13TH NIGHT

893 63 2
                                    

KATOK ng katok si Julio sa nakasaradong pinto ng banyo nang madatnan ni Dark. "Kassiopia, are you alright, honey? Answer me!"

"Anong nangyari, Mr. Valencia?" Tanong ni Dark.

"Hindi ko alam. She went inside the bathroom."

"Ako na ang bahala sa kanya. Umalis ka na."

"But___"

"Hindi mo ba ako narinig, Mr. Valencia? Get lost!" He looked at him sternly.

Napaurong si Julio. Nagtagis ng ngipin. "Tell her to call me later." Sabi nito at umalis.

Lumapit sa pinto ng bathroom si Dark. Idinikit niya ang tainga roon. Dinig niya ang kaluskos sa loob at ang mabangis na ungol. Tila ungol ng isang mabagsik na halimaw na nasa kulungan. Sumumpong na naman yata ang sakit ni Kassiopia.

"Kassiopia! Open the door!" Tawag niya rito.

Walang sagot. Maya-maya ay gumalaw ang door knob kasunod ang dahan-dahang pagbukas ng pintuan at iniluwal si Kassiopia na humihingal, nanginginig at nanlilisik ang mga mata. Dinaluhong siya nito at isinalya.

Tumalsik siya at tumama sa dingding. Mabilis siyang umilag nang magbagsakan papunta sa kanya ang dalawang malalaking painting. Nilapitan siya ng dalaga. Hinayaan niya lang ito. Kapag lumaban siya ay lalo lamang itong magwawala.

Kapag nasa ilalim ito ng impluwensya ng sakit nito, hindi kapani-paniwala ang lakas nito na kahit siya ay hindi ito makakayang pigilan. Buong bangis nitong winasak ang suot niyang long sleeves at tila lobong gutom na sinakmal ang kanyang leeg.

Napaungol siya sa sakit nang maramdaman ang pagbaon ng ngipin nito sa kanyang laman. Dama niya ang pagbukal ng mainit na likido sa kanyang leeg na sinisipsip nito. Mas lumala pa yata ito. Kung noon ay agad itong kumakalma kapag nakatikim ng dugo niya, ngayon ay para bang lalo pa itong nauuhaw.

"Kass," niyakap niya ito.

Nahinto ito. Humupa ang paghingal at panginginig. Lumuwag ang kagat ng mga ngipin nito sa leeg niya hanggang sa lubusang bumitaw. Napakislot ito at pagod na pagod na bumagsak sa kanyang tabi.

Bumangon siya. Kumuha ng panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang duguan nitong bibig. Binuhat niya ang dalaga at dinala sa kama. Iniwan niya ito at pumasok siya ng banyo. Nilagyan niya ng maligamgam na tubig ang tub at binuhusan ng liquid soap at conditioner at isang basket ng rose petals.

Alumpihit si Kassiopia sa kama nang balikan niya. Ang gamot, sana di nito nakalimutang dalhin. Naghalungkat siya sa bag nito at nakahinga ng maluwag nang makapa ang hinahanap.

Kumuha siya ng isang tablet at nagbukas ng bottled mineral water. Agad niya itong pinainom ng gamot. Natigil ito sa pag-aalumpihit at muling nanahimik. He took her clothes off and brought her to the tub. Napaungol ito nang lumapat ang katawan sa tubig.

Naupo siya sa tiles sa ibaba ng tub para magbantay. Payapa na ang paghinga nito. Mabuti naman. Isinandal niya ang likod sa glass wall at pumikit. Three months ago ay sinumpong rin ito pero mas mild ang sumpong na iyon kaysa kanina. Ibig sabihin hindi epektibo ang intervention program na binibigay ng multi-disciplinary team.

"Dark," mahinang sambit ni Kassiopia.

Mabilis niyang dinaluhan ang dalaga. Nangingitim ang mga labi nito at nangangatog sa lamig. Tumalab na ang gamot na ininom nito. Hinaplos niya ang pisngi nito. Bumaba ng husto ang temperature ng katawan nito. Isa yon sa mga side-effects ng gamot na kailangan nitong tiisin. Kinapa niya ang tubig. Mainit pa naman. Hindi niya pwedeng dagdagan ang init niyon at baka mapaso ito.

"Dark," muli nitong sambit.

He undressed and joined her in the tub.

ITINAPAT ni Dark ang nagniningas na katawan sa malakas na buhos ng tubig at pikit-matang tumingala. Dinama ang malamig na tubig na bumabagsak sa kanyang mukha. His heart is beating crazily hard and fast like it's going to explode anytime soon. Damn! Damn her! Napopoot na sinuntok niya ng buong lakas ang dingding sa harap niya.

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon