Marquessa felt like she was drained of energy. Pakiramdam niya tinugtog na niya ang lahat ng mga instrumentong nilikha ng tao sa nakalipas na siglo. Nakakapagod at nakapanlata. Pinilit siyang maglakad papalayo sa arena. Hindi na niya alintana ang pag-cheer sa kanya ng mga manonood. 'Nakakapagod rin palang maging killer.'
She turned left and decided to grab herself a drink first when she noticed something on the floor.
Isang puting baraha na may nakaguhit na smiley face. Bahagyang napangiti si Marquessa sa likod ng kanyang maskara. 'Pasaway talaga.' She can almost imagine Joker scribbling this for her and leaving it on purpose. Akmang pupulutin na sana ni Marquessa ang baraha nang bigla itong lumayo sa kanya.
"What the hell?"
Tila ba may sinulid na nakatali sa baraha. It kept moving away from her so she followed it. Napapagod na rin siyang mag-isip kung anong pakulo ni Evarius ngayon.
Sinundan ni Marquessa ang baraha hanggang sa tuluyan itong maglaho sa isang hallway. Walang patumpik-tumpik siyang tumakbo papunta roon.
Pero nanigas siya sa kanyang kinatatayuan nang makita kung sinong may hawak ng barahang kanina niya pa sinusundan.
The man smirked wickedly. His deep brown pupils glared at her. Sa kanyang magkabilang gilid, nakatayo ang kanyang mga puppet---mga buhay na mannequin.
"It looks like the Joker is foolish enough to follow a card. You can easily be manipulated--like a fine puppet. Magiging madali na sa aking patayin ka sa laban natin next week.."
The Puppet Man grinned like a devil and walked towards her. Nakasunod sa kanya ang mga puppet niyang mukhang buhay na mga tao. Sa malamlam na liwanag, nakita ni Marquessa ang mga sinulid na nakalingkis sa mga puppet. It was almost invisible, but it's there.
Wala siya sa kondisyong makipag-away. Ramdam niyang higit na isang mapanganib na nilalang ang Puppet Man.
'Damn it! Mukhang mapapasabak ako sa isang 'to.'
The Puppet Man gave her one final warning.
"You won't make a fool out of me, Joker. Kung inisip mong kasing-dali akong patayin nina Black Sheep at Poison Ivy, nagkakamali ka.."
Hindi kumilos si Marquessa. Hindi niya alam kung dala ba ito ng tapang o sadyang nanghihina na siya kaya't wala na siyang lakas para sumagot. 'Trash talking amongst killers seem to be a habit. Tsk!'
"Until we meet again, Evarius."
And with that, the Puppet Man walked away. Napapitlag si Marquessa nang kamuntikan na siyang sakmalin ng isang puppet. Tahimik niyang pinanood ang paglaho nito sa hallway.
She sighed in relief when he was out of sight. Pero hindi niya maiwasang kabahan.
"Alam niya ang identity ni Joker."
* * *
"...and then he walked away."
Pagtatapos ni Marquessa sa kanyang kwento. Patuloy pa ring nagpasipul-sipol si Evarius Neverwood habang pinapatunog sa sidewalk ang kanyang tungkod. Kalaunan, napabuntong-hininga ang binata. Then, he flashed her a crazy yet charming smile. That black teardrop tattoo under his left eye hinting mischief.
"Don't mind him! Baka die-hard fan ko lang 'yang si Puppet Man kaya siya naging stalker ko. That's probably why he knows my identity. Hahahaha! I should send him an autograph sometime."
Sumimangot ang dalaga. "Pero hindi ba't magiging delikado para sa'yo 'to? Next week pa ang laban namin, pero alam niya kung sino ka... Baka subukan ka niyang patayin habang nasa school ka."
This is the reason why the killers of the Elite Killing Tournament keep their identities a secret. Lubhang mapanganib kung malalaman ng mga kalaban nila ang kanilang mga katauhan. It's too dangerous.
But the Joker just laughed this off.
