This chapter is dedicated to Ms. @Ivy Grace Cortuna.
---"Sorry, the number you have dialed is currently unattended. Please try you call la---"
"Bwiset ka."
Naiinis niyang pinatay ang tawag. Pinigilan ni Marquessa Legazpi na ibato ang cellphone. Baka mamaya pagkamalan pa siyang nasisiraan ng bait. Napabuntong-hininga na lang siya. She slumped in her seat and took another drink of water. "Nasaan ka na ba, bes?" Malungkot niyang bulong sa sarili.
Hindi alam ni Marquessa kung ano nang gagawin niya. Buong araw na siyang aligaga. Halos libutin na yata niya ang buong Eastwood, pero wala pa rin siyang makuhang ibang lead kung nasaan ang bestfriend niya. Wala na siyang ibang lead, bukod sa bracelet ni Faye na nahanap niya kanina sa parking lot ng isang restaurant.
Well, that's why she's in here in the first place.
Nasa loob na ngayon ng Nightingale Royalé Restaurant si Marquessa Legazpi. It was an expensive and lavish restaurant for the filthy rich people. May mga artista pa siyang nakikitang kumakain sa di-kalayuan.
"Wala akong panahong magpa-autograph.. I need to find my bestfriend."
The grand chandelier hung above them. Velvet curtains. Elegant dresses. Classical music. A bronze nightingale statue ontop of a fountain of coins at the center. Sa kabuuan, nakakasilaw sa karangyaan ang lugar na ito. Ganito mismo ang nakikita ni Marquessa sa mga magazine na binabasa noon ng ex-boyfriend niya. Joshua always had a thing for expensive and high standard things. Hindi katulad nina Marquessa at Faye na simple lang ang pamumuhay.
Kaya nga't hindi lubos maisip ni Marquessa...
'Bakit naman mapapadpad dito si Faye?'
Ilang oras na siyang nakatambay dito, pero wala pa ring senyales na napadpad dito ang kaibigan niya.
Dumako ang mga mata niya sa bracelet. Naaalala ni Marquessa ang panahong ibinigay niya ito sa kaibigan. Bakasyon noon at magbabakasyon sa ibang bansa ang pamilya ni Faye. Her parents were forcing her to come, even though Faye was scared of new environments. Kaya't bago siya umalis, pinaghirapan ni Marquessa na gawin ang bracelet na ito.
It was childish, yes.
But it was for her bestfriend.
"Close your eyes, count to three, and everything will be alright."
Magmula noon, palagi na itong suot ni Faye. Huminga nang malalim si Marquessa at pinilit pakalmahin ang sarili. Mabigat sa dibdib niyang isipin na halos isang araw nang nawawala ang kaibigan. Losing a bestfriend is even more painful than losing a romantic partner. 'Bakit ba kasi hindi na lang ako sumama sa kanya kahapon sa gig?' That realization sunk into Marquessa's conscience.
It felt painful.. so fucking painful.
Kasalanan niya.
Kung sumama lang sana siya kay Faye kahapon, baka hindi na sila aabot sa puntong ito. Baka narito pa rin si Faye sa tabi niya't kinu-kwentuhan siya tungkol sa favorite boy bands niya. Baka hindi na nila kailangang i-report sa pulis ang pagkawala niya. They would laugh at it all like there's nothing to worry about.
Napayuko si Marquessa.
Kung may mangyaring masama sa bestfriend niya, hindi niya mapapatawad ang sarili niya. She would carry that burden for the rest of her life...
"P-Please, don't let anything bad happen to her."
At sa kauna-unahang pagkakataon, walang nagawa ang musika para patahanin siya. Guilt. That's what she's feeling right now. Para itong halimaw na unti-unting pumapatay sa kanyang puso sa bawat segundong lumilipas.
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormálníNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...