NAG-TYPE ng panibagong message si Dark.
Him: may gusto ka bang kainin pagbalik ko para mabilhan kita.
Paulit-ulit niyang binasa ang message at sa halip na ipasa ay binura na lang at hinulog sa bulsa ng coat ang cellphone. Binilisan niya ang MGA hakbang.
"Shitt..." Nagmura ang babaeng nakabanggaan niya paliko sa isang eskina patungo sa elevator. Mabilis niya itong nahapit sa baywang para agapan na huwag matumba at sinalo niya ang bag at cellphone nito na tumilapon.
"I'm sor-" umurong ang pagsasalita niya nang matitigan sa mga mata ang babae.
Those are the eyes who used to haunt him, made his heart leap and saw everything in him. Bad and good. The eyes of the woman who used to live in his thoughts.
"Sorry," at the very least he managed to strike his cool.
Namilog ang mga mata ni Anjellena. Nakaawang ang mga labi. Unlike him she appeared startled and astounded looking right into his eyes. Pero nang bitawan na niya ito ay yumakap sa kanya ang dalaga.
"Dark," hindi siya nakakilos. "Dark, God, I missed you... I missed you so much, babe." Nagsimula itong umiyak.
Pero hindi niya mai-angat ang mga bisig para yakapin ito pabalik. Last night realization hit him hard. He's not inlove with this girl anymore. It was Kassiopia all along. Always been.
"Sorry, Jel, are you hurt?" Banayad siyang kumawala sa pagkakayakap nito. "I didn't see you, I was in a hurry, pasensya ka na. Here." Binigay niya rito ang bag.
"Dark," pain and disbelief appeared in her eyes.
Ibinaba niya ang paningin at huminga ng malalim. "I need to go." Nagpaalam na siya at nilagpasan ang dalaga pero hinawakan nito ang kamay niya at hinatak siya patungong elevator.
Pagkasara ng platform ay kaagad itong kumapit sa batok niya. Iniwas niya ang mukha nang tangkain nitong halikan ang mga labi niya.
"Babe, why?" Nasasaktang tanong nito.
Umiling siya at tinanggal ang mga kamay nito sa kanya. "You're here for him, aren't you? Your boyfriend." Umurong siya pasandal sa dingding ng elevator.
"There's nothing serious between me and Krad. Babe, I'm sorry for everything. For leaving you. I should have listened to your explanation." Paliwanag nito.
"It's in the past, Jel. There's no point dwelling on it." Bored na ipinasok niya sa bulsa ng pantalon ang mga kamay.
"Dark, ikaw pa rin ang mahal ko hanggang ngayon."
Matagal siyang napatitig sa dalaga. Last night everything makes sense to him. Minahal niya ang babaeng ito pero hindi katulad ng nararamdaman niya para kay Kassiopia.
He's young when he fell inlove with Anjellena. It was an immature love made stronger by his desire and lust. Nang makita niya si Kassiopia sa kulungan sa basement nagsimulang masira ang balansi ng kanyang damdamin.
His heart started getting confused but he denied it. Hindi mawala sa isip niya si Kassiopia noon. Akala niya naaawa lang siya sa dalaga dahil sa kalagayan nito at sa mga pinagdadaanan nito. Gustong-gusto niya itong makita lagi pero pinipigilan niya ang sarili.
Inaabala niya ang sarili kay Anjellena at sa trabaho niya para makalimutan niya si Kassiopia. Ibinabaon niya ang paghahangad sa dalaga. Then there was their first real kiss in Houston. Natakot siya sa damdaming pinukaw nito sa pagkatao niya kaya tumakas na naman siya.
Nang mga panahong iyon ay kailangan siya ni Anjellena dahil sa sunod-sunod na unos na dumating sa pamilya nito. He conceded and settled to be with her. Wala siyang option na binigay sa sarili kahit noong bumalik na ng bansa si Kassiopia. Hindi niya pwedeng iwan si Anjellena. Buntis ito.
BINABASA MO ANG
FANGS ✅
Mystery / ThrillerMalamig na mga rehas. Apat na sulok. Malupit na mga kadena. Katahimikan at dilim. Pulang Kandelang nakabalot sa telang itim. Ang mga ito ang tanging kasama ni Kassiopia sa loob ng kulungan sa ilalim ng lupa kungsaan ginugol niya ang kanyang kabataan...