"Nah! Don't worry, Miss Fake. Nasa kontrata ng EKT na bawal kaming pumatay ng participant sa labas ng arena. Killers are only allowed to kill during the scheduled fight."
"Great. Tsk! Para namang may pakialam ang killers sa batas na 'yan. They're all fucking crazy!"
"But not as crazy as Joker and Marquessa." He winked.
Napabuntong-hininga ang dalaga. Mukhang balewala rin kahit pagsabihan niya ang isang 'to. Evarius Neverwood has his own set of rules. Tahimik na lang siyang naglakad.
Marquessa felt her arm and smiled. 'Mabuti na lang talaga at manggagamot si Everick.' After the fight, Evarius called Everick to heal her. Nakakailang lang dahil kasama nila si Evil. Hanggang ngayon ay masungit pa rin ito at mukhang walang pakialam sa mundo. Nang tuluyan siyang magamot ni Everick, she requested to Joker that they walk home instead of taking his limo.
Sa huli, wala nang nagawa si Everius nang magsimula na siyang maglakad.
Gusto niyang makapag-isip. With all the craziness happening in Marquessa's life, gusto niyang magmuni-muni muna habang naglalakad. The fresh night air somehow calmed her down. It was relaxing.
"Frabjous! We should've just took my limousine." Pagrereklamo ng binata.
Umirap si Marquessa. "That would be boring."
Huminto sila sa tapat ng bahay ang dalaga. Pero imbes na maglakad papalayo, Evarius asked her something unusual.
"How many boyfriends did you have?"
Kumunot ang noo ng dalaga sa tanong. "Isa pa lang. We broke up a long time ago. Err.. why?"
Evarius nodded and smirked. "Kung ganon, bakit hindi ka pa nagkaka-boyfriend ulit ngayon?"
"Strict kasi ang parents ko." Marquessa laughed and teased back.
"Ikaw? Bakit wala kang girlfriend ngayon?"
"Strict kasi ang parents mo." Sabay kindat.
It took her a while before realizing what it meant. Kalaunan, naramdaman ni Marquessa ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Bago pa man makapagbiro ulit si Evarius, mabilis nang nagpaalam ang dalaga at naglakad papunta sa bahay nila. Her heart was doing abrnormal things again.
"Damn him!"
Does Evarius Neverwood even know what he's doing to her?
Nang makapasok na siya sa loob, bumungad sa kanya ang kanyang mga magulang. Mr. and Mrs. Legazpi have worried looks on their faces. Nakakapanibago. Mas sanay siyang makitang naka-neutral o nakabusangot ang mga ito. Nilakasan ni Marquessa ang kanyang loob at pinilit ngumiti sa kanila. "May binalikan lang akong assignment sa---"
"Alam naming nagpupunta ka sa Elite Killing Tournament." Kalmadong sabi ni Mrs. Legazpi. Her husband sighed and added, "Sinabi sa'min ni Joshua.."
Halos literal na yatang malaglag ang panga ni Marquessa sa gulat.
"Hindi ka na pwedeng bumalik doon, Kesa.. nag-usap na kami ng daddy mo. Aalisin ka na namin sa ECU at sa music lessons mo kay Ms. Pavene. Starting today, you will be home-schooled."
"Anak, delikado ang tournament na 'yon! People get corrupted everyday because of those fights.. maaari kang mamatay. Kaya't naisip naming mas mainam kung ikukulong ka na lang namin dito sa bahay."
"H-Ha?! P-Pero bakit?" What the heck is happening to her life? Galit na tinanong ni Marquessa ang kanina pa gumugulo sa isipan niya. "Paano niyo ba nalaman ang tungkol sa tournament?!"
Not many people know about it. Kaya nga't nakatago ito sa ilalim ng isang restaurant. It works illegally, using the funds from those disgusting rich people.
Nagkatinginan ang mga magulang ni Marquessa. Kalauanan, si Mrs. Legazpi ang sumagot...
"Dahil minsan na kaming sumali roon."
---
"Life is a bitch with many secrets,
twisted lies she wouldn't share
and if you tell her you're in pain
she'll answer you: I don't care."---Marquessa Legazpi
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...