This chapter is dedicated to Ms. @Jeraldine Salazar.
---
Marquessa Legazpi, like any other teenage girl, had her fair share of bad days. Noong elementary siya, kamuntikan na siyang madulas sa hagdan sa harapan pa mismo ng crush niya. Nang sumapit ang Junior High, natagusan pa siya sa klase na naging dahilan para tawanan siya habang nagso-solve ng Algebra problem sa board. Back in Senior High, naranasan na niyang magpatali ng buhok, kaso dahil dumating agad ang teacher nila, naging kalahating braid na lang ang ipit niya hanggang uwian.
Faye would often tell her how clumsy and "unfortunate" she is. Lagi siyang binabansagan ng kaibigan na "reyna ng badluck". Mula sa pag-aaral, hanggang sa pagbo-boyfriend, sadyang malas na talaga si Marquessa Legazpi.
Pero sa lahat ng kamalasang inabot niya sa buhay, this seems to be the worst day of her life.
Bakit?
Sabihin na lang nating hindi naging masaya ang karanasan niya sa loob ng sako. 'Bakit kasi kailangan pang kaladkarin?! Damn this jerk!' At ngayong natuklasan na ni Evarius at ng dalawa pang lalaki ang ginawa niyang "stunt", wala nang panahon si Marquessa para ayusin ang histura niya.
She stood before them and crossed her arms over her chest. Bad mood na talaga siya't hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung nasaan si Faye.
"NASAAN ANG BESTFRIEND KO?!"
Pag-ulit niyang sigaw sa tatlong binata na hindi pa rin makapaniwala na nagtago siya sa loob ng sako. One of them, the boy who first saw her, sighed in disbelief. "I've seen crazy things over the past century.. pero mukhang wala nang mas lalala pa rito. Nababaliw ka na, miss. Ano naman ang ginagawa mo sa loob ng sako? It's quite interesting."
Marquessa took in his appearance. Nakasuot ito ng kulay itim na coat at may kulay itim na tattoo ng espada sa kanyang pulsuan. His sharp eyes stared at her like a predator would to a prey. Nakaramdam ng kakaibang panganib si Marquessa kaya't napaatras siya rito. 'Wag ka ngang duwag, Kesa! You're doing this for Faye.' isip-isip niya't huminga nang malalim. Matapang niyang sinalubong ang mapanganib na tingin ng binata.
"Hinahanap ko ang bestfriend ko." Bumaling siya sa Joker na mukhang naaaliw sa sitwasyon. "At nakita kitang pumunta sa restaurant na 'yon kaya sinundan kita. Now, tell me where Faye is before I call the fucking police!"
Evarius Neverwood cocked his head to the side and smiled. "Oh, what do we have here? Are you stalking me, Miss Fake? Or just can't get enough of me~?" Pang-aasar nito sa kanya.
Lalong na-highblood ang dalaga. "What the fuck?! Ano bang meron sa inyong mga lalaki at sa pag-aassume niyong stalker ako?! Goddamn it! Ilabas mo na ang bestfriend ko!"
Mukha namang naiinis na ang lalaking katabi ni Evarius. Napabuntong-hininga ito't sinamaan ng tingin ang Joker. "Sabi na nga ba't papalpak ka. Bitbit mo ang sakong 'yan mula kanina pero ni hindi mo man lang napansing may babae sa loob?"
Evarius scratched his head. "Hey! It's not my fault! Seriously, brother, ilang sako ba sa mundo ang may lamang babae? Well, that pretty much explains why it's so heavy! Frabjous, isn't it? HAHAHAHA!"
"You're an idiot." Napabuntong-hininga ulit ang binata at naglakad papunta sa bintana. He gave one last death glare to Evarius. "Dahil sa'yo, natuklasan na ng taong ito ang hideout mo. Responsibilidad mo nang patahimikin siya. Once anything leaks out about our existence, ako mismo ang papatay sa kanya. Understood?"
Kinilabutan si Marquessa sa sinabi ng lalaki. Nanindig ang kanyang balahibo sa tingin nito sa kanya. There's something dark about him that is disturbing. Kinakabahan niyang sinilip si Evarius na biglang sumeryoso ang hitsura. Nawala na ang ngiti nito.
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...