"I killed your bestfriend, sweetheart."
When Marquessa first saw him, Evarius Neverwood was staring at a group of students. Tahimik lang siyang nakamasid sa mga ito na para bang ang mga tao ang pinaka-interesanteng mga nilalang sa Eastwood. And the funny thing is, the Joker had his lips closed but Marquessa saw insanity dancing in his eyes.Sweet and sick insanity.
Ngayon, nakikita ulit ni Marquessa ang ekspresyong 'yon. The words left his lips, but it seems like her mind couldn't hold onto them. Nahihirapan siyang tanggapin ang mga ito---hindi niya kaya. Hindi.
'Shit! Nababaliw na siya.. h-hindi niya alam ang sinasabi niya!'
Agad niyang tinulak papalayo si Evarius. Nanlaki ang kanyang mga mata. "Y-You killed her...?" Pinilit niyang ngumiti kahit pa nanginginig na ang mga kamay niya. "Is that some kind of joke? H-Hindi ito ang oras para sa ganyang mga biro, Joker!"
"Who said I'm joking around? Silly, silly Marquessa... Masyado mo akong pinagkatiwalaan, kaya ka napapahamak. Your stupidity will be the cause of your death, sweetheart!"
"STOP. H-Hindi ko alam kung bakit mo 'to sinasabi, pero tigilan mo na. Nananahimik na si Faye kaya---"
"Nananahimik nga ba siya? Oh, I remember that night all too well.. nagmamakaawa siya sa'kin. Umiiyak si Faye, at paulit-ulit na sinasabing gusto niya pang mabuhay." Evarius' cold eyes never left hers. "Masyado siyang kaawa-awa, kaya't tinapos ko na lang ang paghihirap niya. Her warm blood stained my hands as I laughed inside that arena, Marquessa! I KILLED THAT THING YOU CALL A FRIEND! HAHAHAHA! Poor girl.."
"N-No. Damn it! You... Y-You're a fucking monster!"
Ngumisi ang binata. "No, I'm just the frabjously insane Joker."
Parang tuluyan nang naglaho ang anumang katinuang mayroon si Marquessa. Nahihirapan na siyang huminga't ramdam na niya ang panghihina ng kanyang mga tuhod. 'Tangina.. matapos ang lahat, malalaman ko na lang na si Joker pala ang pumatay sa bestfriend ko?' Twisted fate, indeed. Mukhang hindi talaga siya patatahimikin ng tadhana hangga't hindi siya nasisiraan ng bait.
Faye's smiling face flashed in her mind.
Dumako ang mga mata ni Marquessa sa suot niyang bracelet.
Ang bracelet na ginawa niya noon para sa matalik na kaibigan.
'I'm sorry, Faye. I-I'm so sorry.'
Namayani ang sandaling katahimikan.
Soon, Marquessa laughed. Pumunit sa tensyong namamagitan sa kanila ang paghagalpak niya ng tawa. The girl laughed until tears formed in her eyes. She laughed under her chests ached.. until the pain is killing her. "H-HAHAHAHAHA! AHAHAHAHA!"
Patuloy na tumulo ang kanyang mga luha. Hindi na siya nag-abala pang punasan ang mga ito. Alam niyang hindi na maibabalik ng mga luha niya ang buhay ni Faye. Hindi na niya maililigtas ang taong matagal nang hindi nakaligtas sa kamatayan. Ni hindi man lang niya maipaghiganti ito. So why does it fucking hurt?
'Maybe he's right.'
Katangahan.
Katangahan nga yatang nagtiwala siya sa isang Neverwood.
Napayuko si Marquessa. "How ironic.. The person I wanted to kill is the same person who's been helping me all along. Ha-ha."
He taught her how to hold a knife, now she wants to just get one and slit his throat open.
"Hindi ko kasalanang masyado mo akong pinagkatiwalaan. That's what I hate about you humans! Ibinibigay niyo ang tiwala niyo nang libre. Nagtitiwala kayo kahit walang kasiguraduhan. Isinusugal niyo ang tiwala niyo sa mga nilalang na hindi karapat-dapat bigyan nito."
Baka nga tama siya. Masyado nga bang nagtiwala si Marquessa?
"Why?" Huminga nang malalim si Marquessa at sinamaan nang tingin ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan. "BAKIT MO PINATAY ANG BESTFRIEND KO?! BAKIT KA NAGSINUNGALING SA'KIN?! B-Bakit.. bakit Evarius?"
Nagkibit ng balikat si Joker.
"Do I need a reason to kill? I just don't care about anything. Tsk! At para sagutin ang pangalawa mong tanong, masaya ka kasing gawing pampalipas oras. You entertained me, Marquessa. That's an achievement."
"Is that all I am to you? An entertainment? Tangina, matapos mo akong lokohin?!"
Her heart ached with pain and hatred. Para bang ayaw na lang niyang marinig ang sagot nito...
"Oo. Hahahaha! Tapos na ang kontrata natin. You can still try to kill me, but we both know that you can't. Neverwoods never die, remember?"
Mula sa bulsa ng kanyang pantalon, inilabas ni Evarius ang isang nakatuping parchment. Nang marinig ni Marquessa ang tunog ng napupunit na papel, agad niyang ibinalik ang mga mata sa kontrata. Just in time, she saw him ripping the paper into smaller pieces, right in front of her.
Isinaboy niya ang nga piraso nito sa mukha ng dalaga at marahang yumukod, like how a stage actor bows after a performance.
"The show's over now, Marquessa Legazpi! Salamat sa pagbibigay ng panandaliang aliw. Hindi na kita papatayin dahil naaawa ako sa'yo. So, I hope you live a long and boring mortal life. Hahahaha!"
Napaluhod na sa lupa si Marquessa. Tuluyan na siyang nanghina sa masasakit na mga salita ni Evarius. Does she need to thank him for sparing her life? Hell no. Parang mas gusto pa nga niyang mamatay. Tutal naman, nabalewala ang lahat ng pinaghirapan niya.. she was played by a fool.
Joker sighed dramatically and tapped his cane on the ground.
"Aw! Are you sad that I won't kill you? 'Wag kang mag-alala, Miss Fake. When you die sixty years from now, I'll make sure to offer some flowers to your grave."
Walang emosyong ngumisi si Joker at tumalikod na sa kanya.
Matapos 'non, mabilis nang naglaho sa kanyang harapan si Evarius Neverwood. Nagbagong-anyo ito bilang isang uwak at lumipad papalayo sa kagubatan---tuluyan nang iniwan nang mag-isa si Marquessa.
Hinayaan lang niyang maubos ang kanyang mga luha. Marquessa wanted to scream, burn him alive, and wipe that fucking smile off his ugly face. Pero para bang tuluyan na rin siyang naubusan ng lakas lumaban. Ang nakakagago pa lalo? May naiwang rubber duck sa pwestong kinatatayuan ni Evarius kanina. The rubber ducky stared at her.
She sighed and smiled bitterly.
"He fooled me. Hahaha! Let's face it.. I can never outwit the Joker's insanity."
---
"She offered me trust,
I gave her lies.
I broke her heart
in a blink of an eye."---Evarius Neverwood
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormaleNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...