Abala si Kassiopia pagpi-filter ng mga files sa computer nang matanggap niya ang text message ni Madeline. Inatake raw sa puso ang Papa niya. Kaagad umalis ng opisina ang dalaga at nagpunta sa hospital na pinagdalhan kay Matthew. Inabutan niya roon si Carmen na naghihintay sa labas ng emergency room.
"Nak," sinalubong siya nito.
"Nay, kumusta si Papa?" Nag-aalalang tanong niya. Ito ba yong sinabi ni Dark sa kanya na dapat niyang bantayan ang kalusugan ng ama? Pero bakit walang sinabi sa kanya ang binata kung alam nito ang karamdaman ni Matthew? Mayamaya pa ay may doctor na lumabas mula sa emergency room. Agad niya itong sinalubong.
"Doc, how's my father?"
"Ligtas na siya sa ngayon. But we need to monitor him closely for further observation. Heart disease is very unpredictable. We can't anticipate its next assault." Paliwanag ng doctor.
But at least her father is safe now. Sapat na iyon. Kailangan na lang nilang mag-ingat sa susunod para maiwasang ma-stress ang puso ng matanda. Mula sa emergency room ay nilipat sa private room si Matthew.
The attending physician suggested a two-week confinement for the old man. Siya ang nagvolunteer na magbantay sa ama. Gusto niyang paggising nito ay siya ang una nitong makikita. Habang si Carmen naman ay umuwi muna para kumuha ng mga gamit nila.
Habang tulog pa ang ama ay tinawagan niya si Dark pero hindi ito sumasagot. Tinext niya. Hindi rin nagreply. Nagalit yata ito dahil sa ginawa niya kay Anjellena. May nangyari kaya sa baby? Bigla siyang nakonsensya. Tumawag siya ulit. Wala pa rin. She is about to give up when her phone rings.
"Dark?"
"Ahhhh...harder...babe...uhhmmm...deeper....ahhhhh....babe....faster...ahhhh..." Ungol ng isang babaeng parang nagdedeliryo ang naririnig niya. "Ahhhh...ang sarap niyan...Dark....faster...ahhhh..."
Nanlaki ang mga mata niya at pinindot ang pinatay ang tawag. Is that Anjellena? Are they having sex at this hour? Tirik na tirik pa ang araw. Napahawak siya sa dibdib. Nagtatambol ang puso niya. Bawat pagtambol ay inaalog ang kanyang katawan at parang may nadudurog sa loob. Ang sakit.
Napansin na lang niyang hilam na sa luha ang kanyang mga mata. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyon. Pinaparinig pa talaga sa kanya ang kaharutan. Iyon ba ang dahilan kaya hindi sinasagot ni Dark ang mga tawag niya? Because he's busy touring inside that bitch?
Nang makabalik si Carmen ay nagpaalam siya at umalis. Susugurin niya ang lalaking iyon. First time niyang pumunta ng condo unit nito pero alam naman niya ang eksaktong address niyon. Sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa lokasyon. Inabot din siya ng halos isa't kalahating oras sa biyahe isama na ang matinding traffic.
Ang alam niya nasa 28th floor ang unit ni Dark. Sumakay siya ng elevator paakyat sa ika-dalawampu't walong palapag ng gusali. Mabilis lang niyang nahanap ang unit ng binata. Agad siyang nag-doorbell. Paulit-ulit niyang pinindot yon. Bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang galit na mukha ni Anjellena.
"Ano ba? Ang ingay___" Naputol ang pagsasalita nito at napamulagat. Nakakatakot ba talaga siya at kung makaasta ito ay masyado namang eksaherada na akala mo ay siya ang pinakapangit na zombie sa balat ng lupa.
"Opps... not so fast, bitch." Mabilis niyang napigilan sa kamay ang pinto nang tangkain nitong pagsarhan siya. Pumasok siya kahit walang imbitasyon.
"Bakit ka nandito? Sasaktan mo ako? Umalis ka ngayon din, tatawag ako ng police!"
Hindi niya ito pinansin. "Nasaan si Dark? Gusto ko siyang makausap."
"Anong kailangan mo kay Dark? Iinumin mo ang dugo niya? Hindi kita papayagan!"
BINABASA MO ANG
FANGS ✅
Mystery / ThrillerMalamig na mga rehas. Apat na sulok. Malupit na mga kadena. Katahimikan at dilim. Pulang Kandelang nakabalot sa telang itim. Ang mga ito ang tanging kasama ni Kassiopia sa loob ng kulungan sa ilalim ng lupa kungsaan ginugol niya ang kanyang kabataan...