Araw-araw na pumupunta sa talon ng buhay si Dark para tingnan ang kalagayan ni Krad. Bumalik na ang tibok ng puso ng binata pero nanatili itong tulog at mag-iisang buwan na. Samantalang si Karim ay dumadalas din ang pagbisita sa palasyo para makibalita.
"Aalis na ako, Alura. Babalik ako bukas ng hapon." Nagpaalam si Dark sa bathala habang nakatunghay kay Krad na nakahimlay sa kama ng mga halamang gamot sa gitna ng mga bulaklak ng bituin na roon lamang tumutubo.
"Nararamdaman kong malapit na siyang magising." Hinatid siya ni Alura hanggang sa bukana ng mahiwagang lupain.
Habang pauwi ay sumasabay sa kanya ang hukbo ng mga lobo at mga agila. Sinamahan siya sa hangganan. Binilisan niya ang takbo ng kabayo habang nakatanaw sa namumuong mabigat na ulap sa kalangitan. Bago pa siya nakapasok ng tarangkahan ay bumuhos na ang ulan.
Pinatigil niya ang kabayo at tumingala. Kumikinang ang bawat patak ng tubig at dinig niya ang tawanan ng mga halaman sa paligid. Everything's fine now. This world is in perfect balance. No more threat. Kapag gising na si Krad, pwede na silang bumisita roon sa kahanay na mundo.
Sinalubong siya ng kawal pagdating sa loob ng palasyo at matapos itong bumati ay kinuha ang kabayo para dalhin sa kwadra. Siya naman ay tumuloy sa tanggapan ng reyna. Nadatnan niyang nilalaro ni Kassiopia ang kanilang anak.
"May magandang balita na ba?" tanong ng asawa matapos niya itong hagkan sa noo at labi.
"Tulog pa rin siya." Dumukwang siya at hinagkan ang sanggol na nakatingala sa kanya at nakangiti ng malaki.
"Pwede kong pasukin ang diwa niya at gisingin siya." Hinaplos ni Kassiopia ang kanyang panga. "Susubukan ko lang."
"Kung pipilitin natin siyang magising baka hindi makabubuti sa kanya. Siya ang naging sakripisyo para sa dating reyna. Kung napaghandaan ko lang ng maaga hindi niya kailangang danasin ang ganito."
"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Nawala sa iyo ang mga alaala mo. Isa pa, lahat ng ginawa ni Sajid na labag sa kautusan ng langit ay may kapalit. Wala sa atin ang hindi nagkakamali. Ang mahalaga ay kung paano natin itatama ang lahat."
Tumango siya at kinabig ang asawa. "Malapit nang gumising si Krad. Nararamdaman ko iyon."
"May sinabi si Karim sa akin. Pinaliwanag na raw niya sa magulang ninyo sa kahanay ang mga nangyari. Pero hiniling ni Diego Romulo na muli kayong makitang magkakapatid." Kinarga ni Kassiopia ang anak nila bago pa ito magpalahaw ng iyak.
"Tatawid kami kapag gising na si Krad." Deklarasyon niyang hinahaplos ang ulo ng sanggol.
"Pwede ba kaming sumama ng anak natin? Gusto ko ring alamin ang kalagayan nina Juan at Carmen. Bibisitahin ko rin si Matthew. Nakausap ko na si Sajid, iiwan ko muna sa kanya ang kaharian habang wala tayo."
"Ikaw ang masusunod, aking reyna." Kinindatan niya ito.
Tumibok si Ascalon na nakasabit sa kanyang likuran kasabay ang pagpasok ng iilang matitingkad na pulang paru-paro. Sinundan niya iyon ng tingin at ngumiti ng pilyo.
Magsisimula na palang sumikat mamayang gabi ang pulang buwan. Tanda na pwede na ulit niyang galawin ang asawa. Mabuti naman at maiibsan na ang uhaw niya mula sa ilang buwan na pagtitiis. Isang linggo lang ang itatagal ng pulang buwan sa kalawakan kaya dapat susulitin niya.
"Hm, the spell is going to expire tonight?" He whispered hoarsely, supressing a smile.
Inirapan siya ng asawa. "Kagabi pa. Too bad, I was in the mood last night but you haven't noticed."
"Really? You are?" Natawa na siya. Nanghinayang sa pagkakataong pinalagpas.
"Tinulugan mo lang ako. Gumigising ka lang para sa anak natin. Halos ibandera ko na sa iyo ang katawan ko, wala ka pa ring pakialam." Himutok nitong nagtatampo.
BINABASA MO ANG
FANGS ✅
Mystery / ThrillerMalamig na mga rehas. Apat na sulok. Malupit na mga kadena. Katahimikan at dilim. Pulang Kandelang nakabalot sa telang itim. Ang mga ito ang tanging kasama ni Kassiopia sa loob ng kulungan sa ilalim ng lupa kungsaan ginugol niya ang kanyang kabataan...