"DARK," she ran towards him and slammed herself into his arms. God, she missed him so much. Dark, the irreplaceable love of her life.
"What's up, pretty girl. You've grown a lot. I hardly recognize you." He said almost in a whisper along with a sexy chuckle.
"I missed you," teardrops fell from her eyes. She buried her face in his hard and broad chest. He's so warm and she could hear his heartbeat. It's speeding fast like hers.
"I missed you too," hinagkan siya nito sa ulo at hinaplos-haplos ang buhok niya. "And I'm so glad you're back."
Oh, Dark. She wants to stay with him just like this. Just like this. Hindi niya hihilingin na mahalin din siya nito tulad ng pagmamahal niya rito. What's important is that they could have this moment that she will treasure forever.
Pero ang mahiwagang sandaling iyon ay pinutol ng tikhim ni Karim na muntik na niyang makalimutan na naroon pa pala. Pareho silang napatingin ni Dark sa direksiyon ng lalaki. Nakatayo na ito. Nakapamulsa ang mga kamay at seryoso ang mukhang nanonood sa kanila.
She saw danger lurking in the corner of his eyes. Bigla ring nag-iba ang aura ni Dark. He gently pushed her aside and took his steps forward. Wait! What happened? Dark's eyes seem blazing with fury.
"Sa iyo pala iyong Bugatti na nasa labas." Kalmado ngunit naroon ang tigas sa boses nito. "You shouldn't flaunt an expensive ride in the public. Baka nakawin."
Tumawa si Karim. Tawang nang-aasar. Naghahamon. "I'm not flaunting. As a matter of fact, it is the cheapest wheel I have at home. Kung gusto mo sa iyo na."
Nagtagis ng ngipin si Dark. "Thank you, pero di ko hilig ang tira ng iba. Anyway, no offense meant, but what is the president's son doing here? A courtesy visit? Perhaps not. Care to enlighten me, Mr. President's son?" Nakaka-insulto ang paraan ng pagkakasabi ng binata.
"What a lovely name to address me." Dumilim ang mukha ni Karim at marahas na bumuga ng hangin. "I'm here for Kassiopia. May problema?" Matapang nitong pag-amin.
Tumingin sa kanya si Dark. Magkadikit ang mga kilay. Anong gagawin niya? Pinilipit niya ang mga daliri. She's totally disoriented of what was happening between the two guys. Pero sa pagkakaintindi niya magkakilala ang mga ito at may di pagkakaunawaan yata. Sana mali ang obserbasyon niya.
"Ahm...Dark, I can explain___"
Pero nagtaas ng kamay si Dark, signal para tumahimik siya.
"I'll only say this once, Mr. Romulo. Take your fucking business out somewhere and leave this girl alone if you want to spare yourself from becoming one of my targets." Nasa tinig ng binata ang panganib na nagbabantang humagupit sa kausap anumang sandali.
"Are you trying to threaten me, Raymundo? Who do you think___" Hindi natapos ni Karim ang pagsasalita. Napaupo ito sa sahig nang tamaan ng suntok ni Dark.
Just like a blink of an eye, he served the punishment.
Napatili si Kassiopia at mabilis na dinaluhan si Karim na dumugo ang labi. "Okay ka lang ba?" Naiinis na binalingan ng dalaga si Dark. "Tama na! Ano bang problema mo?" Pero hindi siya pinansin ng binata. Nakapako ang nagbabaga nitong mga mata kay Karim.
"That's your warning, Romulo. Now get your damn ass out and don't even try to come back." Pagkasabi ay tumalikod na ito at tinungo ang hagdanan. Umakyat.
NAPASUNOD na lamang ang tingin ni Kassiopia kay Dark na umakyat sa hagdanan. What's with him? Bigla na lang nanununtok ng walang sapat na dahilan? This may be the other side of him she doesn't know. Impulsive and irrational. That just shows nobody's perfect. Even the man she loves. Pero bakit pati ang imperfections nitong iyon ay nakaka-inlove pa rin? Kaya di niya kayang magalit rito kahit pa alam niyang mali ang ginawa nito.
BINABASA MO ANG
FANGS ✅
Mystery / ThrillerMalamig na mga rehas. Apat na sulok. Malupit na mga kadena. Katahimikan at dilim. Pulang Kandelang nakabalot sa telang itim. Ang mga ito ang tanging kasama ni Kassiopia sa loob ng kulungan sa ilalim ng lupa kungsaan ginugol niya ang kanyang kabataan...