Kill.
That's the only rule that never changes in the Elite Killing Tournament.
"Welcome to the first round of the Elite Killing Tournament 2019!" Sigaw ng referee na nakatayo sa gitna ng arena. Mukhang baguhan lang ito at kapansin-pansin na halos buto't balat siya. 'Hindi ko alam na tumatanggap pala sila ng applicants mula sa sementeryo.' I laughed and tapped my polished cane on the tiled flooring.
Sinamaan ako ng tingin ni Aurora, her clipboard still in hand. "Sa susunod na taon, maglulunsad na kami ng mental check-ups sa mga kalahok. We don't want another crazy man like you to participate in the next tournament," she scowled in hatred, "Dahil sa'yo, kinailangan pa naming maghanap ng referee na kapalit 'nong pinatay mo noong Massacre Night!"
I frowned. "Frabjous! Kung pagbabawalan niyo ang mga baliw sa EKT, malamang wala na kayong contestant next year. Baka nga wala na rin kayong audience dahil mas nasisiraan pa ng bait ang mga hudas na 'yan kaysa sa'min, Aurora." Sabay turo ko sa mga mayayamang uhaw na makapanood ng patayan. Sila na lang kaya ang magpatayan? That would be a lot better.
The manager huffed and walked away. Her stilettos clicking loudly in the hallway. Ni hindi man lang niya ako nai-goodluck? Aw. Such a killjoy!
Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa arena.
"Tonight, our first match will be against the king of laughs and the cannibal...THE JOKER VS. THE MUFFIN MAN!"
Lalong lumakas ang dagundong at sigawan mula sa mga audience. I couldn't see them clearly because of the darkness. Tanging ang arena lang ang may spotlight dito. My eyes scanned the crowd. I couldn't see her, but I know she's watching me.. 'Watch and learn, Miss Fake.'
Humakbang na ako papasok ng arena kasabay ng paglitaw ni Muffin Man mula sa kabilang dulo.
"JOKER! JOKER! JOKER!"
Paborito na ako ng mga demonyo---este, mga tao. Well, if you can still call these sadistic creatures human, of course. Ngumiti na lang ako kahit na hindi nila ito nakikita (thanks to my awesome mask) at kumaway na parang artistang naglalakad sa red carpet. I always wanted to do this! It makes me feel like a king.
Nang marating na namin ang sentro ng malawak na espasyo, kapansin-pansin ang kawalan ng emosyon sa mga mata ng Muffin Man.
'May atraso pa sa'kin 'tong cannibal na 'to. Inunahan niya ako sa cake noong nakaraan!' My mind complained. Sinamaan ko siya ng tingin. No one, and I mean NO ONE eats my cake and gets away with it!
Tumikhim ang payatot na referee nang mapansing nagpapatayan na kami ni Muffin Man sa utak.
"Err.. now, for our rules!"
The giant screens then flashed our names and pictures. Napatingin na rin ako roon para mabasa ang "rules" nila sa gabing ito. Katulad ng inaasahan ko, pabago-bago sila ng mga batas, maliban na lang sa isa.
RULES:
1. Kill.
2. Don't be slow.
3. Don't touch the wall."Break a rule, and we'll break your necks!" Bilin ng referee sa amin. Pareho kaming tumango ni Muffin Man.
"Yeah, sure."
"...."
Pero kumunot talaga ang noo ko nang mabasa ang huling 'rule' ng Elite Killing Tournament. 'Don't touch the wall?' Panandalian kong tiningnan ang mga pader. Polished white marble with carved designs and columns. Ano naman ang mangyayari kung mahahawakan namin ito? Hmm.. only one way to find out!
Pero nabigla ang lahat nang dumilim ang screens. Naglaho ang profile namin at ang listahan ng rules, kasabay ng paglitaw ng panibagong mga salita roon. It was a message from the Boss of the Elite Killing Tournament. A message in big, red letters. At ang nakasulat doon?
BINABASA MO ANG
✔The Joker's Insanity
ParanormalNeverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader... The problem? He isn't human. Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang na...