Malayo pa lang ay tanaw na ni Dark ang tila isang paraisong lupain. Ang makukulay na mga bulaklak na nanunuot sa ilong niya ang matatamis na amoy. Mga paru-parong naglalaro sa paligid at wari'y nagkakalituhan kung aling halaman ang pipiliing suyuin. Mga alindanaw na ginagawang salamin ang batis para kausapin ang sarili. Pero ang higit na bumihag sa kanya ay ang talon sa gitna ng mga bahaghari. Ang talon na hindi dumadaloy pababa kundi papunta sa mga ulap sa langit.
Talon na patiwarik ang agos? Papaanong hindi iyon bumagsak pabalik? Does it defies the gravity in this magical world? Clearly, it does.
"Okay ka lang ba?" natatawang tanong ni Kassiopia dahil nakatulala siya sa malaking haligi ng tubig na papunta sa mga ulap.
"Talon ng buhay." Anas niyang may naaaninag na bultong gumagalaw mula sa tubig.
"May nakikita ka?"
Tumango siya. "I think I saw someone hiding inside."
"Siya ang bathala ng talon. Nakakulong sa loob at lalaya lamang kapag natanggal ang silyo ng kapangyarihan ko. Kung hindi ikaw si Zalim, hindi mo siya makikita."
"Nakikita mo rin ba siya?"
"Hindi. Ikaw lang ang may kakayahang makakita sa kanya." Hinatak siya nito papalapit sa talon. Tahimik iyon at hindi niya naririnig ang agos pero nararamdaman niya ang paghinga ng tubig. "Gusto kong maligo." Bumitaw sa kanya ang dalaga at tumakbo patungo sa batis.
Natatawang hinahabol niya ito ng tingin. Maliligo? Akala pa naman niya may kaugnayan sa kasal nila ang dahilan kaya sila pumunta rito. Gusto lang pala nitong maligo. Sinundan niya si Kassiopia na sumisid sa lawa kungsaan nagmumula ang talon.
"Zalim, halika! Samahan mo ako..." sigaw nito.
"Coming!" napapailing na lamang siya at naghubad ng damit pang-itaas saka pantalon bago lumusong sa tubig. Then he found out it was a hot spring. Surprises never ceased in this world.
Mula sa likod ay niyakap siya ni Kassiopia at ibinuwal sa tubig. Nagpabuwal na rin siya at hinayaan itong masiyahan. Lumangoy sila patungo sa pinakamalalim na bahagi ng lawa at may itinuro ito sa likod ng isang halaman na himalang nabuhay sa mainit-init na tubig. Dalandan ang kulay ng mga dahon niyon at hugis puso.
Nagpatiuna ang dalaga at bumuntot siya rito. Isang lagusan ang pinasok nila at hinatid sila sa malaki at malapad na batong kulay ginto kungsaan ang tuktok ay hindi na abot ng tubig. Sa tingin niya ay nasa kabilang bahagi iyon ng talon at nasa loob ng isang kweba.
"Anong-" bago pa siya nakapagtanong ay niyakap siya ni Kassiopia at walang babalang kinagat ang kanyang leeg. Pero hindi gaya ng mga naunang tagpong ganito, kunti lamang ang sinipsip nitong dugo. Sapat lang para magliyab ang katawan niya nang humalili ang matinding pagnanasa.
"Kaya kita dinala rito para magawa mo kung anong gusto mo. Walang pipigil sa iyo rito. Hindi tayo matutunton ng pantas at kahit gustuhin pa niyang pumunta'y hindi rin siya makapapasok. Tayong dalawa lang ang pinapayagan ng bathala na makaapak sa lugar na ito."
"Wait, come again? You brought me here for what?" Dumagundong sa utak niya ang unang linya na sinabi nito. Did she mean, they went there for him to do it? And before he could think of anything anymore, she tiptoed and claimed his lips.
-------------
Nakikita ulit ni Kassiopia ang pulang linya palibot sa bola ng mga mata ni Dark. Nagliliyab at ang gandang pagmasdan. Kahit na tila hinahatak ang kanyang hininga at sinasakal siya pero ayaw niyang ibaba ang paningin. That hazy gray eyes surrounded by fire of blood is making her knees shuddered and her core misty from deep within.
BINABASA MO ANG
FANGS ✅
Mystery / ThrillerMalamig na mga rehas. Apat na sulok. Malupit na mga kadena. Katahimikan at dilim. Pulang Kandelang nakabalot sa telang itim. Ang mga ito ang tanging kasama ni Kassiopia sa loob ng kulungan sa ilalim ng lupa kungsaan ginugol niya ang kanyang kabataan...