36TH NIGHT

765 57 3
                                    

Kinabig ni Dark si Kassiopia at niyakap ng mahigpit habang abala ang iba sa paglilinis ng mga kalat dulot ng labanang naganap. May mga nasugatan sa panig nila pero walang nalagas gaya ng ipinangako niya sa pantas.

Karim's soldiers survived too but still under poisoned. They need to restrained them in a restricted part of the plaza.

"Pasensya ka na kung kailangan naming itago ni Sajid sa iyo ang totoo. Malakas ang mahikang ginamit ni Agno para manmanan tayo. Iniwasan ko lang na makatunog siya sa plano ko." Nagpaliwanag siya sa kasintahang reyna.

"Pero kailangan ba talagang dito dapat maganap ang labanan? Sagrado ang palasyo." Himutok ng dalaga at malungkot na pinukol ng tingin ang gabundok na bangkay ng mga sundalo ni Agno at sugatang mga kawal ni Karim.

"Walang ibang lugar dito sa kaharian na pwede silang ikulong. Kung nilabanan natin sila sa labas, pwedeng makatakas ang karamihan sa kanila at manganganib ang inosenteng mamamayan sa mga nayon." Tumingin din sa gawing iyon ang binata. "Huwag mo silang panghinayangan. Marami sa kanila ay mga patay na at ginising lamang ng itim na mahika at lason."

"Naintindihan ko," tumango si Kassiopia. Nangunyapit ito sa batok ni Dark at akmang kakagatin ang leeg ng lalaki.

"Mamaya na pagkatapos ng koronasyon mo. Alam mong hindi ko na kayang pigilan ang sarili kong angkinin ka tuwing sinisipsip mo ang dugo ko." Pigil niya sa kasintahan.

Umurong ang mga pangil nito at sumimangot. Nakaakyat na ang buwan sa sukdulan nitong liwanag. Tanda na kailangan na nilang isagawa ang ritwal ng pagputong ng korona kay Kassiopia.

Ginising niyang muli ang mga mamamayan na nakatulog matapos ibalik ni Alura ang dating ayos ng buong plaza at pinuno ng mga palamuti gamit ang kapangyarihan nito.

Lumapit sa kanya sina Karim at Krad matapos niyang ihatid si Kassiopia sa gintong pasilyo patungo sa naghihintay nitong trono. Habang inuusal ng pantas ang panalangin sa gitna ng katahimikan at nakaluhod na mga mamamayan ng Lantauan.

Tinanguan niya ang mga kapatid na gumanti ng tango sa kanya. Kapag nagiging maayos na ang lahat gusto niyang bumisita sa kahanay na mundo. Roon ay karaniwang nilalang lamang siya at wala ang mahiwagang kapaligiran.

Muli niyang itinuon ang paningin kay Kassiopia na banayad na nilalandas ang pasilyo. Mula sa buwan na nasa itaas ay dahan-dahang bumababa ang haligi ng liwanag. Hanggang sapitin ng dalaga ang upuan nito sa trono at nagtapos ang panalangin ng pantas ay nag-anyong tao ang liwanag. Naging isang hubog ng babae bitbit ang labing-pitong bituin ng kalangitan ng Lantauan. Ang koronang ipuputong kay Kassiopia.

"Kassiopia Rosalyn de Cacao, reyna ng buong Lantauan, pinagkakaloob sa iyo ngayon ang kapangyarihang mamuno sa lahi ng mga Lantau. Sinumang susuway sa iyong utos ay magiging abo at sinumang lalabag sa iyong batas ay maglalaho. Ako ang iyong ina at ito'y isusulat sa kasaysayan ng ating lahi." Mula sa langit ay narinig nilang lahat ang malamig na boses ni Maria de Cacao kasabay ng pagputong ng korona.

Binalot ng liwanag ang buong palasyo mula sa labing-pitong bituin na nakapalibot sa ulo ni Kassiopia.

Tinapos sa isang kasiyahan at masaganang salu-salo ang koronasyon. At habang nagsasaya ang lahat, kinaladkad siya ni Kassiopia sa likod ng mayayabong na mga halaman sa Hardin. Hindi na ito nagpapapigil at agad ibinaon ang mga pangil sa kanyang leeg.

Pinakawalan niya si Ascalon na lumikha ng nagliliyab na harang ng asul na apoy upang ikubli sila. Kinalas niya ang mga kasuotan ng dalaga at inangkin ito habang nasa loob sila ng apoy.

Nang sumunod na araw, habang mahimbing pa ang tulog ni Kassiopia pinuntahan niya si Sajid at kinonsulta tungkol sa lason na ginamit ni Agno sa mga sundalo ni Karim.

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon