PROEM

3.3K 99 5
                                    

Nilusong ni Kassiopia ang malakas na buhos ng ulan at bumabahang kalsada para habulin si Dark na hinahabol naman ang kanyang kapatid na si Anjellena. Kaagad niyang dinaluhan ang lalaki na nakaluhod sa binabahaang kalye at tinatawag ang kanyang kapatid na hindi na nito inabutan.

"Dark," niyakap niya ito. Pero pumiksi ito at marahas siyang itinulak palayo. Nag-aapoy ang galit at pagkamuhi sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

Gumapang siya at tinangkang lapitan itong muli.

"You stay away from me, you bitch!" Matigas nitong sigaw na tila liyong gusto siyang sakmalin at lamunin ng buhay.

Napahinto siya kasabay ang pagbukal ng masaganang luha sa mga mata.

"Dark, hindi ba pwedeng ako na lang ang mahalin mo? Ako na lang ang mahalin mo." Pagmamakaawa niya.

"Pinagsisisihan ko ng malaki ang ginawa kong pagpapalaya sa iyo! Hinayaan na lang sana kitang mabulok sa kulungang yon." Puno ng galit at pagkasuklam ang boses nito.

"Dark, mahal kita." Iyak niya.

"I could never love you, Kassiopia! Kahit kailan hindi kita mamahalin! No one will ever love you because you're a monster!" Parang sirang plaka iyon na paulit-ulit na umaalingawngaw sa bawat sulok ng utak niya at dumurog sa kanyang puso at kaluluwa.

Iniwan siya ng lalaki na nakalugmok sa gitna ng ulan at baha. Nanginginig sa takot habang humahagupit ang malakas na kulog at matalim na kidlat na tila bombang niyayanig ang buong paligid at ang rumaragasang tubig na humampas sa kanya papuntang kawalan.

Suminghap siya at bumalikwas ng bangon. Napahawak sa kanyang dibdib habang pilit hinahabol ang paghinga. Kinapa niya ang pisngi na basa ng luha at pawis.

That nightmare again.

Tiningnan niya ang nanginginig na mga kamay. Shit, calm down, calm down. Niyakap niya ang sarili at pumikit. Inhale. Exhale. Inulit-ulit niya hanggang sa gumaan ang kanyang paghinga at bumalik sa normal. Umalis siya ng kama. Sinipat ang oras sa alarm clock na nasa bedside table at binuksan ang isa sa mga drawers.

Dinampot niya ang itim na kahon at hinaplos ang gintong pangalan na nakaukit sa takip. She opened the box. Nakahimlay sa loob niyon ang pulang kandelang nakabalot ng itim na tela at may gintong sinulid. Pwede kaya siyang pumunta Lantauan ngayon? Pero baka hindi agad siya makabalik. Noong huli niyang punta ay nakulong siya sa hangganan ng dimensiyon nang magpalit ng oras ang dalawang parallel na mundo.

Binalik niya sa loob ng drawer ang kahon matapos isara at naupo sa gilid ng kama. Ala-una pa lamang ng madaling araw. Kailangan niya ng alak para makatulog ulit. Tinungo niya ang pinto at lumabas ng kwarto.

Staring at her blurred reflection in the wall of the elevator, she can't help but smile bitterly. It's been almost two years pero hanggang ngayon patuloy pa rin siyang dinadalaw ng bangungot. She has changed since then. She's a lot stronger now. Hindi na siya takot sa kulog at kidlat. But then, she became what he said.

A monster.

Yes, she turned into one. She became a monster ever since that night. But unlike the typical monster described in books and folklores, wala siyang sungay at buntot. Ang mayroon siya ay mukha at katawang kinababaliwan ng mga lahi ni Adan.

Five feet and ten. With her curves in right place. An impeccable diamond brown eyes. Her nose and lips are mediums of art and lust. Like they say, a beauty from hell.

Huminto ang elevator at bumukas. Lumabas siya at tinungo ang bar. Saglit siyang natigil nang makita roon si Dark na umiinom. Baka magkatulad lang sila, binabangungot rin ito dahil sa pag-iwan ni Anjellena rito. Noong gabing iyon, nahuli sila ng kapatid niya sa kwarto ng lalaki.

Nagpatuloy siya sa paghakbang at hindi na lamang ito pinansin. Alam niyang wala naman itong pakialam na naroon siya. Nakasulyap ito sa kanya habang kumukuha siya ng isang bote ng champagne. Binuksan niya muna iyon saka siya tumalikod at tinunton ang swimming pool sa labas habang bitbit ang bote.

