16TH NIGHT

893 68 10
                                    

HUMINGA ng malalim si Dark at kinalma ang sarili habang nakapako ang paningin sa nakasaradong pintuan kungsaan kunti na lang ay sipain niya kanina palabas si Abel Madrigal.

Stupid lawyer. Ginawa pa siyang sinungaling. Kesyo wala raw sakit si Kassiopia at itinago lang niya. Urgent business raw. Business his ass. Like he couldn't tell it wasn't about business why that lunatic came over.

Abel Madrigal is just one of those guys who obviously had the hots on Kassiopia. He can read them clearly like an open book. They're persistence to have her is driving him crazy that it made him wish to smash their heads. Sinulyapan niya ang bulaklak at chocolates na nasa center table.

"Madeline!" Tawag niya sa katulong na nagva-vacuum sa carpet ng hagdanan.

Pinatay nito ang vacuum at nagmamadaling bumaba. "Sir?"

"Put those flowers away. At ang chocolates kainin ninyo." Utos niya rito saka nagtungo sa hagdan at umakyat. Kinapa niya ang marka ng kagat ni Kassiopia sa kanyang leeg.

Kumikirot. Buti na lang turtle neck sweater ang suot niya. Naitago iyon. Nagtungo siya sa kanyang kwarto para gamutin iyon at malagyan ng benda. Nahinto siya nang sipatin sa salamin ang sugat. Hindi iyon marka ng ngipin kundi mga pangil.

Nagtagis siya ng bagang. Agad niyang ginamot iyon at tinakpan ng band-aid. Nakasalubong niya si Juan habang pabalik siya ng silid ni Kassiopia. Nagtanguan lamang sila. Papasok na sana siya sa pinto na naiwang bukas nang marinig niya ang seryosong pag-uusap ng dalaga at ni Carmen. Tumigil siya at sumandal sa hamba.

"Umalis si Dark kagabi?" Tanong ni Kassiopia. "Saan siya pumunta?"

"Wala siyang sinabi,nak."

"Kay Anjellena siguro siya nagpunta, nay."

"Nandito ang kapatid mo?"

Katahimikan. Pagkakataon na sana niya para pumasok pero muling nagsalita si Carmen.

"Papaano ka, nak? Okay ka lang ba?"

"Nakaya ko ito, nay, sa mga nakaraang taon. Makakaya ko rin to sa mga darating pa."

"Hanggang ngayon, mahal na mahal mo pa rin si Dark."

Katahimikan.

"Nanaginip ako, nay." Pumiyok ang tinig ni Kassiopia. Napakahabang panaginip at ibinalik lahat sa akin. Lahat ng damdamin at sakit. I thought I'm done with all those tough emotions. Hindi pa pala. Like I need to go back to square one now."

Dark closed his eyes and took a very deep breath. Pakiramdam niya dinudukot ng malalaking mga kamay ang puso niya at unti-unting pinipiga.

"Bakit hindi ka pumasok?"

Napatingin siya kay Juan na papalapit at umiling. Umalis siya sa hamba at naglakad paalis. Tinunton niya ang verandah. Sumunod sa kanya si Juan.

"Saan ka pumunta kagabi?" Tanong ng matanda pagkapasok nila ng verandah.

"May kinuha lang ako sa Januarius." Sagot niyang sumampa sa railing at naupo.

"Nag-alala ako sa iyo kagabi. Umalis ka ng wala sa sarili at nanginginig."

Hindi siya kumibo. Sinipat niya ang mga kamay at ikinuyom. He's shaking last night. Napansin lang niya noong nagmaneho na siya ng motorbike niya. Akala niya may problema ang manibela at di niya halos makontrol, iyon pala'y dahil nanginginig siya.

Unang pagkakataon niyang makaramdam ng ganoon katinding takot habang nakikitang walang malay si Kassiopia at ayaw gumising. The feeling of losing her is unbearable that it almost took him out of sanity. She's always nimble and strong. Seeing her getting sick is very hard to endure.

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon