"SAAN KA BA NANGGALING?! YOU MISSED YOUR MUSIC LESSONS AGAIN YESTERDAY!"
The craziest thing about parents is this: ni hindi ka pa nakakatapak sa loob ng bahay, bumungad agad kay Marquessa ang sigaw ng kanyang mommy. Sa pagkakaalala niya, bihira lang magalit si Mrs. Legazpi, pero sa tuwing mangyayari ito, sabihin na nating lalong nanliliit sa sarili si Marquessa. Only then did she figured out that words really do cut deeper than knives. A lot deeper.
"ANG MAHAL MAHAL NG BAYAD NAMIN SA MUSIC INSTRUCTOR MO! SINASAYANG MO LANG ANG PERA NAMIN!"
'Pero bakit hindi na ako nakakaramdam ng takot ngayon?' After the night of the blood moon, Marquessa knew something in her changed permenantly.
Huminga siya nang malalim.
"Mommy, tumuloy muna ako sa bahay ng kaibigan ko para sa rehearsals. The concert starts in two days, right? Na-lowbat ang cellphone ko kaya hindi ko na kayo nakontak."
Pagak na natawa si Mrs. Legazpi sa sinabi ng anak. Humithit siya sa hawak na sigarilyo ibinuga ang usok nito sa mukha ni Marquessa. "Kailan pa kita pinalaking sinungaling?"
Hindi umimik si Marquessa at mabilis na nagtungo sa hagdan.
Pero nang marinig niya ang sinabi ng sariling ina, naikuyom ni Marquessa ang kanyang mga kamao sa sama ng loob.
"Alam kong nagsisinungaling ka... Dahil wala ka naman nang ibang kaibigan bukod kay Faye."
But instead of getting angry, ngumiti nang malawak si Marquessa. Kalmado niyang hinarap si Mrs. Legazpi at nagsalita, "Thanks for reminding me how lonely I am. Ipinapakita lang nito na wala talaga kayong pakialam sa nararamdaman ko. Hahaha! Akala ko nga mag-aalala kayo dahil baka na-kidnap na rin ako... Turns out, nag-aalala lang pala kayo dahil absent ako sa music lessons ko kahapon. Don't worry, mommy... I'll give you a performance you would never forget."
With that, she curtsied and laughed before walking towards her bedroom. Naiwang nakatayo si Mrs. Legazpi sa may sala, nakaawang ang bibig at kamuntikan pang malaglag ang sigarilyo sa ipinakitang ugali ng anak.
* * *
Marquessa Legazpi walked down the halls of ECU's College of Music. Hindi niya alam kung bakit o paano nangyari ito, pero mas magaan na ngayon ang pakiramdam niya. Like a bird finally getting out of her cage.
Nakangiti niyang sinalubong ang mga estudyanteng nakatingin sa kanya. Bakas ang gulat sa kanilang mga ekspresyon.
"S-Si Marquessa ba 'yan?"
"Damn. What happened to her? Para siyang nagrerebelde ah."
Marquessa grinned like a Chesire cat. Agad na lumayo ang iba. 'Killjoys. Kaya pala ayaw sa kanila ni Joker.' isip-isip niya't lumiko sa isang corridor. Before she could even go to her the locker rooms, sinalubong siya ng isang dalaga. She recognized her, being in one of her classes.
"Ivy Grace, right? Ivy Grace Cortuna?"
Tumango si Ivy at ipinakita ang isang listahan. Napagtanto ni Marquessa na listahan pala ito ng mga magpe-perform sa concert ng Music of College. Ang music club nga pala nila ang namamahala rito. "Kesa, kasama ka pala sa magpe-perform sa Friday. Ready ka na ba?"
No. Hell no.
"Oo naman! Kailan ulit ang practice natin?"
Ngumiti si Ivy. "Mamayang after lunch, around 2 p.m. Manonood daw ang president ng club kaya galingan natin!"
Natahimik si Marquessa. 'Bihira lang makialam ang president ng music club. That bastard doesn't even organize things. Inaasa lang naman niya sa vice president.' Wala sa sariling tumango si Marquessa. Bago pa man umalis si Ivy, she eyed her from head to toe. "By the way, you look...different. Nagpakulay ka ba ng buhok?"
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...