Nagtungo siya sa gilid ng pool at naupo. Tumungga ng champagne at nilapag ang bote sa kanyang tabi. Pinagmasdan niya ang reflection ng buwan sa tubig. Nasisira ang bilog na imahe nito tuwing gumagalaw ang tubig dahil sa simoy ng hangin pero unti-unti ring bumabalik sa dating anyo kapag humuhupa na ang paggalaw ng tubig.

Tumingala siya. Kahit na paulit-ulit na nasisira ang refleksyon nito sa tubig, nanatili itong buo sa itaas at napakaliwanag.

"Hindi ka ba makatulog?" Tinig ni Dark. Kasunod ay naramdaman niya ang paglapat ng tela sa kanyang balikat. Ibinalabal nito sa kanya ang jacket nito. Manipis na lingerie lang kasi ang suot niya. "Malamig, baka magkasakit ka." Dagdag nito.

Kinuha niya ang jacket at itinapon sa tubig. "Don't pretend as if you care for me. It doesn't suits you." Sarcastic niyang sagot. At muling tumungga ng champagne mula sa bote.

"I'm your bodyguard, remember? Trabaho ko ang mag-alala sayo. Binayaran mo ako para gawin iyon hindi dahil sa gusto ko." Sound like an insult. Pero hindi na niya pinansin. Sanay na siya. Immune na siya sa sakit na dinulot nito sa kanya.

"Bodyguard?" Tumawa siya ng mapakla at tiningnan ang lalaki mula paa hanggang ulo. "Correction, you're not my bodyguard. You are my slave." Pang-aasar niya rito. Nakita niya kung paano dumilim ang mukha nito at nagtagis ng bagang.

Yes, fortunately she made him her slave. At dahil ayaw nitong sirain niya si Anjellena, ang babaeng mahal na mahal nito kaya pumayag itong maging alipin niya. Lahat ng kanyang inuutos ay ginagawa nito ng walang reklamo. Subok na kasi nito ang kakayahan niya. Nagawa na niyang bulabugin noon ang ampunan kungsaan ito lumaki at nagkaisip. Sisiw na lang ang pagsira sa namamayagpag na career ni Anjellena na ngayon ay isang sikat na international supermodel. After all she is a monster in his eyes, she should lived up to his expectation.

"Anyway, nakakuha ka ba ng appointment kay Julio Valencia?" Tanong niya at tumayo. Tinungo niya ang pool chair sa may canope at naupo roon.

"Tomorrow afternoon, he'll meet you at the presidential suite of Januarius Hotel." Sagot nitong naghubad ng shirt at pantalon. Naiwan ang black boxers na hindi mabigyan ng hustisya ang itinatagong bagay na iyon na bumabaliw sa mga kababaihan. Sumisid ito sa tubig. Nang umahon ay bitbit na nito ang jacket na tinapon niya.

Mula sa brusko at gwapo nitong mukha ay naglakbay ang paningin niya sa kabuuan nito. He is attractively tall. Six feet and five, roughly. With built worth drooling. Those mighty abs are hell of temptation. He is lethally handsome that it's almost a sin just by looking at him. He can draw out every impure thought a woman's fragile mind is capable of. If one thing's never change, iyon ay ang natutulala pa rin siya sa kagwapuhan nito hanggang ngayon. Hinding-hindi siya nasasanay at nagsasawa kahit araw-araw naman niyang nakikita ito.

Nahinto ang paningin niya sa umbok sa harapan nito. Hindi niya maiwasang mapapalunok. Nakita na niya ng ilang beses kung gaano kalaki ang bagay na nagtatago roon. Ang bagay na kahit kailan ay hindi mapapasakanya tulad ng puso nito.

"You're drooling, lady boss. Pinagnanasaan mo ba ang alipin mo?" Nang-uuyam na sabi nito.

Bumalik siya sa huwesyo. "Kasama sa binayaran ko ang mag-enjoy sa magandang view na nakikita ko." Maldita niyang sagot. Hindi na siya gaya ng dati na namumula kapag inaasar nito ng ganoon. She learned to create a battle armor that even his charms cannot be able to destroy.

He laughed in disgust. "Too bad, I'm just your slave." Sabi pa nito at iniwan siya.

Humilig siya sa sandalan ng upuan at pumikit. Doon na siya tinangay ng antok. Pero nagising siya kinabukasan na nasa kama na siya ng kanyang kwarto. Hindi niya alam kung paano siya nakarating doon. Ang natandaan lang niya ay nakatulog siya doon sa pool. Baka nag-sleep walk siya pabalik ng kanyang silid.

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon