Bumulusok mula sa kalangitan ang matatalim na kidlat. Sa bawat pagtama niyon sa kalupaan ay nag-iiwan ng mga pagsabog, mga batong nag-aapoy na lumilikha ng malalim na mga butas at niyayanig ang pundasyon ng buong kaharian sa ilalim ng lupa.
"Pasok sa loob ng palasyo!" Utos ni Dark sa lahat.
Mula sa kinaroroonan ni Kassiopia ay tanaw niya ang asawa sa gitna ng apat na elementong nakapalibot dito. Hinahawi nito ang nakalalasong hamog at mga latigong apoy. Habang si Sajid ay patuloy na umuusal ng mahika upang pagtibayin ang harang na unti-unting nilalamon ng itim na apoy.
Binawi niya ang paningin at tiningala si Anjellena. Ang mga mata nitong kakulay ng dugo, mga pangil na nakausli at ang mahabang buhok na tinatangay ng hangin. Ito nga ang kanyang kapatid. Ang dating reyna na nasa kasaysayan. Walang ibang makapipigil dito kundi siya lang at obligasyon niyang wakasan ang kasamaang bumabalot sa puso nito.
"Sil peuntedos dis pundiatas, piedras klutes, sundeu lustes, kaleu parta bue lustas blisan tieras kalis tubietas. Bon kassiopia jorito lambian dara pantulin, Lantauan! (Sa apat na sulok ng kalangitan, sa kalikasan at buong kalupaan. Ako'y nananawagan. Ipagkaloob ang kapangyarihan. Ako ang inyong reyna at boses ko'y pakinggan, Lantauan!)" Itinaas niya ang mga kamay. Dinama ang espiritu ng mundong iyon. Umihip ang hangin at bumalot sa kanya. Dahan-dahan siyang ini-angat niyon sa lupa at tinangay patungo sa labas ng palasyo.
"Kassiopia!" Sigaw ni Dark mula sa ibaba. Lumabas ito sa harang at tumatakbo. Iniiwasan ang nag-aamok na kidlat gayundin ang mga latigong apoy.
Sa may tarangkahan ay tanaw niya ang nagkalat na mga bangkay ng mga kawal na hindi na nagawang makapasok ng palasyop, gayundin mga ibon at ibang hayop na nasusunog. Ang iba'y naging bato matapos tamaan ng mga asupreng dala ng pagsabog.
"Ako ang haharap sa kanya! Huwag kayong makikialam!"
Tumawa ng malakas si Anjellena matapos marinig ang kanyang sinabi. "Sa palagay mo ba ay makakaya mo akong talunin, Rosalyn? Manood ka! Ipapakita ko sa iyo ang kapangyarihan ng tunay na reyna ng Lantauan!" Nag-angat ito ng kamay. Itinuon sa hamog na kaagad huminto sa pagkalat at naging anyo ng isang higanteng bunganga. Sinimulan nitong higupin lahat nang may buhay at wala sa harapan nito. "Funde suelo plindu siades satur biaras hiska nustes, Minduhara, lamir unda! Biedras, kasti avuentes amata puri. Malue buelos, opia tados! (Bangon, alagad ng dilim, ito na ang iyong oras, Minduhara, puksain silang lahat! Dalhin sa aking paanan ang mandirigma at mga kaaway ko ay wakasan!)"
Mula sa bunganga ng hamog ay lumitaw ang halimaw ng impeyerno. Si Minduhara. Ang higanteng ahas na may ulong liyon at tigre. Ang mortal na kaaway ng Zaargo.
Pinagsalikop ni Kassiopia ang mga palad. "Deo omre, puas clemento. Deo omre, puas clemento. Deo omre, puas clemento!" After she recited the heavenly spell, the whole kingdom stood still. Time froze. Ang alon ng dagat ay huminto. Ang daloy ng ilog ay tumigil.Ang hangin ay namamahinga.
"Kassiopia! Do what you need to do, I'll handle the demon!" Dark shouted below, advancing forward, shielded by the spirit of the rock and armed with the sacred arrow of Buhawi and the legendary sword of Ascalon.
Natigil ang malakas na daluyong mula sa malaking bungangang nakaumang sa palasyo. At mula sa kalangitan ay bumaha ang liwanag ng buwan. Bumalot iyon kay Kassiopia at nagiging gintong baluti na nagsasabog ng makukulay na liwanag na humiwa sa natitirang hamog sa paligid.
"Deo omre, puas clemento! Deo omre, puas clemento! Deo omre, puas clemento!" Nagpatuloy sa pagsambit ng panalangin si Kassiopia. Nang pagkakataong iyon, mula sa apat na sulok ng kaharian ay bumuhos ang bahaghari ng mga paru-paro. Bawat bangkay ng mga kawal at mga hayop na dinapuan ng mga iyon ay muling nabubuhay.
BINABASA MO ANG
FANGS ✅
Mystery / ThrillerMalamig na mga rehas. Apat na sulok. Malupit na mga kadena. Katahimikan at dilim. Pulang Kandelang nakabalot sa telang itim. Ang mga ito ang tanging kasama ni Kassiopia sa loob ng kulungan sa ilalim ng lupa kungsaan ginugol niya ang kanyang kabataan...