This chapter is dedicated to Ms. @Camihl Florence Creed.
---
"Isali mo ako sa Elite Killing Tournament."
I smirked at what she said. Matagal kong pinagmasdan ang ekspresyon ni Marquessa Legazpi (don't get the wrong idea, I don't like her or anything). There's just something different in those fierce eyes.. it's quite entertaining to see her willing to die. 'Mukhang natututo na siyang mahalin ang kaabnormalan ng mundo!'
Humagalpak ako ng tawa.
"HAHAHAHAHAHA! What a joke, Miss Fake! Nice one." Ngumisi ako't pinandilatan siya ng mga mata, "And I thought you don't have a funny bone in you! Frabjous!"
Pero hindi nagbago ang hitsura ni Miss Fake. Seryoso pa rin siyang nakatitig sa'kin. "Hindi ako nagbibiro, Joker. Nabanggit mo sa'kin noon na namatay si Faye sa isang killing tournament, hindi ba? Ibig sabihin ay malamang contestant doon ang pumatay sa kanya... Kailangan kong malaman ang totoong sinapit ni Faye noong gabing 'yon."
Nawala bigla ang ngiti ko nang ipaalala niya ulit ang gabing tinutukoy niya. The voices inside my head are disturbing me again. Unti-unti na naman nilang nilalamon ang katinuan ko. Suddenly, memories of that night flooded my head to the point of insanity.
Faye's screams.
Her blood on my hands.
"Evarius? Nakikinig ka ba sa'kin?"
Bumalik ako sa kasalukuyan nang magsalita ulit si Marquessa. Her sharp eyes assessed me as if searching for something I cannot see. 'As long as she doesn't find out about what I did, everything will be alright,' isip-isip ko't mabilis na ibinalik ang ngiti sa mga labi ko. What's a Joker without his smile, right?
I circled her and pulled on her hair. Lalong tumalim ang tingin niya sa'kin.
"Tsk, tsk, tsk! Mukhang naiwan mo yata sa morgue ang utak mo, Miss Fake. Are you sure you don't have a fever? Baka kasi nila-LOVEnat ka na dahil sa'kin." Sabay kindat ko sa kanya.
Umirap ang dalaga. "I'm serious!"
"Hello, serious! Nice meeting you!"
"Hindi ka na nakakatawa."
"Have you read Romeo and Juliet's story? It's frabjous, isn't it?" Inilapit ko ang mukha ko kay Marquessa at hinaplos ang labi niya. Her lower lip trembled under my touch.
"If I profane with my unworthiest hand
This holy shrine, the gentle fine is this:
My lips, two blushing pilgrims, ready stand
To smooth that rough touch with a tender kiss."Kung naririnig sana ako ngayon ng boring naming prof, malamang napa-standing ovation na siya dahil (sa wakas) na-recite ko nang tama ang mga linya ko. My eyes caught a glimpse of her frustrated eyes as I pulled away.
"Sorry, fair maiden, but I can't kiss you. Strict ang mga kapatid ko. HAHAHAHAHA!"
Huminga nang malalim si Marquessa. Mukhang nagpipigil na lang siya ng galit. Masyado siyang pikon. Why are humans always so short-tempered? Hindi ba nila alam na dapat tinatawanan lang ang mga problema? Kung pwede nga lang tumawa hanggang sa lagutan ako ng hininga, matagal ko nang ginawa. Immortality is boring. I don't even know why some idiots want it in the first place!
Mahina akong natawa.
"My, oh my! Baka ma-late na ako sa rehearsal namin ng Romeo and Juliet... So, let's just skip to the million ducky question: Why do you want to join a killing tournament for the ridiculously wicked and rich people?"
Hindi man halata, pero kanina ko pa iniisip ang rason ni Marquessa kung bakit niya gustong makipagsapalaran sa larong 'yon. Hindi ba dapat ay matakot siya? Something is definitely wrong with this girl. Kung malalaman ng isang normal na tao na namatay ang kaibigan nila sa isang tournament, natural sa kanyang matakot at magtago. Baka nga lumayas pa ito ng Eastwood...
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormálníNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...