed. 'Boring mortals. They study too much that they forget to enjoy life!'

Naalala ko na naman ang sinabi ni Evil. He's right.. hindi laging masaya ang mga mortal.

I was about to head to the dean's office (para isulong ang petisyon kong dapat may libreng blueberry pie ang mga estudyante tuwing Tuesday) when I spotted Marquessa Legazpi.

'A Marquessa a day, keeps the insanity away!' Lumawak ang ngiti ko. Hanggang ngayon ginugulo pa rin ako ng mga boses sa isipan ko. These monstrous voices are still haunting me---suggesting evil things. Pero dahil ine-entertain ako ni Marquessa, I find myself getting distracted. Panandaliang nananahimik ang mga boses sa utak ko.

Panandalian silang nawawala.

Inayos ko ang suot kong smiley face necktie at akmang lalapitan na sana siya nang mapansin kong may kasama pala si Marquessa Legazpi. Base sa kanilang mga ekspresyon, mukhang seryoso ng pinag-uusapan nila 'nong lalaki. Pasimple akong sumandal sa likod ng isang gusali at pinakinggan ang usapan nila.

What? Eavesdropping is fun!

May karapatan din naman akong maging tsismoso paminsan-minsan.

"---told you already, hindi ka na dapat sumasama kay Neverwood! Mapapahamak ka lang, Kesa. The Elite Killing Tournament is---"

"Paano mo ba nalamang pumupunta kami doon?! Sabihin mo, nanonood ka rin ba?"

Ooh~! May away! Nakakaaliw naman.

Narinig kong napabuntong-hininga ang binatang kausap ni Miss Fake.

"Marquessa, hindi na mahalaga kung paano ko 'yon nalaman. Ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan mo. There are killers lurking in that hellhole.. bad people who will probably take advantage of you for their own entertainment. People like..."

Napasimangot ako. Sino ba 'tong mortal na ito at mukhang gusto pa yatang i-spell ang pangalan ko sa mga descriptions niya? O sadyang natatamaan lang ako? Tsk. Bastard.

"People like who? Like Evarius?"

"Oo."

Pagak na natawa si Marquessa. That's my girl! 'Wag mong hayaang lasunin ng hamak na mortal na ito ang isipan mo, sweetheart. I'm not a bad man---well, maybe I am. I don't know anymore.

"Joshua, shut up. Hindi mo alam ang sinasabi mo.. 'wag mo na akong pakialaman. Hindi ka na dapat nakikialam sa buhay ko. Ex na nga kita, 'di ba? EXpired na dapat ang pakialam mo sa'kin."

✔The Joker's InsanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon