11TH NIGHT

828 69 6
                                    

MABILIS na lumipas ang dalawang linggo. Nakalabas ng hospital si Matthew. Habang nagpapalakas ang matanda ay siya muna ang nag-aasikaso sa kompanya. Wala na siyang balita kina Dark at Anjellena pagkatapos ng confrontation nila ng binata doon sa hospital.

Alam niyang pumunta ito ng ilang beses sa hospital para dalawin ang Papa niya. Pero itinataon nito na wala siya doon. Nalaman lang niya kay Carmen. Ayaw na nga talaga nitong makita pa siya. Kung iyon ang kailangan para mapatawad siya nito titiisin niyang hindi na muna magpapakita rito.

Pero isang araw ay tumawag sa kanya ang ama at nakiusap ito na puntahan niya si Dark sa unit nito. Gusto raw nitong makausap ang binata. Hindi raw nito ma-kontak ang cellphone. Wala siyang nagawa kundi pumunta sa unit nito pagkagaling niya ng office. Umuulan pa naman.

Huminga siya ng malalim habang nasa tapat ng pinto ng unit saka nagdoorbell. Bumukas ang pinto at tumambad sa kanya ang nangangamoy alak na si Dark. He looks devastated and in mess.

"Ang monster pala. Bakit ka nandito?" Tumalikod ito at bumalik sa mahabang sofa. Humilata doon habang bitbit ang bote ng alak.

Napatiim siya. "Pinapunta ako ni Papa. Gusto ka raw niyang makausap."

"Sabihin mo kay Tanda, pupunta ako bukas." Tinungga nito ang bote.

Lumapit siya rito at inagaw ang bote. "Tama na. Lasing ka na."

"None of your business, give it back and leave me alone!" Bumangon ito at pilit inaagaw sa kanya ang alak. "Galit sa akin si Anjellena. Lagi niya akong inaaway. Gusto niyang ipakulong kita, kung hindi hihiwalayan niya ako." Sumalampak ito sa sahig.

"I'm sorry, sana di na lang ako nagpunta rito ng araw na iyon. Pero wala naman akong masamang intensyon. I just want to inform you about Papa's condition. Tinawagan kita pero hindi ka kasi sumasagot. Nagtetext ako di ka rin nagrereply." Tumulo ang mga luha niya habang nagpapaliwanag.

"Anjellena had my phone." Tumayo ang lalaki. Naglakad patungo sa kwarto. Iniwan niya sa center table ang bote ng alak at sumunod rito.

Nahiga ito sa kama. Nasasaktan siyang makita itong ganito. Pumasok siya sa banyo. Naglagay ng maligamgam na tubig sa maliit na planggana at kumuha ng bimpo. Dinala niya iyon sa silid at pinunasan ang binata. Hinubad niya ang shirt nito. Huhubarin na sana niya ang pantalon nito nang biglang may pumasok sa kwarto. Nanlaki ang mga mata niya. Si Anjellena?

"You bitch! Anong ibig sabihin nito? Anong ginagawa ninyong dalawa?" Galit itong sumugod sa kanya.

Mabilis na bumangon si Dark at iniharang ang sarili. "Babe? Why are you here?"

"I'm suppose to be the one asking questions here! What is this criminal doing here in our room? And why is she touching you?" Marahas nitong asik na pulang-pula sa galit at pilit siyang kinakalmot habang pinipigilan ito ng lalaki.

It would be useless to interfere and explain at this point. That would only ignite Anjellena's fury even more. Sarado na ang isip ng kapatid niya sa sobrang galit.

"Jel, calm down. There's nothing going on between us." Hinatak ni Dark ang babae at niyakap pero nagpumiglas ito at sinampal ang binata.

"Kaya ba di mo na ako binalikan don sa hospital? Dahil sa kanya? Sa babaeng pumatay sa anak natin? Magsama kayong dalawa sa impeyerno! Dark, tapos na tayo!" Sigaw nitong umiiyak na nagmartsa palabas ng silid.

Hinabol ito ni Dark. "Anjellena, please...mahal na mahal kita. Don't do this to me, babe." Niyakap nito ang dalaga mula sa likod. "I'm sorry, I was such a klutz. I wasn't able to protect our baby."

"Ayaw ko na, Dark. Tapos na tayo." Pilit na kumawala ang babae at nang makalaya sa pagkakayakap ng binata ay tumakbo paalis.

"Anjellena...!"

FANGS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon