DECIM

1.1K 124 5
                                    

This chapter is dedicated to Mr. @Klaudius Fade.

---

"P-Patayin mo na ako.. It wouldn't make a fucking difference anyway. I am already dead."

Tuluyan na yatang namanhid ang katawan ni Marquessa para makaramdam ng anumang takot sa kamatayan. Normal people fear death, right? Well, maybe she isn't as normal as she thinks she is afterall. Wala nang ibang laman ang isip ni Marquessa kundi ang bangkay ng matalik niyang kaibigan na nakasilid sa body bag sa kanyang harapan. Faye's lifeless body laid in front of her, reminding her of Marquessa Legazpi's greatest failure in life: not being able to save her bestfriend.

'I-I'm sorry, Faye.. I'm sorry.'

Napapikit na lang siya nang maramdamang lalong idinidiin ni Evarius Neverwood ang matalas na tungkod sa kanyang leeg. Nang mapansin ng Joker ang kawalan niya ng reaksyon, he froze on the spot in curiosity. "Funny. Hindi ka ba takot mamatay?"

"Wala na akong rasong mabuhay. The guilt will just eat me alive anyway. Why bother?" Nakakapanibago. Halos hindi na rin makilala ni Marquessa ang boses na kumawala sa bibig niya. It sounded so fucking lifeless.

So empty.

Hindi tumigil ang mga luha niya.

Makalipas ang ilang sandali, narinig niyang mahinang natawa ang binatang nakayakap sa likod niya. Unti-unting bumitaw sa pagkakahawak sa kanya si Joker. "Ganoon ba? Hmm.. that made me wonder.. paano mo papatayin ang isang taong patay na?"

Walang-ganang nilingon ni Marquessa si Evarius na naupo na sa ibabaw ng isang metal table. He stared at her with that wicked look in his eyes. That black teardrop tattoo under his right eye was still teasing her.

Ngumisi ang binata. "I'll let you off the hook! Pero kung isisiwalat mo ang sikreto naming magkakapatid, I'll have no choice but to kill you. Okay?"

Hindi makapaniwala sa kanyang narinig si Marquessa. Nanghihina siyang tumayo at inis na punasan ang luha niya. "H-Hindi mo na ako papatayin?"

Evarius whistled. "Nah! Where's the fun in that? Having a dead heart is worse than having a dead body."

Napasimangot si Marquessa at sinilip muli ang bangkay ng kaibigan. Huminga siya nang malalim at matapang na sinalubong ang pang-asar na mga mata ng Joker. "Kilala mo ba kung sinong pumatay kay Faye? Hindi ako matatahimik hangga't hindi nakukulong ang gagong 'yon! I-I won't stop until he suffers behind bars..."

Nagtaas ng kilay si Evarius. He looked amused. "Boring."

"What the---!?"

"At dahil boring ka, hindi kita tutulungan. HAHAHA! As you can see, I hate boring people. Plus, wala namang silbi ang batas ninyong mga tao. Pandisplay lang."

Lalong napanghinaan ng loob si Marquessa sa sinabi ni Evarius.

"P-Pero..."

"P-Pero~!" Panggagaya nito sa boses niya. Ngumisi nang malawak ang Joker at humiga sa metal table katabi ng bangkay ng isang matandang babae. "Maglaro tayo ng taguan... On the count of three, run. Run as fast as you can! Pero kapag nahuli kita, isisilid kita sa isang body bag at itatapon sa lawa. Got it?"

Napaatras si Marquessa. 'Paano naman ako tatakbo papalayo? This place is locked! Damn this weirdo!'

"Wala akong tatakbu---"

"One."

Shit.

Nilingon ni Marquessa ang loob ng morgue. Mukha itong storage room ng mga bangkay bago pa sila ma-embalsamo. Nakapangingilabot ang hitsura ng mga bangkay na nakita niya. Samantala, ang Ilan sa mga ito ay nakasilid pa sa mga itim na body bags. The chill crept up her spine, sending a sense of terror into her bones.

✔The Joker's InsanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon