Bago maghapunan ay nakauwi na si Matthew. Masigla tumulong si Kassiopia kay Carmen sa kusina sa paghahanda ng dinner. Natukso pa siya ng ibang mga katulong dahil sa kulitan nila ni Dark sa verandah. Dinig na dinig raw ang tawanan nila.
"Dark, kakausapin kita pagkatapos natin kumain." Nagsalita ang matanda habang magkasalo silang kumakain ng hapunan. "And you, hija, sasama ka sa akin bukas sa opisina kaya magpahinga ka ng maaga." Baling nito sa kanya.
Tumango lang siya at napatingin kay Dark na nakatingin din sa kanya. Ngumiti siya rito. He smiled back.
Pagkatapos kumain ay umakyat siya sa kanyang silid habang sina Matthew at Dark ay naiwan sa study room para mag-usap. Naghanda siya ng susuutin niya kinabukasan. She needs to be presentable and make her father proud. After preparing everything for tomorrow, she took a quick shower and went to bed after drying her hair.
Naiidlip na siya nang gisingin ng mahihinang katok mula sa pintuan. Inaantok na bumaba siya ng kama at binuksan ang pinto.
"Dark?" Naglaho bigla ang antok niya nang mabungaran sa labas ang binata.
"Pwedeng pumasok?" Sabi nito. May napansin siyang anino ng lungkot sa abuhin nitong mga mata. Bakit kaya? Anong nangyari?
"Halika," nilakihan niya ang bukas ng pintuan at itinabi ang sarili.
Pumasok ito. Sinara niya ang pinto at sumunod rito. Tinungo nito ang couch sa isang sulok.
"May problema ba?" Tanong niya.
"Wala naman." Naupo ito. "Bantayan mo si Tanda ha? Minsan kasi pabaya iyan sa kalusugan niya."
"Okay, katatapos nyo lang mag-usap?"
Tumango ito.
"Anong pinag-usapan ninyo?"
"Ihanap raw kita ng matinong mapapangasawa."
"What?" Para siyang binagsakan ng langit. Si Dark pa talaga ang inutusan ng Papa niya? Bakit naman? Ayaw pa niyang mag-asawa. Bata pa naman siya. At paano kung hindi matanggap ng mapapangasawa niya ang kanyang sakit? Baka ikadena lang siya ulit at ikulong.
Katahimikan. At bigla na lamang humagalpak ng tawa si Dark. Doon lang niya na-realize na niloloko lang siya nito. Dumampot siya ng throw pillow at pinaghahampas ito. Tawa lang ito ng tawa habang sinasangga ang mga hampas niya. Tumigil din siya nang mapagod.
"Babalik na ako ng condo. Goodluck para bukas." Nagpaalam na ito at tumayo.
"Hindi ka dito matutulog?"
"Si Anjellena lang ang naiwan doon sa unit. Hindi iyon sanay na matulog doon mag-isa."
"Nandoon siya sa unit mo? Nag-live in na ba kayo?" Naramdaman niya ang pagsalakay ng kirot sa kanyang puso. It burns her inside.
"Almost three years na. Di ba nasabi sayo ni Carmen? Anjellena's two months pregnant. Maybe next year magpapakasal na kami after niya isilang ang baby namin."
Para siyang sinuntok sa dibdib. Hindi siya makahinga at umabot hanggang sa likod niya ang sakit. Wala naman siyang inaasahan mula sa binata pero bakit ganito pa rin kasakit? Sobrang sakit.
"Kass, I'm sorry." Tinangka nitong yakapin siya pero umurong siya palayo kasabay ang pagbagsak ng kanyang mga luha.
"O-okay lang. Congratulations, tatay ka na. Paki-lock na lang ng pinto paglabas mo." Nagmamadaling bumalik siya sa kama at nahiga. Nagtalukbong siya ng kumot.
Ang galing nitong magsalita at pigilan siyang makipagkaibigan kay Karim pero hindi naman nito inisip man lang ang damdamin niya. Pakakasalan pa rin nito si Anjellena kahit ayaw niya sa babaeng iyon. Narinig niya ang mga yabag papalabas at ang pagbukas at pagsara ng pinto.
BINABASA MO ANG
FANGS ✅
Mystery / ThrillerMalamig na mga rehas. Apat na sulok. Malupit na mga kadena. Katahimikan at dilim. Pulang Kandelang nakabalot sa telang itim. Ang mga ito ang tanging kasama ni Kassiopia sa loob ng kulungan sa ilalim ng lupa kungsaan ginugol niya ang kanyang kabataan...